chapter 11 another start

237 2 0
                                    

Guess what ! andito ako ngayon at naglalakad sa gilid at labas ng school namin."Badtrip naman ng araw na'to,wala palang klase.Sana nag announce man lang sila ng maaga para naman hindi ako nagsasayang ng pamasahe." sabi ko pa habang naglalakad parin.Napansin kong parang may sumusunod yata sa akin .Binilisan ko pa ang paglalakad at parang bumilis ri nsiya .May nakita akong paliko na daan kung kaya't tinambangan ko kung sino kaya to. Tahimik akong naghintay at nagtatago ."sige tingnan natin kung anong pakay mo ?" nang may anino nang paparating ....BANG! " yahhhh" sinalubong ko nang suntok.

"aray..." nasinta ko siya .galing ko talaga.pero sino to? isang lalaki na mukha namang inosente pero ano ngayon marami na kayang manloloko sa mundo.

"sino ka ha !...anong kailangan mo sa akin ?"tinatanong ko siya habang unti-unting lumalayo.

"mam..sorry po , nakita ko lang kasi na nahulog yong wallet niyo.Balak ko lang sanang isulli to sa inyo kaso lang nagmamadali po kayo eh"paliwanag nung lalaki .Naku ganun lang pala ?nakita ko namang hawak-hawak niya yung wallet ko.

"ha...?...ah...eh..ganun ba ? akala ko kasi may sumusunod na saking masamang tao,pasesnsya na ha...?"OMG garbe naman ng pagka sensitive ko .

"ok lang po ,ganun talaga eh"inabot niya yong wallet kong kulay pink at e-cheneck ko kung andito parin yung picture ni michael .Picture lang talaga inaalala ko ha ni wala man lang pakialam sa pera,pero buti namn at andito parin."salamat ha ang bait mo naman ,pasensya ulit ha"again nagsorry ulit ako sa kanya.Pagkatapos nun umalis na siya .

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang napansin ko na naman na may sumusunod sa akin,But now hindi tao kundi ha?! isang kotse ?.mukhang pamilyar sakin yung kulay ,dilaw na may black . Kung hindi ako nagkakamali kay Gen ito .Tinitingnan ko ito at nagtataka nang bigla nalang bumukas yong bintana nito at oh...my...god....si Gen nga at ewww ipinakita na naman niya ang nakakainis niyang ngiti."hello Ms. Hater "kumaway pa ."san ang lakad mo?"may patanggal pa ng suot niyang shades,pero hindi ko maitangging ang ganda talaga ng mga mata niya kahit malayo mo lang itong tingnan.

"ano naman ang paki mo? wala kanang pakialam kung saan man ako pumunta .hmp!"taray,i-nisnaban ko siya at nagpatuloy sa paglakad.Nang di ko akalaing bigla nalang humarurot ang sasakyan ni Gen at hinarangan ako .Walang hiya to balak pa talagang sagasagasaan ako .Nang lumabas siya sa kotse niya binanatan ko siya ."Ano bang problema mo ha ? muntik na akong masagasaan ,Wala ka talang pakialam sa kapwa mo no?"galit na galit ko pang sabi pero ang loko pasimple lang ngumiti sa akin at sabi pa niya "sa iba meron pero sayo hm.....wala "aba...ginagalit ba talaga ako nito?

"Ano?"

"bakit naman kita kaawaan?"pasimple pang inilayo ang tingin sa akin at tumingin sa ibang direksyon .Aray! ang sakit nung sinabi niya ha."hmp! diyan kana nga wala akong time makipagusap sayo"nagwalkout ako nakakainis na kasi ang mukha niya .

"hey hey hey ,san ka pupunta ?"bigla niyang hinawakan ang kamay ko at napatingin akokung saan hawak niya yung kamay ko at napatitig kami sa isa't-isa .OMG eto na naman siya ang bilis ng tibok ng puso ko .What's going on ba't ganito ang nararamdaman ko? ayoko sa kanya diba?.Siguro dala lang to ng sobrang pag-inom ko nang kape kung kaya't nararamdaman koto gising Jacqueline! gising !

Agad ko namang binawi yung kamay ko at nagpapakastrikta ."walang klase diba?, kaya siyempre uuwi na ako sa amin ."hindi ako makatingin ng diretso sa kanya .

"ganun?"sabi pa niya .

"Oo ,ganun...bakit ano pabang ine-expect mo ha ? na maghahangout pako ganun?"

"parang ganun na nga "aba....akala niya ba talagang ganun akong klase ?

"WOW! ...hindi ako katulad niyong mayayaman no,nagtitipid kaya ako ng time."hahha time pa talaga sinabi ko ha instead sa pera .

"bakit diyan sa paglalakad mo ,sa tingin mo hindi ka nagsasayanng ng time?"ipinatong pa ang kamay niya sa ibabaw ng kotse niya .Oo nga no halos isang oras na din akong naglalakad.

"hindi pagssayang tawag dun,kuan lang ano....."wala akong maisagot.

"ano ha?"

"exercise! Oo tama exercise .."

"hahahhhaa .......! exercise ? wala kana ba talagang maisip na magandang palusot ha?"aba't pinagtatawan pa ako .Ang sarap-sarap niyang sapakin  ng dala kong bag, pero kalma lang  jacqueline magpigil ka may tamang panahon para diyan."hehehe"

"oh damb it! andito na naman sila "bigla nalang nagiba ang mukha ni Gen .Bakit kaya  anong meron,sinong sila ?.Bigla niyang hinawakan ang balikat ko tapos parang balak pa yata akong pasakayin sa kotse niya,kung itulak pa naman ako .

"oi teka lang ano banag gingawa mo?"

"sumakay kanalang wagkanang maraming tanong ...BILIS!..BILIS! "nagmamadali nga siya 

Wala lang din akong nagawa at dahil nga nadala din ako sa pagkataranta niya kung kayat  napasakay nalang din ako.Pero sa totoo lang  ayoko talagang sumakay sa kotse niya eh,nakakatakot siya kung magmaneho.As usual bigla na namang humarorot si Gen at minaneho ng mabilis.(goodluck to me if buhay pa'ko pagkatapos nito.)

Dear Diary,

          Saan na naman kaya kami mapadpad nito? ,mukhang nasasanay na yata akong palagi  ko siyang kasama.hay naku ! .....pls. pls. pls. sna hindi magbago ang pakikitungo ko sa kanya .

                                                                                           jacqueline

YOUR NO.1 HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon