chapter 36 finale

188 7 7
                                    

Habang papasok kami sa bahay nilang napakalaki-laki may pa slow motion effect pa ito habang papunta kami sa may pintuan nila.

DUG..DUG..DUG...

Ano kayang meron sa loob? Matatanggap kaya nila ako? hindi ba nangangagat ang parents niya? Ano kayang itsura ng mga magulang niya ? anong isasagot ko pag tanungin nila ako ? hay...hindi ko na alam.

" Relax, mabait ang family ko. Hindi ka nila kakagatin." inis pa ni Matthew sakin.

" Ee...wag kangang ganyan, Matthew pa'no kung e-itsapwera nila ako sasaluhin mo parin ba ako ?"

" Oo naman , at kahit mahulog ka pa sa kanal pupulutin parin kita " wow...keleg.

At binuksan na niya ang pintuan nila. Nakita ko na ang liwanag...( 0 o 0 ) ay ilaw lang pala nila.

" Kuya ! andito kana pala. Kumusta !" teka sino 'to ? ang gwapo ha, kamukha niya si Matthew pero mas lamang parin ang kagwapohan ng My first ko.

" Ivan ! buti bumalik na kayo, ah siya nga pala " tumingin sakin si Matthew " meet Jacqueline, Jacqueline meet my brother Ivan " ah..kapatid pala niya. Ang gwapo ng lahi nila.

" hi " sabi ko lang...tipid no ?

" Kumusta " reply naman niya ' nabalitaan ko, siya na ba yun kuya ? eh ang ganda naman pala niya kuya eh...ito talagang balita ngayon nagsisinungaling " dagdag pa niya.

Oyy...sabi niya maganda daw ako...ay.(thank you po ) sinisiraan talaga ako ng mga tao. Pro okay lang sinabihan naman ako ng maganda ni Ivan eh at least may nakakita ng totoo.

Nakita kong napakamot ng ulo si Matthew, ibig sabihin niyan totoo.

" Oo nga pala Ivan, asan sina mama at papa ? " tanog ni Matthew.

" A...andun sa sala hinintay ka na nga nila eh."

" Okay salamat bru."

Palakad na sana kami..

" siya nga pala kuya " napalingon kami kay Ivan " bagay kayo " at ngumiti ito.

" Tumigil ka na nga ,alam ko na yun no " sabi pa ni Matthew..mukhang may pinagmanahan 'tong kapatid niyaa ah.

Nakarating na kami sa sala nila at nakita kong may nakaupo dun ang mama at papa niya na nakatalikod.

Heto na TEN..TENENEN...masyad na akong kinakabahan.

" Ma..pa..." tugon ni Matthew.

Bigla namang napatingin ang mga ito at tumayo. Eh ? sila yung mga magulang ni Matthew ? teka..ba't ang layo ng itsura ?

" Manong goryo, manang prasya 1! teka ano pong ginagawa niyo dito ? " ha ? hindi sila yung mga magulang ni Matthew ?

" Oh Matthew andito ka na pala, yong mama at Papa mo andun sa kusina at naghahanda sa pagdating mo " sabi ni manang prasya.

" Ah..ganun po ba ? " sabi ni Matthew.

" hijo, siya naba yung girlfriend mo ? ang ganda ah..." sabi naman ni manong goryo.

Oh kita niyo na pangalawang beses na yan na sinabihan ako ng maganda.

" Opo..." napakamot na naman si Matthew sa kanyang ulo.

" Sige po punta na muna kami sa kusina "

" Sige po.." sabi ko naman"

" Sige " sabay nilang sabi. Aba ang taray ng mga 'to daig pa ang mga amo.

Pumunta na kami sa kusina.

" Ma...pa...."

" Oh anak andiyan ka na pala !" yong mama niya may dalang pagkain at inilapag sa pagkalaki-laki nilang mesa. Infairness ang ganda-ganda ng mama niya, ang kinis-kinis.

YOUR NO.1 HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon