Pagkagising ko sa umaga agad nagbeep ang cellphone ko. Teka ang aga-aga may nag text na ka agad? kinuha ko ito at tinignan.
from: Gen
In every morning as you woke up in bed. The sunshine wish you good luck and makes your day right. That sunshine is me ( ^____^)
" HAHAHA kailan pa siya ntutong magtext ng mga ganito?, kahit corny ang cute parin." kinikilig naman ako. Ewan pero buong buhay ko ngayon lang ata ako nagkakaganito.
Pagkatapos kong bumangon, naligo muna ako, nagbihis at nagsuklay tapos bumaba na para kumain.
" Anak buti naman bumaba kana, kumain kana dito" si mama, inihahanda ang pagkain sa lamesa.
" Good morning po mama !" binati ko si mama at dumiretso na sa pag-upo.
Nagtaka naman bigla si mama " a..anak pansin ko lang iba yata ang ngiti mo nagyon ah..bakit may nangyari bang maganda?"
" huh ? a..wala po, lagi naman akong ganito di ba ma?"
" A...sa tingin ko hindi? alam ko meron niyan sabihin mo na kasi tayo-tayo lang naman ang andito eh."
" Wala nga po..." sumubo na ako ng pagkain.
" alam ko na kung bakit, niligawan kana ni Matthew no?"
Dahil sa sinabi ni mama nabilaukan tuloy ako sa pagkain.
" Oh anong nangyari sayo? oh hetong tubig." inabutan ako ni mama ng isang basong tubig at agad ko itong ininom...Hay..buti nalang hindi ako natuluyan.
" sabi ko na nga ba eh, tama ako diba? alam ko na kasi yang style mo anak eh"
" a..ano po kasi.."
" Shhh..wag kanang magsalita. Alam mo okay lang sakin anak proud nga ako sayo eh..gogogo lang ha..FIGHT, FIGHT, FIGHT!" hehehe hindi ko a maintindihan si mama.
Pagkatapos kong kumain diretso ako agad sa school. Pagkapasok ko palang ako na ang pinag-usapan ng lahat. Habang dumadaan ako tinititigan nila ako kaya napapayoko nalang ako. Pa'no ba naman kasi itong si Matthew ginawa niya pang OSCAR AWARDS yung confession niya sakin kaya ayan ako yung napapahiya pero aminin kinikilig ka tehh..
" Hoy ! bakit ka ngumingiti na parang baliw diyan?" bigla nalang lumitaw si Maricar sa harapan ko.
" Ha? ako ngumingiti? hindi ah.."
" Wag kanang magkaila diyan, alam ko dahil yan kahapon sa confession sayo ni Matthew. Ayehhh haba ng hair mo ah. Akalain mo yun ang isang hater na gustuhan ng gaya ni Matthew? ikaw na , ikaw na talaga "
Npakamot nalang ako tuloy sa ulo ko at napangiti, ewan pero sign na ata 'to na inlove na inlove na ako kay Matthew.
" TUMIGIL KA NA NGA DIYAN ! UNA NA AKO SAYO BAKA MA LATE PA AKO EH"
"sige goodbye Mattline.."
" Che !"
Anong Mattline? ang corny naman nun.
Pagpasok ko sa room namin may nakita akong sulat a nakalatag sa inuupuan ko. Ano naman 'to?, pagabukas ko.
" Take a sit my beautiful princess"
Ha? ano 'to? kay Matthew ba ito galing ? ang corny lang ha. Teaka nasan na ba kasi yun, akala ko ba manliligaw siya ? eh parang wala pa naman siyang ginagawa eh..Teka napaka feeling ko lang no? Inlove eh..
Umupo ako sa upuan ko na may poise, hahaha ano bang nagyayari sakin?
Natapos na yung buong klase pero wala pa din akong Matthew Gen na nakikita. Nasan na kaya yun? baka naman nagback-out a yun dahil narealize niyang hindi niya pala ako mahal, pangit ako at narealize din niyang mas gusto niya pala ang mama ko kaysa sakin.
BINABASA MO ANG
YOUR NO.1 HATER
Teen Fictionpa'no kung ang pinaka hate mo na artista ay bigla mo nalang maging kaklase. Magbago kaya ang pag-tingin mo sa kanya o mas lalo mo pa siyang kaiinisan let's see kung anong mangyayari !! first time ko lang po to at gusto ko lang makagawa ng kathquen...