AERIS' POV
Bakit sya?! Alam ba nya na ako ang lalaban?! Aysh! Kainis naman! Iniiwasan ko nga sya tapos ngayon, eto sya kaharap ko!
Unti-unti syang lumalapit sakin. Lumalayo naman ako.
"Booo! Bakit lumalayo si Monster?!" - sigaw nung isang nanonood.
"Bakit pa sya sumali kung iiwas lang pala sya?" - 'yung isa pa.
Tss. Nakakarindi. Kung kayo kaya ang nasa sitwasyon ko?! Tsk.
Ngumiti sakin ng nakakaloko si Jiro bago sya tumakbo ng mabilis papunta sakin.
"Sh*t!" - nasabi ko lang.
Hindi ko napaghandaan iyon kaya hindi ko sya naiwasan. Hinawakan nya ako sa magkabila kong kamay.
"Bakit mo ako iniiwasan?" - tanong nya.
"Tss. Wala kang pakialam!" - sabi ko lang.
Inirapan ko sya at tumingin sa kamay nya.
"Bitawan mo ako!" - sabi ko.
Umiling sya.
"Pano kung ayoko?" - sabi nya.
Tinignan ko sya ng masama.
Humawak din ako sa magkabila nyang wrist.
"Tss. Edi wag!" - ako.
Mabilis kong nilapat ang kanang paa ko sa tyan nya saka inangat ang kaliwa kong paa sa dibdib nya para sipain iyon habang nakahawak ng mahigpit sa kanya.
Pagkasipa ko, agad akong napabitaw.
"Aaa!!!" - sabay naming sabi ni Jiro.
"Woah! Astig!"
"Sakit nun!"
"Ayos lang kaya si Monster?!"
Ang sama ng bagsak ko. Nauna ang kanan kong brasong bumagsak.
Nakita kong agad tumayo si Jiro. Lumapit sya sakin pero agad na akong tumayo.
Kita sa mata nya ang pag-aalala. Pero hindi ko 'yun pinansin.
"Ayos ka lang?" - tanong nya.
Hindi ko sya sinagot.
Tumingala ako para makita si Lizzy.
"Anong ginagawa nya?" - bulong ko.
Aysh! Nagawa pa nya talagang mag-cellphone? At nakatapat pa sa baba? Samin? Aysh! Ibang klase! Parang walang nangyayaring masama sa kanya.
Biglang may humawak sa beywang ko at hinapit ako palapit sa kanya.
"Ano ba?!" - sigaw ko sa kanya.
Hinawakan nya ulit ang kamay ko at inilagay sa balikat nya.
"Bagay sila!"
"May gusto ba si Raven kay Monster?"
"Siguro! Hindi nya pinapatulan e."
Tinignan ko sya ng masama.
"Sumeryoso ka nga!" - sabi ko.
Inuntog ko ang ulo ko pataas sa baba nya at sinuntok sya.
"Bakit? Seryoso naman ako a." - sabi pa nya habang nakahawak sa gilid ng labi nya na sinuntok ko.
Nilapitan ko sya.
"Ibig kong sabihin, lumaban ka!" - sabi ko.
Sinipa ko sya sa tyan nya at sinipa ang binti nya kaya napaluhod sya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
AcciónShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...