AERIS' POV
Bumalik na ako sa classroom. Pagpasok ko, nanlaki 'yung mata nung mga kaklase ko. Tss. Gulat ba kayo kasi nakapasok ako sa oras?
"B-Bakit... Panong? Diba..." - putol-putol na sabi ni Andrew.
"B-Babe, akala ko..." - Monique.
Lumapit ako sa kanila at nilapag ang notebook na pink sa desk ng arm chair. Ngumiti muna ako bago pumunta sa upuan ko.
"Tss. That b*tch!" - singhal ni Monique.
Tumingin ako kay Lizzy. Nakangiti sya sakin, parang proud sakin na nakarating ako rito. Napangiti rin ako ng palihim.
*Beep!*
Napatingin ako sa cellphone ko. Ngayon ko lang nakita 'yung 5 missed calls mula kay Lizzy. Binasa ko 'yung message.
'Ae! Buti nakarating ka. Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Aysh! Bakit kasi naka-silent ang phone mo?!'
Medyo natawa ako sa last part nung message bago tumingin sa kanya. Nireplyan ko sya.
'Mamaya ko na iku-kwento sayo kung pano ako nakaalis doon.'
Message sent! Maya-maya lang din ay dumating na 'yung prof namin.
-----
"Talaga, Ae? Waaa~ akalain mo 'yun? May knight in shining armour ka na!" - Lizzy na kinikilig pa.
"Knight in shining armour ka dyan, e ang sungit nga e! Pagkatapos akong iligtas, bigla na lang akong iniwan!" - tuloy ko sa kwento.
"Pero at least diba? Niligtas ka pa rin nya!" - Lizzy.
"Oo na, sige na, nasan na 'yung pagkain?" - ako.
"Ay oo nga!"
Kinuha nya sa bag nya 'yung plastic bag na may dalawang tyro foam at binigay nya sakin 'yung isa.
"O, wait!"
Bigla nyang binawi 'yun sakin.
"Bakit?" - tanong ko naman.
"Ano palang hitsura nya? Hehehe~"
Napa-face palm naman ako.
"Hay, nako! Hindi ko alam. Nalimutan ko na." - sabi ko lang.
Akmang kukunin ko na 'yung pagkain kaso nilayo nya ulit.
"No! Sabihin mo muna!"
"Tss. Okay. Matangkad sya, medyo payat? Hmmm, black messy hair, matangos ang ilong, maputi, kissable lips, mapungay na mata..." - putol ko.
Tinignan ko naman 'yung reaksyon nya. Natatawa ako kasi abang na abang sya tapos naka-lip bite pa sya pero pinigilan kong matawa. Pffft.
"... pero di sya gwapo gaya ng inaasahan mo." - tuloy ko.
Nakita ko ang pagkadismaya nya sa sinabi ko hahaha!
"Aysh! Ganun ang pagkaka-describe mo tapos hindi gwapo? Tss. 'Wag ako, Ae, 'wag ako!" - sabi nya kaya tuluyan na akong natawa.
Inabot nya sakin 'yung pagkain ko.
"Anong name nya? Add ko sa fb dali!!!" - excited na tanong nya.
"Hay, nako! Sabi ngang hindi nya man ako pinansin e, sabihin pa kaya ang pangalan nya?" - sabi ko naman.
"Meron namang ID a? Ba't di mo tinignan?" - Lizzy.
Oo nga no? Ba't diko naisip 'yun?
"Ay, wala na sa isip ko 'yung ganon! Hindi rin ako interesado!" - sabi ko lang.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...