LIZZY's POV
Iyak lang ako ng iyak pagkaalis ni Aeris. Hindi nila ako mapatahan. Isa lang naman kasi ang nakakapagpahinto sakin kapag umiiyak ako, si Aeris lang.
Nung medyo kumalma na ako, lumapit ako kay Aeros.
"Aeros, ano, tama pa ba ang ginawa natin kay Aeris? Hindi naman ganito 'yung plano diba?" - sabi ko sa kanya.
Huminga sya ng malalim.
"Kung ito lang ang paraan para matuto sya, we don't have choice." - mahinahon nyang sabi.
"P-Pero parang sobra na ata 'yun. Mula kasi nung umalis ka, wala na syang ibang nakasama kundi ako lang. Ako na lang 'yung sobra nyang pinagkakatiwalaan. Sigurado akong sobrang sakit para sa kanya ang ginagawa ko, natin." - sabi ko.
Napayuko ulit ako at unti-unti na namang tumutulo ang luha ko.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko.
"Lizzy, para sa kanya 'tong ginagawa natin. You have to be strong. Kung kaya ka nyang tiisin, ipakita mong kaya mo rin." - sabi nya.
"Pero mahirap iyon. Makita ko pa lang sya habang ganto ang sitwasyon namin, sigurado akong tutulo agad ang luha ko." - sabi ko.
Nagulat ako nang punasan nya ang luha ko.
"Kaya mo 'yan, Lizzy. Hindi ka namin pababayaan." - Aeros.
Bigla nya akong niyakap na mas nagpabilis pa ng pagtulo ng luha ko. Napayakap na lang din ako sa kanya.
Sana matapos na 'to. Gusto ko nang bumalik ang dating Aeris, ang bestfriend ko.
-----
AERIS' POV
Tulala akong pumasok sa school. Hindi ako makapag-focus. Hindi ko alam kung bakit pero hindi mawala sa isip ko 'yung nangyari kagabi.
"Ms. Gonzales? Can you please answer this?" - prof.
Nakatulala lang ako sa blackboard.
"Ms. Gonzales? Can you hear me?" - prof.
Narinig kong may nagtawanan sa klase. Pero hindi ko pinansin. Nakatulala pa rin ako.
"Ms. Gonzales? Okay ka lang ba?" - prof.
Naisipan kong tumayo. Naglakad ako palabas ng classroom. May narinig pa akong tumawag sakin kaso wala na akong pakialam. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Hinayaan ko na lang kung saan man ako dalhin nito.
Hindi ko napansin na may kasalubong pala ako kaya nabunggo ko sya.
"What the h*ll? Are you blind?" - sigaw nung babae.
Hindi ko sya pinansin. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.
Naramdaman kong may humila sa buhok ko dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
"Aaa!" - sigaw ko.
Tinignan ko ang sumabunot sakin.
"Bingi ka ba? 'Wag kang bastos!" - Kim.
Masama ko syang tinignan.
"Bitawan mo ako." - utos ko sa kanya.
Hindi sya sumunod. Mas hinigpitan pa nya ang sabunot sakin.
"Bat kita susundin?!" - Kim.
Ngumisi ako sa kanya.
"Ayaw ko sanang gawin 'to. Pero pinilit mo ako." - sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...