AERIS' POV
"Miss ordinary, pwede bang lumayas ka muna rito? Ang sikip kasi, tapos ang baho pa. Alis muna!" - maarteng sabi nung babae.
Tinignan ko lang sya ng walang ekspresyon tapos naglakad na ako palabas sa CR.
"Tss. Titingin pa!" - kasama nya.
Hindi ako pumapatol sa mga walang kwentang katulad nila. Hindi ko kasi aaksayahin ang laway ko kung para lang sa kanila.
"O, miss pipi, bakit mag-isa ka na naman? Kawawa ka talaga." - Isabela.
"Wala kasing gustong sumama sa kanya, Isa, hahaha." - Stacey.
"Well, sino ba naman kasing gustong makasama ang isang baduy, weird at ordinary'ng tulad nya? Hahaha. Tss. Tara na nga." - Isabela.
Hindi ko na sila pinansin pa. Pumunta na lang ako sa likod ng building, kung saan malaya akong huminga, kung saan walang papansin sa akin, at kung saan kaya kong labanan ang mga sinasabi nila, kahit sa isip ko lang.
"Nasan na kaya si Lizzy? Text ko nga sya." - ako.
Kinuha ko 'yung cellphone ko at nagsimula nang mag-type.
Lizzy. Elizabeth Jill Manres. Nag-iisang kaibigan ko. Bestfriend. Sa school na ito, kaming dalawa lang ang nakakaalam noon. Sinabi ko iyon sa kanya mula nung mag-transfer sya rito. Noong una ay ayaw nya, pero sinabi ko sa kanyang ayaw kong maranasan nya lahat ng ginagawa sa akin ng schoolmate namin kaya sinabi kong isikreto namin ang pagkakaibigan namin.
"Ae! (Ey!)"
Lumingon ako sa tumawag sakin, at hindi nga ako nagkamali.
"Ang bilis mo naman." - sabi ko.
"Syempre, ikaw 'yung nagtext e!" - sabi pa nya.
"Tss. Buti nakatakas ka sa mga kaibigan mo?" - sabi ko nang may pagka-sarkastiko sa bandang dulo.
"Kaibigan? Hahaha. Alam mo namang pera ko lang at ganda ang gusto nila!" - sabi pa nya.
"Woah! Ganda talaga? Asan? Patingin?" - ako.
"Aysh! Kahit kailan ka talaga, hindi marunong sumakay e!" - Lizzy.
Tumawa lang ako ng mahina.
"Pero alam mo, Ae, nami-miss ko nang lumabas tayo na magkasama. Hanggang kailan ba kasi tayong ganto? Daig pa natin 'yung mag-syota na naglilihim sa magulang nila e!" - reklamo nya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Hangga't hindi sila tumitigil." - sagot ko naman.
"E, pano sila titigil? Hindi mo naman nilalabanan. Malamang hindi matatakot iyon. Psh. Buti pa 'yung mag-syota, magulang lang 'yung tinataguan pero malaya kapag nasa labas. E, tayo? Baligtad e. Alam ng magulang natin, pero sa labas, hay!" - Lizzy.
"Bakit ba puro syota ang sinasabi mo? Don't tell me, gusto mo akong maging syota?" - biro ko.
"Gaga! Hindi ganun! Gusto ko lang ipakitang proud akong maging kaibigan ka." - sabi nya.
"Aww. Tats naman ako sayo, Lizzy! Osige, sabihin nating alam nilang kaibigan kita. Ano sa tingin mo ang gagawin nila sayo? Malamang matutulad ka sa akin. Ayokong maging loser ka sa paningin nila." - paliwanag ko.
"Edi labanan natin sila! Para saan pa ang pagkakaibigan natin kung ikaw lang ang nahihirapan? Saka, hello? Halimaw ka kaya, lalo na sa mga laban-laban? Naku, siguradong tiklop silang lahat kapag lumaban ka." - Lizzy.
"'Yun na nga e, kayang-kaya ko silang saktan ng pisikal. Dami ko kayang natutunan kay Aeros! Pero syempre ayaw kong gamitin iyon. Ayokong makasakit ng iba, ayokong gamitin iyon para lang makaganti." - sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...