Chapter 18

190 5 0
                                    

KEN's POV

Natatawa na lang ako sa nangyari kanina. Ha-ha! T*ngina! Si Aeris ba talaga iyon? Pano nya nagawa iyon? I mean, napakapayat nya kumpara samin ni Xander. Natalo ako ni Xander, pero isang atake lang ni Aeris, parehas kaming tumba.

"Hahaha! Pre, mukhang baliw na ata si End!" - Zandro.

"Hindi baliw, in love kamo! Hahaha." - L.

Pero naalala ko 'yung sinabi ni Vin na parang si Aeris daw 'yung nakalaban nya noon. Sila Xander ang tinulungan nya, pero nandito sya samin ngayon.

"Nabingi na rin? Hahaha!" - Gil.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Nagde-daydream pre, hayaan nyo na hahaha!" - Mark.

"F*ck you!" - nasabi ko lang.

Nagtawanan naman silang lahat. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

Hindi ko pa rin maisip kung bakit? Ano ba talaga ang nasa isip mo, Aeris? Pero kung ano man iyon, wala na akong pakialam. Hindi na mahalaga iyon, hanggang nasa akin ka, ipinapangako kong hindi ka masasaktan.

Nakarinig kami ng footsteps papalapit. Pagtingin ko... WTH!

"F*ck!" - nasabi ko.

Napatayo ako at agad lumapit sa kanya.

"Sabi ko 'wag na 'wag kang pupunta rito nang hindi ako kasama!" - sabi ko sa kanya.

Nakatingin lang sya sakin, walang emosyon.

"Nandito ka naman diba?" - sabi nya na may pagka-sarkastiko.

"Aysh!" - ako.

Bakit ba ang tigas ng ulo ng babaeng ito? Tss. Kung hindi lang kita mah---

"O, ayan na pala 'yung lov---" - putol na sabi ni Vin dahil tinignan ko sya ng masama.

"Hi, Aeris!!!" - sabi nila.

Tumango lang sa kanila si Aeris.

"Don't call her her real name." - sabi ko.

"Then, what should we call her?" - Jacob.

Tumingin ako kay Aeris.

"Can you, please, tell us your name, miss?" - sabi ko sa kanya.

"Can you, please, do the honor?" - sabi naman nya.

Napakamot naman ako sa batok ko.

"Okay. What is it?" - tanong ko.

Yumuko muna sya pero maya-maya lang din ay nagsalita na.

"Monster."

-----

LIZZY's POV

Hay! Mag-isa na naman akong uuwi ngayon! Si Aeris? Ayun! Nandun na naman kila Ken. Ang kulit e! Gusto nya na talagang matuloy ang plano nya. Aysh! Bakit ba kasi lumitaw pa si K---

"Huy!"

"Ay Ken sa kanya!" - gulat kong sabi.

Napalingon naman ako sa nanggulat at tinignan sya ng masama.

"Aysh! Bakit ba lagi kang nanggugulat?!" - inis kong tanong sa kanya.

Tumawa lang sya pero maya-maya sumeryoso.

"Sinong Ken ang sinasabi mo? 'Yung nakausap ba ni Aeris noon?" - tanong ni Francis.

"Ken? Pinagsasabi mo dyan?" - palusot ko naman.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon