Chapter 43

305 4 5
                                    

AERIS' POV

Pagkarating namin sa hospital, agad kong inalalayan si Jiro palabas ng kotse. Si Lizzy ang pumasok sa loob para humingi ng tulong.

"Miss, dito nyo po sya ihiga." - sabi nung isang lalaki.

Hiniga ko si Jiro sa kamang tinutulak. Diko alam tawag e. Ayun nga, pinasok na sya sa loob. Nakasunod kami ni Lizzy sa kanya.

"Ano po bang nangyari sa kanya?" - tanong nung lalaking nurse.

"Ano po, nauntog po kasi sya ng malakas. Maya-maya lang po ay nawalan sya ng malay." - sagot ko.

Bigla namang kumirot ang binti ko pero hindi ko na iyon ininda, mas mahalaga 'yung kalagayan ni Jiro ngayon.

"Nauntog? Ngayon lang po ba nangyari sa kanya ito?" - tanong ulit nya.

"Hindi po ako sigurado e, pero ngayon ko lang po sya nakitang nagkaganyan."- ako.

Tumango lang 'yung nurse.

"Wait!" - pigil sakin ni Lizzy.

"Bakit?" - tanong ko.

"Kuya, padala pa nga pong wheelchair dito, nalimutan ko 'yung binti nya." - sabi ni Lizzy sa nurse.

Napatingin naman sila sa binti ko at napangiwi.

"Okay!" - mabilis nilang sagot.

"Kaya ko naman, Lizzy. Ayos lang ako." - sabi ko.

"Tss! 'Wag ka nang kumontra dyan! Wala ka ring magagawa." - sabi lang ni Lizzy.

Aysh! Ang kulit talaga ng babaeng ito kahit kailan!

-----

"Aww! Aray! Tama na, ate, please? Ouch! Masaket! Dahan-dahan lang po! Bakit parang walang anesthesia? Aray!" - sunod-sunod na daing ko nung nililinis na ang sugat ko pagkaalis nung bala.

"Konting tiis na lang po, ma'am." - sabi nung nurse na babae.

"Tss. Tignan mo 'to, akala ko ba kaya mo? Daing-daing ka dyan!" - sabi pa ni ni Lizzy.

"Tss." - nasabi ko lang.

-----

"Paano nyo pala nalaman na pina-kidnap ako ni Miguel?" - tanong ko kay Lizzy.

Tapos nang linisin nung nurse ang sugat ko. Nakaupo ako ngayon sa hospital bed katabi si Lizzy na nagtatalop ng apple.

"Dahil kay Ken." - sagot nya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ken?" - ako.

Tumango sya.

"Humingi kami ng tulong sa kanya. And I think, sya rin ang may gusto ng nangyari." - Lizzy.

Napayuko naman ako na saktong pagbukas ng pinto ng kwarto.

"Hey! Are you okay?" - tanong ng kadarating lang na si Aeros.

Puro pasa ang mukha nya. Kasunod nya 'yung tatlo.

"Ikaw? Ayos ka lang?" - balik ko sa kanya.

"Omo! Hintayin nyo ako rito!" - nagmamadaling sabi ni Lizzy.

Patakbo rin syang lumabas.

"Anong nangyari sa kanya?!" - takang tanong ni labanos.

Napailing na lang silang apat.

Umupo 'yung tatlo sa sofa na nasa loob. Si Aeros naman ay sa inupuan ni Lizzy kanina.

"Masakit pa ang binti mo?" - tanong ni bulinggit.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon