chapter 25 liligawan?

161 2 0
                                    

“ samahan mo ako”

“ bilihin mo ‘to para sakin”

“gawin mo’to ng mas maganda”

“ kailangan mong basahin ‘tong lahat”

“sabay tayong kumain”

“ subuan mo’ko”

Okay….ang  OA  nung last.Ang akala ko’y hindi ako mahihirapan  pero bwesit siya, pinahirapan ako ng ilang Linggo. Ang daming ipinagawa sa akin . Tinudo talaga niya  ang usapan naming.Para akong  zombie na naglalakad sa Hallway, sana hindi nalang ako nagdeal sa game nay un, nakakapagod..ayan tuloy naubos na lahat ng energy ko.

“Jacqueline!” teka may tumatawag sa pangalan ko ..Napalingon ako sa likod ko at nagulat nalang ako dahil si Michael pala ito.Ha? Anong ginagawa niya dito ?Tumakbo siya palapit sa akin.

“ Michael, teka anong ginagawa mo ditto ha ?”

“ Ina-antay ka” hoo..wat..? tama ba dinig ko , hinihintay ako ni Michael ?

“ Ha ?” napanganga lang ako . “ bakit mo namn ako inaantay ?"

“ I just want you to ask if gusto mong lumabas kasama ko” kalamado niya lang sabi at medyo parang nahihiya siyang sabihin ito ?

“ teka bakit ?”

“I don’t need some other answer, I just need if Oo o Hindi ?” teka nagmamadali siya ?

“ a..okay..lang naman sa akin” maging choosy pa ba ako eh si Michael nay an no?

“ Good so tara na !” bigla niyang hinila ang kamay ko ..wow..ang sweet naman.

Pero bigla kaming napahinto nang bila nalang may  pumigil at humawak din siya sa kamay ko. Dahan-dahan kaming napalingon, si Gen pala.

“ Hindi siya pwedeng sumama sa iyo” seryosong sabi ni Gen.

“ bakit naman bru ? eh pumayag na siya” naka ngiti si Michael pero parang seryoso ang dating ?

“ because I said, I’m still her boss” inagaw ni Gen ang kamay ko sa kamay ni Michael na nakawak naman sa kamay ko.Parehong  nakatitig ang dalawa sa isa’t-isa at napaka seryoso ng dalawa. Kulang nalang sabihin nila ‘ magsabunutan tayo?’

Bigla namang pinutol ni Michael ang stare moment nila.

“ a..Jacqueline sa susunod nalang siguro..sige paalam.” Nginitian niya ako tapos kumaway at umalais ng tuluyan. Bigla kong tinulak si Gen

“ huy..Matthew ano yun/ ba’t ganun kayo kung makatitig na dalawa ?”Hindi siya sumagot tapos nilingon nalang ako at nginitian. Para talagang ewan ‘to.

“ May mga bagay na hindi mo na kailangan pang malaman” yun lang ang sin abi niya. Masyado yata siyang senti ngayon ?

MATTHEW’S POV.

“ May mga bagay na hindi mo na kailangan pang malaman “ yun lang ang nasabi ko sa kanya. Tama kung alam mo lang kung anong nangyare.

FLASHBACK:

“ matthew, alam mo ba nakasama ko si Jacqueline yung P.A. mo ? grabe ang sarap-sarap pala niyag kasama” sabi sakin ni Michael, may pangisi-ngisi pa siya.

“ a..talaga ..maingay talaga yun ‘

"Sa tingin mo, pwede ko kaya siyang ligawan ?”Nagulat ako sa sinabi niya.

” Ano ?” nagalit ako kung kaya’t bigla ko nalang siyang nasuntok.

“ Ano bang problema mo ba’t ka nanununtok !” tumayo siya at hinawakan ang kwelyo ko.Tinignan ko naman siya ng masama.

YOUR NO.1 HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon