AERIS' POV
"Boss, ano? Nakausap mo na ba si Monster? Sinabi na ba nya ang totoo?" - L.
"Bakit hindi ka rin nya sinabihan na nakipaglaban sya noong isang araw? Nandoon ang DDBG diba?" - Zandro.
Nakasilip lang ako sa kanila. Hindi nila alam na nandito ako.
Hindi sumagot si Ken. Nakatingin lang sya sa baso na hawak nya. Sunod nyang ininom ang laman noon na alak.
"Tumahimik na kayo." - sabi lang ni Ken.
"Pero, boss, deli---" - putol na sabi ni Jacob.
"Shut up!" - sigaw ni Ken.
Nagulat naman silang lahat sa sigaw nya.
"Easy lang, End. Inaalala lang namin ang gang." - Gray.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa kanila.
Napatingin silang lahat sakin.
"O, Monster! Ayos ka lang ba?" - bigla-bigla nilang tanong.
Napangiti lang ako ng sarkastiko sa kanila.
Kinuha ko ang basong hawak ni Ken at nilagyan ng alak.
Akmang iinumin ko na iyon nang pinigilan nya ako.
"Don't drink that." - utos ni Ken.
Tinignan ko lang sya ng walang emosyon.
"Gusto kong uminom!" - pagmamatigas ko.
Inalis ko ang kamay nya at ininom ang alak.
"Tsk!" - nasabi nya lang.
Malakas kong nilapag ang baso sa lamesa at tumingin ako sa kanilang lahat.
"Ako ang pinag-uusapan nyo kanina diba? Nandito na ako. Tanungin nyo lahat nang gusto nyong malaman!" - sabi ko.
Hindi agad sila nakapag-react. Sunod ay nagkatinginan silang lahat.
Kumuha ako ng upuan, nilagay sa harap. Umupo ako ng naka-dekwatro at naka-crossed arms.
"Okay, ayaw nyong magtanong? Ako na lang ang kusang sasagot." - sabi ko.
Lumapit sakin si Ken.
"Ano ba ang ginagawa mo?!" - tanong nya.
Ngumiti lang ako sa kanya. Pero hindi nagbago ang mata ko.
"Gusto nyong malaman kung bakit dito ako sumali imbes na sa gang ng kambal ko?" - sabi ko habang nakatingin sa mata ni Ken.
Una akong umiwas sa kanya at tumingin sa ibang miyembro.
"Gusto kong humingi ng tulong." - sabi ko.
Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko.
"Humingi ng tulong? Para saan?" - Knife.
"Kung gusto mo palang humingi ng tulong, bakit noong isang araw hindi mo kami sinabihan?" - Vin.
"Wala na akong time noon kaya hindi ko na nagawa pang humingi ng tulong." - sabi ko.
Yumuko ako.
"Kung sakaling hihingi ako ng tulong, makakaasa ba akong tutulungan nyo ako?" - tanong ko sa kanila.
Naramdaman kong may lumapit sa akin. Hinawakan nya ang balikat ko kaya tumingin ako sa kanya.
Seryoso syang nakatitig sa mata ko.
"Kahit ano, handa kong gawin ang lahat para sayo." - Ken.
Agad akong umiwas sa tingin nya dahil hindi ako komportable.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...