Chapter 38

128 2 0
                                    

MIGUEL's POV

"Alam nyo na kung ano ang gagawin nyo sa batang iyan." - sabi ko sa mga tauhan ko.

"Opo, boss. Sisiguraduhin namin na hindi na sya sisikatan ng araw." - sabi ni Gener habang nakatingin sa litrato ni Aeris na pinakita ko sa kanya pagkatapos ay nilapag nya ulit 'yun sa lamesa.

"Siguraduhin nyo lang na hindi kayo papalpak sa pinapagawa ko sa inyo." - paninigurado ko.

"Siguradong-sigurado, boss. Wala pang pumapalpak sa amin sa lahat ng pinagawa nyo noon." - sagot nya.

Ngumiti ako sa kanila.

"Sige po, boss, mauna na kami." - Jun.

Tumango lang ako pagtapos ay lumabas na sila.

Sumilay naman ang malaking ngiti sa labi ko habang iniisip ko ang mangyayari sa batang iyon.

Kinuha ko ang picture nya at pinaikot ang swivel chair para humarap sa likod.

"Masyado ka kasing pakialamera. Kung hindi ka siguro nagpunta rito, hindi ko na sana maiisip na gawin 'to. Pero, makulit ka. Ikaw ang may gustong madali ang buhay mo. Pero pagbibigyan kita sa gusto mo." - sabi ko habang nakatingin sa picture nya.

Bigla namang bumukas ang pinto pero hindi ako lumingon.

"May nakalimutan pa ba kayo?" - tanong ko dahil alam ko namang ang mga tao ko lang iyon.

Wala namang nagsalita sa kanila. Nakarinig lang ako ng mga yabag palapit sakin.

Bigla huminto ang mga yabag na narinig ko malapit sakin, kasabay noon ang pagharap ko sa kanya.

"Kamusta na? Nakapagkumpisal ka na ba, mr. Medina?" - pamilyar na boses galing sa isang babae.

Sya namang laking gulat ko nang tuluyan akong makaharap sa kanya.

"Ae-Aeris?! Anong ginagawa mo rito?! Paano ka nakapasok?" - kinakabahan kong tanong.

Ngumisi lang sya sakin. Tuluyang nanindig ang balahibo ko sa ngisi nyang iyon.

"Mmm... may isang bagay kasi akong kailangan na tapusin. Alam mo na, kailangan nang burahin sa mundong ito ang mga d*monyo." - ngiting-ngiti nyang sabi habang nakatingin ng seryoso sakin.

Tumayo ako at umikot palabas ng lamesa.

"Hindi mo ako maiisahan, hija. Langgam ka la---" - hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil sa ginawa nya.

May hinugot syang baril sa tagiliran nya at itinutok sakin.

Hindi ako nagpasindak doon.

"Akala mo matatakot mo ako dyan? Ang tanong, marunong ka nga bang gumamit nyan?" - sabi ko habang nakangiti.

Ngumiti rin sya sakin. Biglang kinasa nya ang baril at pinutok sa taas pagtapos ay tinutok ulit sakin.

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya.

"'W-'Wag mong g-gawin 'yan, i-ibabal-lik ko na sa inyo ang kompanya, 'wag mo lang ako patayin." - nanginginig ang boses na sabi ko.

Lumuhod ako sa harapan nya.

"Ibabalik mo ang kompanya? Pero hindi ang buhay nila mama? Hahaha. 'Wag ako, Miguel. D*monyo ka lang, ako, mas masahol pa doon!" - sabi nya sa tonong galit na galit.

Kinasa nya ulit ang baril habang nakatingin sa mata ko.

"Magdasal ka na, tawagin mo na ang lahat ng santong kilala mo, ooopsss, mali. Si s*tanas pala ang tawagin mo, subukan natin baka sakaling tanggapin ka nya o baka isuka ka na rin nya kapag namatay ka dahil mas masahol ka pa sa kanya." - Aeris.

"P-Please---"

*Bang!*

"Aaa!" - sigaw ko.

Sa braso ko tumama ang putok ng baril.

"Para 'yan sa kawalanghiyaang ginawa mo at pagtataksil mo kila mama." - Aeris.

"M-Maaw-a ka, please." - patuloy ko pa rin na pagmamakaawa.

*Bang!*

Sa binti ako tinamaan.

"T-Tama na, maawa ka sakin!" - sigaw ko.

"Para naman 'yan sa pagnanakaw mo ng kompanya nila, na pinaghirapan nilang itayo. Mga wala kayong utang na loob!" - Aeris na sumisigaw na rin.

*Bang!*

At ngayon, sa dibdib nya ako tinamaan. Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla akong nahirapang huminga.

"Para 'yan sa pagpatay mo sa kanila, sa walang kalaban-laban na katawan nila. Sa pambababoy mo sa kanila!" - sigaw nya.

"T-Tama na, tama n-n-naaa... maaw-wa ka-aaa." - pilit kong pagsasalita.

"Tama na? Maawa ako? Tigilan ko na 'to? Bakit?! Naawa ka ba sa kanila noong oras na nagmakaawa silang huwag mo silang patayin? Tumigil ka ba kahit alam mong hindi na sila mabubuhay sa mga pinakawalan mong putok ng baril? Hindi diba? Hindi ka pa nakuntento na maayos ang katawan nila, halos gutay-gutay ang iniwan mo! Ni hindi ka pa nga nakuntento sa pagnanakaw mo, kasi walang awa mo pang kinuha ang buhay nila!" - galit na sigaw niya.

Kasabay noon ang sunud-sunod na putok ng baril na pinakawalan nya.

*Bang! Bang! Bang! Bang!*

"Dapat lang sayo 'yan! Walang lugar ang katulad mo sa mundong ito! Mamatay ka na! Mamatay ka na!!!"

Hindi na ako nakapagsalita pa. Wala na akong lakas pa. Hind---

"Aaaaa!" - hingal na hingal at takot na takot na sigaw ko.

Napabalikwas ako sa hinihigaan ko.

Tumingin ako sa katawan ko para malaman kung may tama nga ako ng baril.

Pero wala. Ni isang tama ay wala akong nakita.

"Panaginip lang ang lahat. Panaginip lang." - sabi ko sa sarili ko.

"Hon? Are you okay? Bakit ka sumigaw? Anong nangyari?" - nag-aalalang tanong ni Karen, asawa ko.

Lumingon ako sa kanya. Hinaplos ko ang buhok nya.

"May napanaginipan lang akong hindi maganda. But don't worry, I'm all right. You can go back to sleep." - sabi ko lang sa kanya.

Tumango lang sya pagkatapos ay humiga na ulit.

Tumayo ako at pumunta sa veranda ng kwarto.

Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at lighter. Nagsindi ako ng sigarilyo.

Aeris Jade Gonzales. Maging sa panaginip ay ginugulo mo ako. Sa kompanya, sa bahay, hindi mo ako tinitigilan. Ni walang takot na nananalaytay sa dugo mo. Hindi mo alam ang mga kaya kong gawin. Marami akong pwedeng gamitin at pagalawin dahil sa perang meron ako. Marami akong koneksyon.

Madali lang para sa akin na idispatsa ang basurang tulad mo. 'Wag ka lang magkakamaling galitin at ubusin ang pasensya ko, dahil hindi mo ulit nanaisin na makita ang katauhan kong pumatay sa magulang mo.

Lahat ng nakita ko sa panaginip ko, kabaligtaran noon ang mangyayari. Hindi ako ang mamamatay, ikaw ang mauuna. Matagal ang buhay ko dahil masama akong damo. Hindi maamong tupa na gaya mo.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon