KEN's POV
"Boss, hindi tayo sigurado kung nagsasabi ng totoo si Monster. Tandaan mo, kapatid nya si Dark." - Zandro.
"Hindi lang basta kapatid, kambal sila. Magkadugtong ang pusod nilang dalawa." - Ted.
"Hindi kaya ginamit lang nila si Aeris para mapalambot ka?" - Vin.
Tumingin naman ako sa kanya.
"Oo nga, boss! Alam namin kung ano ang nararamdaman mo sa kanya. Lalaki rin kami kaya halata namin iyon." - L.
"At ang dahilan nya sa pagsali ay gusto nya lang maging gangster? Hindi sapat na dahilan 'yun sa gang natin, pero dahil si Aeris 'yun, tinanggap mo." - Mark.
Kinuwelyuhan ko naman sya.
"Anong gusto mong palabasin?" - sabi ko.
"Boss, easy ka lang!" - sabi nya.
Binitawan ko naman sya.
"Hindi nya tinanggihan ang initiation, nagawa pa nyang talunin ang lima sa amin! Kung tutuusin, sapat na sya para tanggalin ko kayo. Walang-wala kayo kumpara sa kakayahan nya tapos 'yan ang sasabihin nyo?! Kayang-kaya na nyang maging leader ng isang gang." - pagtatanggol ko sa kanya.
Nagkatinginan naman sila.
"'Yun na nga, boss, kayang-kaya na nyang maging leader, pero bakit pa sya sumali sa atin para lang maging isang miyembro? Kaya nya rin sigurong palitan ka kung gugustuhin nya." - Jacob.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Jacob.
"Hindi kaya planado ang lahat ng 'to para buwagin ang gang natin?" - Drei.
"Boss, 'wag mo sanang masamain ang sinasabi namin. Pero mas mabuti nang sigurado tayo." - Vin.
May point sila. Masyado ngang tahimik si Aeris. Hindi sya nagbabanggit ng kahit anong tungkol kila Dave.
Pero bakit naman? At kung totoo nga 'yung sinasabi nila, bakit naman nya tatakbuhan si Jiro? Kasama rin ba 'yun sa plano?
Naalala ko naman 'yung noong namatay ang mga magulang nila.
Aeris, kaya mo ba 'to ginagawa, para mabawi ang kumpanya nyo na ipinagkatiwala ng mga magulang nyo sa magulang namin?
-----
LIZZY's POV
Hayst! Saan na naman kaya nagpunta si Aeris? Hindi sya pumasok ngayon. Nasaan na ba ang babaeng 'yun? Ano ang pinaggagagawa nya?
Lumabas ako ng school para kumain ng lunch. Ayoko muna sa school, baka mamaya makita ko pa ang mga bisugo doon, mawalan ako ng gana.
Sa fast food lang ako kumain. Gusto ko rin magpalamig. Umorder na ako at umupo ako sa gilid na pwesto.
Habang kumakain ako, napalingon ako sa gilid ko.
>.>
O.O
-.-
Kusot ng mata.
O.O
-.-
Kusot ulit.
O.O
Waaa~ totoo nga ang nakikita ko! T.T
Why o why? My fafa Aeros? Bakit sa dinami-rami ng babae, bakit 'yung bisugong siopao pa?! Baket? Baket? Nandito naman ako! Baket? Anong meron sa kanya na wala sakin?
T.T Iyak mga bes!!!
Ganyan ba 'yung gusto mong hairstyle ng babae, Aeros? Pati 'yung mukhang siopao? 'Yung parang sinuntok ng harina 'yung mukha? 'Yung parang pumutok ang labi sa pula? Waaa~ ayoko na!!!
"Huy! Iniiyak-iyak mo dyan?! Hahaha."
Napalingon naman ako sa nagsalita.
"Francis? Aysh! Panira ka talaga ng moment e. Bakit ba sa tuwing nag-e-emote ako lagi kang sumisingit? Aysh!" - nasabi ko lang sabay inirapan sya.
Narinig ko lang na tumawa sya.
Napatingin ulit ako kila Aeros.
Waaa~ aano sila? Bakit sila sumakay sa kotse ni Aeros ng sila lang dalawa? Ako nga hindi pa nakakasakay sa kotse nya ng kami lang dalawa e! 'Tong mokong na Francis kasi laging sumusulpot!
Waaa~ 'wag ka lang magpapakita sakin ng mag-isa ka lang, Kim! Kakalbuhin talaga kita ng tuluyan!!!
Ang kati ng mukha mo! Sa lahat ng lalaki bakit si fafa Aeros pa??? T.T Pahiran kita ng gamot sa kati e para lang tigilan mo sya! O kaya bibigyan na lang kita, isang damakmak pa!
"Aray! Kawawa naman 'yung manok. Wala naman syang kasalanan bakit sa kanya mo binubuhos ang galit mo? Hahaha." - matawa-tawang sabi nya.
Napatingin naman ako manok na inorder ko.
"Aysh! Bwisit kasi si Aeros! Bakit sa lahat ng babae, 'yung mukhang pwet ng manok pa ang pinatulan nya?!" - inis kong sabi.
Natawa naman sya.
"Hahahaha! Grabe ka naman makalait sa kanya!" - Francis.
"E, totoo naman kasi!" - sabi ko sabay pout.
"Bakit? Gusto mo bang maging mukhang pwet ng manok para lang patulan ka nya? Hahaha." - pang-inis pa nya.
"Tss. Wala akong sinabing ganun, bwisit!" - ako.
Tumawa lang sya.
"Ano bang ginawa kong mali? Wala naman diba? Diba? Sinunod ko naman 'yung gusto nya! Pero bakit wala pa ring nangyari?" - pagdadrama ko.
"Hindi kasi sa lahat ng bagay, kailangan mo syang sundin. Minsan, mas gusto ng lalaki 'yung nacha-challenge sila sa mga babae. E, kung bigay ka lang ng bigay, wala ring mangyayari. Iisipin pa nila na ganon ka ka-easy to get." - sabi nya.
Napaisip naman ako sa sinabi nya.
"Ganun ba? Mukha ba akong easy to get? Kaya ba nagustuhan ni Jiro si Aeris kasi nachallenge sya? Dapat ko rin bang gawin 'yun? Dapat masungit ako?" - sabi ko.
"Hindi mo naman kailangan magpanggap. Ang sakin lang, huwag kang masyadong halata at huwag ka ring magbigay agad ng motibo." - Francis.
"Waaa~ diko na alam ang gagawin ko! Sigurado akong alam na ni Aeros na may gusto ako sa kanya! Mahirap nang bawiin lahat ng nagawa ko!"
"Pero kung hindi pa rin umepekto sa kanya lahat ng sinabi ko, baka nga hindi talaga kayo ang meant to be. Malay mo may iba palang nakalaan sayo." - Francis.
Pero si Aeros lang kasi ang gusto ko!!!
"Kaya ba hindi nya ako napapansin kasi wala lang talaga ako para sa kanya? Kaya ba nya dinate 'yung Kim na 'yun kasi ganun talaga 'yung type nya? E, bakit ganun? Halata naman kasi na si Kim 'yung unang nagpakita ng motibo! Alam na alam ko lahat ng galaw nya, kahit hibla lang ng buhok nya!"
Natatawa lang sya dahil sakin.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Nakakatawa bang maging broken-hearted? Tss." - sabi ko.
"Hindi ko pala nasabi, nalimutan ko. Kaya nya dinate si Kim, para tulungan si Aeris. Plano nyang gamitin din ang kapatid ni Ken para mas madali silang makapaghiganti. O ayan na, alam kong masaya ka na dyan! Tama na 'yan! Sige, ba-bye na!" - mabilis nyang sabi sabay takbo palabas ng fast food chain.
Teka. Naglo-loading pa 'yung sinabi nya.
Si Kim ay gagamitin lang ni Aeros para makaganti?
"Arrrrgh! Bwisit ka talaga, Francis! Nagdrama pa ako kasi akala ko seryoso na si Aeros sa kanya! Lagot ka talaga sakin kapag nakita kita!!!"
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...