Chapter 4

277 5 1
                                    

AERIS' POV

Nandito ako sa CR ng campus. Hindi pa rin ako makalabas dahil hindi ko agad matanggal 'yung pinturang bumuhos sakin kanina. Tsk. Pwede namang tubig na lang kasi, bakit kailangang may pintura pa?!

Saka ko lang naisip, mali siguro ako ng pag-aakala. Kung talagang si Aeros ang dahilan kung bakit nandito si Jiro, bakit hindi nya ako tinulungan ngayon? Nagkataon nga lang talaga 'yung noon.

*Beep!*

Binasa ko 'yung message.

'Ae! Nasan ka? Ayos ka na ba?' - Lizzy.

Nireplyan ko sya.

'Sa CR. Ayos lang ako. Hindi ko lang matanggal 'yung pintura.'

*Beep!*

'Buksan mo 'yung bintana. May ibibigay ako sayo para agad matanggal 'yan.' - Lizzy.

Binuksan ko naman. Nakita ko sya doon sa labas.

"Gamitin mo 'to." - Lizzy.

Mabilis nyang iniabot sakin 'yung paper bag at tumakbo palayo. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Kinuha ko 'yung nasa loob at agad nang ginamit para matanggal 'yung pintura sa katawan ko.

-----

JIRO's POV

Nandito ako sa likod ng building, sa taas ng puno. Almost 1 month pa lang mula mung mag-transfer ako rito, ang dami nang nangyari sa kanya. Alam kong lagi syang binu-bully ng mga kaklase at schoolmates nya, naririnig ko 'yun tuwing nagpupunta sya rito sa likod ng building. Alam kong kilala nyo ang tinutukoy ko. Si Aeris, kapatid ni Dave.

Pero bakit hindi sya lumalaban? Alam ko na ring sinusundan nya pala kami noon nila Dave tuwing may laban. Napag-usapan kasi nila nung kaibigan nya. So, sya pala 'yung nakikita kong laging nakatago sa pader tuwing nasa laban kami.

*Kring! Kring!*

Tinignan ko 'yung tumatawag.

"Bakit?" - tanong ko.

("Ang sungit mo naman, aga e!" - Dave.)

"Tss."

("How's Aeris?" - Dave.)

"Ayos lang." - ako.

Hindi nya alam na nabu-bully si Aeris. Binilin nya lang sya samin dahil baka raw 'yung kambal nya ang puntiryahin ng kalaban namin habang wala sya.

Ayoko na ring sabihin 'yun, kasi sigurado ako, kapag nalaman nyang may masamang nangyayari sa kahit sinong konektado sa kanya, hindi magdadalawang isip na umuwi 'yan.

("Sila Dylan? Nasan sila?" - Dave.)

"I don't know." - sagot ko lang

("Tss. Sige na nga, bye!" - Dave.)

Binaba ko na 'yung tawag.

Oo, sya 'yung nagsabing bantayan namin si Aeris. Namin, pero ako pa lang 'yung nag-eenroll dito. May kanya-kanya kasing lakad 'yung tatlo.

Nagpauna na ako, naiinip kasi ako sa bahay, walang magawa. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit hindi ako tumanggi? May choice naman ako, kami. Pero ni isa samin walang tumanggi. Ewan ba.

"Hay! Buti pa dito, tahimik!" - ???

Napatingin ako sa dumating. Si Aeris. Bakit ang aga nyang naka-PE? Nakita ko 'yung mga kaklase nya kanina naka-uniform sila. At bakit namumula 'yung braso nya?

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon