chapter 34 date-date din pag may time (2)

127 3 0
                                    

Pagkatapos naming manood ng sine dumiretso kami sa World of Fun at syempre suot naman niya yong disguise niyang weirdo. Naglaro kami ng TEKKEN, gusto ko kasi ito eh at walang nagpapatalo saming dalawa kaya naman umiinit na ang sagupaan ngayon. Favorite kong character ay si Lily at sa kanya naman ay si Jin.. Pinapalibutan na kami ng maraming tao pero sa huli ako yung natalo sa labang namin.( how sad)

Napangiti naman sakin si Matthew, nagmamayabang oh ...

Sunod naman naming nilaro ay yung baril-barilan. Tinarget namin yung pinakamalaking item dahil ang premyo lang naman nun ay isang cute na yellow teddy bear. Ang cute kasi eh...

" Isa nalang ." nagfocus si Matthew sa kanyang baril para direktang matamaan talaga yung item. " Ito na !"

* BANG*

Natamaan niya nga ito. (  ^____^) yehey...mapapasa akin narin ang cute na yellow teddy bear.

" Ito na po CONGRATULATIONS" ibinigay na nung babae ang favorite kong teddy bear. Kinuha ito ni Matthew.

" OH AYAN NA..INGATAN MO YAN HA.PINAGHIRAPN KO YAN." 

kinuha ko naman ito ng may pagka lapad-lapad ng ngiti ko.

Naglaro pa kami ng iba pa at pagkatapos ay dumiretso na kami sa isang fastfood chain para kumain. Syempre sa jollibee, favorite ko dito eh. Umorder kami at hindi ko pinalampas yung burger yam. Umupo kami dun sa may sulok.

" Favorite mo talaga ang burger no?"" sabi pa ni Matthew.

" Syempre, simula bata ito na gusto ko eh" dali-dali ko namang binuksan ito at kinagatan ng may pagka laking nga-nga.hmmmm...charap....

Napangiti lang naman si Matthew sakin habang tinitignan akong kumakain...tapos kumain narin siya ng sa kanya.

Pagkatapos naming kumain lumabas na kami ng Mall. Gabi narin pala. Naglakad-lakad nalang muna kami.

" Hindi tayo sasakay ?" bigla niyang tanong.

" Gusto mo nang umuwi ? mauna ka.." piloopo ko pang sabi sa kanya.

" Hhehe ayaw..." sabi pa niya.

" Yun naman pala eh, maglakad-lakad nalang muna tayo. " At hinawakan na naman niya ang kamay ko.

Nakita kong may nagtitinda ng Kwek-Kwek dun sa may kanto.

" Matthew halika !" hinigit ko siya at pumunta kami dun sa nagtitinda ng kwek-kwek." subukan mo 'to masarap 'to "

" Ha ? ano bayan ?"

" Kwek-Kwek " sabi ko. " kuya pabili pio, tig-iisa kaming tuhog" inabot ko kay kuya yung bayad.

" Oh tikman mo, libre ko yan " inabot ko sa kanya yung isa.

" Ahm..masarap ba talaga 'to? safe ba'tong kainin ?" ito naman ang Matthew nag-iinarte.

" A...sa tagal ko nang kakain nito hindi pa naman ako nalason. Ano kaba kainin mo nalang kasi eh.masarap yan"

" Okay.." kinagtan na din niya   ito sa wakas.." hmmm masarap nga...!" napangii din ito.

" Kita mo na?

Pagkatapos na punta kami sa may Park at umupo dun kasi may bench naman. Tinanggal ni Matthew yong suot niyang disguise.

" OI...ba't mo tinaggal baka mamaya may makakita sayo"

" Okay lang tahimik naman dito eh kaya wala naman sigurong makakapansin. Tingnan mo oh ang linaw-linaw ng mga bituin sa langit." napatingin siya nito.

Pati rin ako napatingin." Oo nga ang ganda.."

Maya-maya binigyan niya akong isang pentel pen ?

" Anong gagawin ko dito ?"

YOUR NO.1 HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon