AERIS' POV
"O, Monster? Anong ginagawa mo rito?" - tanong nung isang ka-miyembro nina Ken.
"Oo nga! Baka mamaya magalit si boss kasi hindi mo sya kasama rito."
Umupo ako sa lamesa malapit sa kanila.
"Bawal na ba akong tumambay dito?" - malamig kong sabi sa kanila.
"Hindi naman sa ganun, baka lang kasi may masabi si boss."
Hindi ko na pinansin 'yung sinabi nila. Iba ang pinunta ko rito.
"Matanong ko lang, alam mo ba kung ano ang pangalan ng magulang ni Ken?" - ako.
Nagtinginan naman silang lahat sabay ngiti ng malapad sakin.
"Bakit, Monster? Ipapakilala ka na ba nya sa kanila?"
"Yiiie~ ang bilis naman!"
"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao!"
Tinignan ko naman sila ng masama.
"Tss. Shut up! Answer me!" - sabi ko lang.
Natawa lang sila.
"Kung gusto mo silang paghandaan, sige na sasabihin na namin hahaha."
Napangisi naman ako.
"Sobrang strikto ng parents nina Ken mula nung naging mayaman sila. Narinig ko lang, biglang yaman daw nila e. Pero approachable naman sila pareho kaya 'wag kang matakot hahaha."
Napapikit na lang ako. Tsk! Hindi 'yan ang gusto kong marinig! Pangalan nila, pangalan!
"Uhmmm... talaga? Alam nyo ba kung bakit sila biglang yumaman?" - ako.
Napahawak naman sa baba 'yung isa, para bang nag-iisip sya.
"Wala kaming alam dyan e, hindi kasi kami ganoon ka-close kay boss."
"Ganun ba? E, pangalan? Alam nyo?" - ako.
"Mi---" - putol nyang sabi.
"Aeris?! Anong ginagawa mo rito?" - ???
Nagulat naman ako sa nagsalita.
"A-Aa..." - ako.
"Pinaghahandaan nya kasi 'yung mga mag---"
"'Yung makakalaban natin, oo pinaghahandaan ko sila. Nagtatanong na rin ako ng iba pang skills sa kanila." - ako.
Tinignan ko 'yung mga ka-grupo nya. Ayun, natatawa lang sila. Tsk.
"Aysh! Sabi na kasing hindi mo na kailangan pang turuan. Gusto mo na bang lumaban ulit kaya nagtatanong ka? E, kagagaling mo lang sa pagod." - Ken.
"Pagod, boss? Anong klaseng pagod? Hahaha!" - 'yung isa.
Binato naman sya ni Ken ng hawak nyang cellphone.
Tsk. Porket mayaman sila, kahit cellphone nagagawa nya lang ibato.
Nasalo naman iyon nung kasama nila.
"'To naman si boss, di mabiro ay hahaha!"
"Tumahimik ka dyan!" - masungit na sabi ni Ken.
Tumingin ulit sya sakin.
"So, ano?" - tanong nya ulit.
Huminga ako ng malalim bago nagtanong.
"Kung sakaling gusto ko, kanino ba tayo makikipaglaban?" - ako.
Ngumiti sya ng malapad.
"Gusto mo talagang malaman?" - sya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...