Chapter 26

157 3 7
                                    

AERIS' POV

Nakatulala lang ako sa loob ng cubicle ng CR habang nakahawak sa labi ko.

"Hinalikan ba nya talaga ako?" - hindi ko makapaniwalang sabi.

Iniisip ko pa rin 'yung kanina.

"At ano 'yung sinabi nya? Tss. Baliw na ba sya?" - ako.

May narinig naman akong nag-uusap.

"Friend, may multo yata dito! May narinig akong nagsasalita!" - natatakot na sabi nung isa.

"Multo ka dyan! Hindi totoo 'yun no! Baka broken hearted lang. Tara na nga!" - nagmamadali namang sabi nya.

Tss. Wala raw multo pero nagmamadali syang umalis.

Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang iniisip ko 'yung nangyari! Waaa~ siguradong dahil doon, hindi ko magagawang harapin ng maayos si Jiro. Aysh! Bakit ba kasi nya 'yun ginawa?! Anong pumasok sa isip nya at hinal--- basta! Bakit nya 'yun ginawa?!

"Dahil ba gusto nya lang akong paniwalain para madali na para sa kanila na patigilin ako? Kung 'yun lang naman pala ang dahilan, o kahit ano pa man, hindi nila ako mapipigilan." - sabi ko.

Nagmamadali akong lumabas ng cubicle at ng CR. Kaso paglabas ko, nakita ko na agad si Jiro.

Nakatingin sya sakin. Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari?!

Agad akong bumalik sa loob nang makita kong papalapit sya.

"Bwisit!" - sabi ko bago ko ni-lock ang pinto.

*Tok! Tok! Tok!*

"Aeris! Buksan mo 'to!" - sabi nya.

Hindi ako sumagot.

Aysh! Umalis ka na nga lang! 'Wag mo na akong guluhin! Bwisit talaga!

*Tok! Tok!*

"Please! Mag-usap tayo!" - sigaw nya.

Tss. Kausapin mo mukha mo! Manhid ka ba?! Tingin mo sa ginawa mo, kaya pa kitang makaharap?! Aysh! Nakakainis a!

Baka kapag nagkaharap tayo hindi ako makapagpigil, masapak pa kita!

"Bubuksan mo 'to o papasok ako sa loob?" - banta nya.

Tss. Kala mo naman makakapasok sya.

Nasa likuran lang ako ng main door ng CR. Napansin kong gumagalaw ang door knob noon.

"Sh*t!" - nasabi ko lang.

Pumasok ako ng cubicle at tumuntong sa bowl para maabot ko ang bintana.

Doon ako lumabas.

"Hay! Sa wakas, makakaalis na rin!" - sabi ko.

Tumakbo na ako ng mabilis para agad akong makalabas ng campus. Pero bago pa ako makalabas, lumingon ako sa likuran ko. Ayun nga, nakita ko 'yung bwisit na Jiro na 'yun! Ano pa bang kailangan nya sakin?! Hindi ba nya maintindihan na ayaw ko na syang makausap?!

Paglabas ko ng campus, nakita ko agad si Ken na pababa ng kotse nya.

"Ken! Wait!" - sabi ko habang papalapit sa kanya.

Napalingon sya sakin. Paglapit ko, agad akong sumakay sa kotse nya.

"Alis na tayo dito! Dali! Dali!" - sabi ko sa kanya.

Agad naman syang sumakay sa kotse nya.

"Anong nangyari sayo?" - tanong nya.

"Basta! Paandarin mo na 'yung kotse! Mamaya ko na sasabihin!" - hingal na hingal kong sabi.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon