Habang kumakain akong mag-isa sa canteen, bigla na namang dumating si Maricar at ginulat ako ulit kaya ayun! nabulunan ako. Nice timing siya.
Hindi ako makahinga at grabe ang pagkaipit nito sa lalamunan ko. Nataranta naman itong si Maricar.
"Naku! friend sorry.... hindi ko sinasadya, anong gagawin ko, oi kayo tulungan niyo ko!! nabulunan yung kaibigan ko dito!" humingi siya ng tulong sa iba pero parang walang pumapansin sa akin . Ganito ba talaga ako "wala "lang sa kanila, ano nang mangyayari sa'kin?.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon may biglang lumapit sa likod ko at hinawakan ang tiyan ko ng mahigpit at dahil sa pagkahigpit nito lumabas ang pagkaing nakaipit sa lalamunan ko at dahil dun nakaligtas ako sa kapahamakan.
"Salamat ha.." pero hindi pa ako nakatingin kung sino yung tumulong sakin dahil hinihingal pa'ko. May napansin naman ako sa kanilang lahat, masyado silang tahimik pati si Maricar nakatulala lang at iisa ang tinitingnan. Siyempre nagtaka din ako kung sino yung tumulong sakin kaya tumalikod ako at nagulat nalang ako dahil walang ibang nakikita ang mga mata ko kundi si Matthew Gen.
"ikaw?" sumimangot agad ang mukha ko.
"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" biglang naghiyawan ang lahat pati na si Maricar nagsisisigaw ,pati ba naman siya?.
"Miss, sa susunod kumain ka naman ng mahinahon baka sa susunod matuluyan ka na niyan, sige ka" i ninsulto pa'ko. Nakakainis kana talaga Matthew Gen , masyado kanang mayabang.
Nilampasan niya ko, umupo at kumain lang ng diretso, ni hindi man lang pinansin ang mga babaeng naghihiyawan DITO sa canteen.
Galit na galit na talaga ako sa kanya at para bang may lalabas ng usok dito sa mga butas ng ilong ko. Para na kong turo nito at dahil sa inis ko sa kanya ay hindi ko naiwasan at ........
"Mabulunan ka sana!" sinigawan ko siya at para ngang may magic ang mga words ko eh dahil nabulunan nga siya. Nagulat ako sa sinabi ko "oops!" nakatingin sa'kin ang lahat ng mga girls at ang sama-sama ng mga tingin nila sakin kaya tumakbo nalang ako papalayo sa kanila.
Hayyyyy......wala na talagang araw na hindi ako dinadaanan ako ng problema. Mukhang nasa favorite list na niya ko ah.
"buti nga sa kanya akala niya ako lang ang pwedeng mabulunan purket artista siya, damay damay na 'to no?"
Tinapos ko ang pagkain ko sa may tapat ng puno dahil may bench dun at saka favorite ko ang place na yun dahil walang masyadong tao. Gustong gusto ko na sanang upakan ang lalaking yun kaya lang ang daming girls baka pagbatuin pa'ko nun. Sa mukha palang niya gustong-gusto ko itong guhitan at lagyan ng kulay para mag mukha na siyang clown hahha ,wish ko talaga yun.
Pagkatapos kong kumain kinuha ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko na may nakalagay na picture ni Michael Angelo
"hay, ikaw talaga ang inspiration ko" tapos hinalikan ko ito at binalik ulit sa bag. Tapos pumasok na'ko sa susunod na klase ko at umupo sa upuan ko. Siyempre suwerte parin ako at ako pa ang nauna, may oras pa'ko para mag review sa exam next week. Kaya nga lang nakasunod narin palang pumasok ang hate ko na si Gen.
"naku.... ayan na naman siya, sinusundan talaga ako ng malas, lagi siyang nakabuntot sa'kin" nakaramdam ako ng takot bigla at hindi ko maintindihan bakit kaya ?tumingin nalang ako sa may bintana para makaiwas. Pero mukhang napansin na niya ko dahil dumaan siya sa harap ko at tumigil. Tinititigan niya lang ako nga masama.
Problema ng lalaking 'to?
"hoy ikaw!" galit na pagsabi niya.
"ako ba ang kausap mo?" pasaway ko namang sagot sa kanya
"siyempre wala nag iba! may tao pa ba dito bukod sayo?" sabi niya. "ikaw!...bakit mo ginawa yun?"
"ang alin?"
"Nagmaang-maangan kapa, e di yung pagsigaw mo sakin kanina sa canteen!" nilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Bakit hindi ko puwedeng gawin yun ?una sa lahat hindi mo'ko fan kaya pwede kong gawin ang kahit ano...at saka ininsulto mo'ko no?" tumingin ako sa kanan upang makaiwas sa mukha niyang nakakairita kahit gwapo naman talaga to.
"HINDI.KO.FAN?" nagshrug siya. "nagpapatawa kaba? lahat ng mga babae sa buong pilipinas ay iniidolo ako tapos ikaw hindi ko fan?" naiinis na siya? go lang ready aketch.
Ganun na nga hindi moko fan. bleh.
"oo ganun na nga at ibahin mo'ko sa kanilang lahat. Kung lahat ng mga babae sa buong Pilinas ay love ka , diehard na die hard sayo at mukhang sinasamba kana nila, puwes ibahin mo ako dahil ako ang no.1 hater mo at pakatatandaan mo yan !" tinatak ko sa utak niya pero sa totoo lang para akong kinabahan ,heto na naman siya.
"puwes kung ganun dahil no.1 hater kita gagawin kitang no.1 fan ko!" pahambog pa niyang sabi sa akin.
Yabang..
"Asa kapa ! kahit kailan hindi ako magiging fan mo at hindi effective sa akin niyang pa killer killer smile mo" pero sa totoo lang maganda naman talaga siyang ngumiti pero ayoko talaga sa kanya never. tumayo ako at tinapatan siya .
Para kaming mga tigre na gustong-gusto nang lapain ang isat isa .siyempre hindi ako nagpakabog tinaasan ko siya ng kilay .
"alam mo hindi kanaman kagandahan eh at baka magsayang lang ako ng oras sayo"
Ang kapal..
"Magsasayang kalang talaga ng oras sa'kin dahil mabwebwesit kalang" tinatarayan ko siya.
"wag kang magsungit mas lalo kang pumapangit" iniwasan ako at umupo nalang sabay ngiti pa ,lokong to.
"kapal akala mo naman kung sinong gwapo wala namang ibinatbat kay Michael Angelo" bulong ko sa sarili ko. Nakatitig ako sa mga ulap at ini imagine ang muka ni Angelo. kinkilig naman ako.
"hahhha anong nangyari sayo Jacqueline hinalikan kaba nitong si Matthew at nagkakaganyan ka?" naabutan ako ng iba kung mga kaklase at pinagtawan ako .
"hindi no! excuse me !" umupo ako at tumanaw sa bintana ulit .
Sa likod ko namang parang pinagtatawan na'ko.
Maya-maya pumasok nadin ang prof. namin at nagsimula nadin kami sa aming klase.
Dear Diary,
Alam mo ba? kung sino naman ang problema ko ngayon si Matthew Gen lang naman .Sinabihan pa naman akong pangit ?!.
Ikaw.......................ano bang tingin mo sa akin?
jacqueline
BINABASA MO ANG
YOUR NO.1 HATER
Ficção Adolescentepa'no kung ang pinaka hate mo na artista ay bigla mo nalang maging kaklase. Magbago kaya ang pag-tingin mo sa kanya o mas lalo mo pa siyang kaiinisan let's see kung anong mangyayari !! first time ko lang po to at gusto ko lang makagawa ng kathquen...