Chapter 3

282 4 0
                                    

AERIS' POV

Ala-una na ng madaling araw, hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Hayst! Hanggang ngayon kasi hindi mawala sa isip ko si Jiro, o Xander, na tawag sa kanya nila Aeros.

Tawagan ko kaya si Aeros? Ay, hindi! Sigurado akong susungitan lang ako nun. Waaa~ ano bang gagawin ko?

Kinuha ko 'yung cellphone ko at nagbukas ng fb.

*Beep! Beep! Beep!*

Sunod-sunod 'yung dating ng notif sa akin. Tinignan ko naman iyon.

'Arlene Salazar tagged you in a post. 3 hours ago.'

Arlene Salazar? Parang hindi ko naman sya kilala a.

'Monique Saavedra and 38 others commented on a post you are tagged in.'

Bigla akong na-curious sa mga comments nung mabasa ko 'yung pangalan ni Monique.

Bigla namang lumabas 'yung chat head ni Lizzy sa messenger. Iyon muna 'yung tinignan ko.

'AJ! Waaa~ siguradong pagkakaguluhan ka sa school dahil sa pinost nung bisugong Arlene na iyon tungkol sa'yo!' - Lizzy.

Natawa naman ako sa tinawag nya dun sa Arlene. Bisugo hahaha.

'Hahaha! Ikaw talaga. Pero dati pa naman ako pinagkakaguluhan, diba?' - biro ko.

Agad syang nagreply sa chat ko.

'Tss. I mean, ibang gulo! Hayst! Anong gagawin mo nyan?' - Lizzy.

'Teka, bakit ba ganyan reaksyon mo? Ano bang meron sa post?' - ako.

Naging active 1 minute ago sya pero maya-maya ay naging active ulit. May si-nend sya sakin na screenshot.

•Arlene Salazar•

•Who are Jiro Morales' girlfriends here? Do you know? That b*tch, Aeris Jade Gonzales is flirting with him! Guys! What should we do? Sigurado akong ginayuma nya si Jiro! Kailangan nating gumawa ng paraan!•

(Comments!)

•Jillian Roque•

'WTF! Imposible 'yan!'

•Faye Tuazon•

'Nakita ko nga kanina! Sarap sabunutan ng bruha!'

•Monique Saavedra•

'Alam na guys, abangan natin sa gate bukas!'

•Arlene Salazar•

'Go ako dyan, Monique!'

Teka, ang alam ko boyfriend ni Monique si Andrew a? Anong ginagawa nya sa comments dito? Alam ba 'to ni Andrew? Tss. Ibang klase rin sya, basta gwapo!

Chinat ko ulit si Lizzy.

'Lizzy, sanay na ako sa kanila. 'Wag kang mag-alala sakin :))'

Nag-offline na ako. Hay! Ok, Aeris, maghanda ka na. Mahaba-haba ang araw na naghihintay sayo bukas.

-----

Hingang malalim! Hooo! Eto na, papasok na ako sa main gate ng campus. Wala naman akong napapansin na iba. Kaso ganto rin 'yung dati, wala kang nahahalata pero may plano pala sila.

"Hi, Aeris!" - ???

Napatingin ako sa bumati sakin. Hindi ko sya kilala. Himala ata, hindi niya ako tinawag na miss weird, miss pipi, o kung ano man. Hindi ko sya pinansin. Nilampasan ko lang sya. Masama ang kutob ko e.

"Aeris!"

Nilingon ko 'yung sumigaw. Monique? Close na kami? Kelan pa? E, kagabi lang sya pa 'yung nagplano na abangan ako sa gate.

"I heard na kayo raw ni Jiro? Mmm. Gusto ko sanang mag-sorry sayo." - sabi nya sabay kapit pa sa braso ko.

As if namang sincere 'yung sorry nya? Hay! Ibang klase talaga. Anong akala nila sakin? Bobo? Tinag nila ako sa post kagabi tapos bigla silang magiging ganto sakin? Halata 'yung mga balak e.

"Mali 'yung pagkakarinig mo." - sabi ko at tinanggal ang braso nya sakin.

"O? Nagsasalita ka?" - kunwaring gulat pa ang ekspresyon nya.

Ay, hindi! Hindi ako iyon! Guni-guni mo lang! Tss.

Naglakad na ulit ako palayo sa kanya. Biglang may pumalakpak sa likod ko. Kasabay noon ay bigla akong natalisod.

"Aray!" - sigaw ko.

Nakita kong may tali na nakaharang sa daanan. Tinignan ko 'yung dulo't dulo nung tali. Tss. Sabi ko na e, planado talaga. May nakahawak sa magkabilang dulo noon.

"Omy! Aeris? Ayos ka lang?" - Monique na lumapit pa sa akin.

Inirapan ko lang sya. Nung tinignan ko 'yung tuhod ko, may dugo.

"Akina, lagyan natin ng alcohol!"

Nagulat ako sa kilos nya. Mabilis syang lumuhod sa harapan ko tapos binuhusan nya ng alcohol 'yung sugat ko.

"Aaa!" - ngiwi ko.

Bigla ulit akong napaupo dahil sa sakit.

"Tama na!" - sabi ko.

"Masakit ba? Ooopss, sorry!" - sarkastiko nyang sabi.

Tinalikuran na nya ako at naglakad na palayo. Tsk! Kahit kailan talaga sya.

Pinilit kong tumayo. Kahit ika-ika ako, nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa malapit na bench. Pag-upo ko, agad kong hinipan ang sugat ko para mapawi 'yung kirot.

Napatingin ako sa main gate. Nakita ko si Lizzy na papasok. Nakatingin sya sakin at gulat sa nakita. Lalapitan nya sana ako kaso umiling ako. Ayokong madamay pa sya.

"Lizzy! Here!" - tawag sa kanya ng isa naming kaklase.

Tumingin muna sya sakin bago pumunta sa kanila.

Ayos lang ako, Lizzy, 'wag mo akong masyadong alalahanin.

Patayo na sana ako kaso hindi ko maalis ang palda ko. Saka ko lang na-realize na may chewing gum na nakadikit doon.

Tsk! Aeris, bakit nga kasi di mo chineck?! Di bale! Magpapalit na lang ako ng PE uniform ko.

Tinanggal ko 'yung pagkakadikit ng chewing gum at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa locker room.

Pagbukas ko ng pinto, biglang may bumuhos na napakalamig na tubig sa akin, parang may halong pintura na kulay black. Napatungo na lang ako habang may nagtatawanan sa likod ko.

"Aeris!" - sigaw ng isang babae.

Kilala ko ang boses na iyon. Lizzy, please, hayaan mo na ako, ayokong madamay ka, dahil kapag nangyari iyon, hindi ko mapipigilan ang sarili ko.

"Guys, tama na!" - sigaw ni Lizzy.

Nilingon ko sya, para pigilan sana kung ano man ang binabalak nya.

"Lizzy? Pinagtatanggol mo ba sya?" - Venice.

"A-Ano? Hindi a. I-I think, that's enough for today. Baka kasi hindi na sya pumasok. I mean, para hindi sya gaanong madala. Malay natin, the next day, lumaban na sya, mas exciting 'yun." - Lizzy.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Pero bakit ganun? Parang biglang may kumirot sa dibdib ko.

"Tama si Lizzy. Gusto kong makitang lumaban 'yang basura na iyan. Sa ibang araw naman!" - Diane.

Lumapit sakin si Monique.

"Tss. Pasalamat ka may awa pa sila sayo!" - sabi nya bago tuluyang umalis.

Bago ako tumalikod, tumingin muna ako kay Lizzy.

"Sorry." - sabi nya nang walang tunog habang nakatingin sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya bago pumasok sa locker room.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon