Dear Diary,
Araw ko ngayon kaya sana walang problemang darating. Kasi lagi nalang sa buhay ko may problemang nangyayari.
Sa pag-aaral ko, sa pamilya ko, sa part time job ko at lalong lalo na sa taong sikat na grabe ang pagkainis ko sa kanya. Bukod sa mayabang, feeling astig at lalong lalo na sa pagka feeling singer na hindi naman kagandahan ang boses. AY! naku lahat nalang yata ng problema ko parang gusto kong isisi sa kanya.
jacqueline
"Uy jack!" .Bigla nalang dumating ang madaldal kong kaibigan na si Maricar at tumabi sakin.
"bakit ba lagi ka nalang nanggugulat, alam mo namang nerbyosa ako diba?" nagulat naman ako at sinara ko nalang ang diary ko.
"ay..... sus besing besi ka naman sa pagsusulat ng diary mo, sa kanya ka nalang lagi nagsasabi ng mga problems mo, heto naman ako i'm your best friend!" Nagtampo pa at tumalikod sa akin.
"Ayan nagseselos ka naman, siyempre may mga bagay na kahit sa kaibigan mo hindi mo dapat ipagsabi, alam mo ba kung bakit?" tiningnan ko siya nang nanlalaki ang mga mata ko.
"Bakit?"
Ngumiti ako sa kanya "Kasi masyadong malaki ang mga bibig mo baka ikalat mo pa sa iba alam mo naman ......bigla bigla nalang sumasabog ang bibig mo. "
"Ganun? ganun?, iniinsulto mo na'ko, para kang hindi kaibigan niyan eh!, tingnan natin kung makahanap kapa ng kagaya ko" nakasimangot ang noo n'ya .
Tumawa naman ako ng malakas "hahhhaaaaa, yan ang gusto ko sa'yo eh kaibigan ka talaga"tinigilan ko ang pagtawa at humungi ng sorry."Sorry na, basta para sa'kin ikaw lang ang ONE AND ONLY BEST FRIEND KO....., wag kanang magtampo please......" Nagpa cute naman ako na parang pusa.
"Oo na ,sorry accepted ,pero teka lang girl diba oras na ng susunod mo na klase? mala-late kana !" sinagawan niya 'ko, oo nga pala muntik ko nang makalimutan.
tumingin ako sa relo ko "oh no, baka malate ako nito sige friend iwan na kita ...sorry talaga ha...?" tumakbo nako palayo sa kanya.
"Ok lang !" humabol pa s'ya sa 'kin at nagpaalam na rin s'ya.
Pagdating ko sa classroom................
Habang naka upo ako at nag aantay na dumating ang prof. namin maynapansin ako,ba't ako lang ang babae sa subject na'to ? "ba't ganito lahat sila puro lalake?" Oo nga pala pang lalake nga pala 'tong course na kinuha ko,piloto ang kinuha ko kaya bihira lang ang kumuha nitong babae "bakit ba ang ingot ko hay......!"
Maya maya pumasok nadin ang prof. namin.
"Ok class we start this discussion by telling you the important announcement"ano na naman kaya 'to "from today's on, may mga pagbabagong mangyayari dito sa campus natin at lalong lalo na sa department natin, kasi may isang sikat na artista ang magtratransfer dito sa school natin at dito pa sa department natin ang napili n'yang pag-aralan."
Artista ?
Habang sinasabi ni sir yun sumingit ako ."Importante po ba yun sir.?" tinanong ko si prof.
"siyempre! kasi ngayon lang magkakaroon ng isang mag-aaral na artista dito sa school natin" tumingin si prof. sa'kin at nakakatakot ang mga tingin n'ya .
"hehehe, ganun po ba ?."nakakahiya to.
"Bukas ang simula n'ya dito kaya maging mabait kayo sa kanya UNDERSTOOD?!"
"opo sir" sumagot naman kami lahat.
well sino kaya yong tinutukoy ni sir. sana naman si Michael Angelo hayyyyy....ang gwapo n'ya talaga .hindi naman kasi sinabi ni sir kung sino eh,wish ko nalang talaga si Angelo yun.
Kinabukasan.................pagpasok ko palang at papunta sa department building namin ay naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga girls. Naku pumasok na kaya ang artistang sinasabi ni prof., tinanong ko ang isa sa mga 'to. "ah teka...teka lang sinong dumating?" pero parang hindi n'ya ko narinig at tinaboy pa'ko tapos balik sa paghiyaw . "che! ang oa n'yo naman, e di wag para magtanong lang eh, tulakan na agad ..ayo kong makisali sa inyo" nagpatuloy nalang ako at pumunta sa classroom namin.
Habang palapit palang ako sa upuan ko, may napansin akong kakaiba sa nakaupo sa likuran ng upuan ko, nakayuko s'iya , mahaba ang buhok niya sa dahilanang hindi ko makita ang buong muka niya atsaka tahimik lang siya .Bago kaya siya dito o baka naman nasa likod ko na siya matagal na , hindi kulang napapansin, pero bakit ganito ,iba ang pakiramdam ko sa kanya para bang kumukulo ang dugo ko ,ano bang meron sa lalaking to.
Naghello ako sa kanya "hello kumusta, anong pangalan mo? bago kaba dito?" pero hindi parin siya umiimik. Nakakainis na tong lalakng 'to ah, ni hindi man lang ako pinansin.umupo nalang ako.
Sa ilang minuto pumasok na ang prof. namin.....
"Ok class as what i've said yesterday may bago tayong transferee at......." biglang natigilan si prof. "transferee?" mukhang hinanap pa ni prof. ito "ayon!",tinuro n'ya ito at nakatingin kaming lahat kung saan nakaturo ang daliri ni sir. at gulat na gulat ako dahil si Matthew Gen pala ang tinutukoy ni sir. na bagong transferee at wala nang iba pa. Ang taong kinaiinisan ko ng todo.
"Pumunta ka dito sa harap"pina punta siya ni sir. sa harapan.
"Hi guys! alam kong kilala niyo na'ko, pero magpapakilala parin ako sa inyo ako si Matthew Gen and nice to meet you all" ginamit pa ang smile na kina iinisan ko.
oh no bakit s'ya pa, start naba ng unhappy days ko ? wag naman sana .
Ng pabalik na siya sa kanyang upuan nakatingin siya sa'kin pero agad ko namang inalis ang mukha ko sa tingin niya .
Dear Diary,
Bakit paba sa araw nato mukhang hindi ako pinagbigyan. sa dinami daming dumating na masam yun payong pinaka malala. Naku LORD sana si michael angelo nalang yong pinadala niyo at least magandang pangyayari yun.
jacqueline
BINABASA MO ANG
YOUR NO.1 HATER
Ficção Adolescentepa'no kung ang pinaka hate mo na artista ay bigla mo nalang maging kaklase. Magbago kaya ang pag-tingin mo sa kanya o mas lalo mo pa siyang kaiinisan let's see kung anong mangyayari !! first time ko lang po to at gusto ko lang makagawa ng kathquen...