Chapter 7

308 6 5
                                    

AERIS' POV

Papunta akong library. Balak ko kasing manghiram ng books kasi may quiz kami bukas. Pagpasok ko, ayun, halos 'yung mga mukhang nambu-bully sakin noon, nakangiti sakin ng wagas ngayon.

"Aeris, dito o!" - mahinang sabi ni Mica sabay turo sa upuan sa harap nya.

"Hindi na, manghihiram lang kasi ako ng libro. Aalis din ako agad." - sabi ko naman.

Napatango lang sya.

Pumunta na ako sa mga shelves para hanapin 'yung librong kailangan ko. Nung makita ko na, hindi ko agad nakuha kasi ang taas. Tumingkayad ako kaso wala pa rin.

"Aysh, bakit kasi ang taas mo?" - sisi ko sa libro.

Kailangan ko iyong makuha, isa na lang kasi sya e. Tinry ko pang abutin iyon kaso wala talaga. Bigla namang may sumingit na kamay sa gilid ko tapos inabot nya 'yung librong hindi ko makuha.

Tumingin ako sa kanya.

"Here." - sabi nya na may malapad pang ngiti.

O-Kay, bakit ka nakangiti? At bakit parang pamilyar 'yung mukha nya?

"Salamat." - sabi ko at nag-bow pa sa kanya bago ako lumapit sa may librarian.

"Ma'am, hihiramin ko po sana ito." - sabi ko sa kanya.

Matagal akong tinignan nung librarian bago sya nagsalita.

"Sorry, hindi pwede 'yang librong 'yan. Naka-reserved kasi 'yan e." - sabi nya.

Nanlumo naman ako sa sinabi nya.

"Ma'am, sige na po! Kailangan ko po kasing magbasa. Sige na, please!" - pagmamakaawa ko.

"Pasensya na, miss, hindi talaga pwede." - librarian.

Waaa~ anong gagawin ko? Ayokong bumagsak sa subject na iyon! Major ko iyon e. Ano nang gagawin ko?

Tumalikod na ako at naglakad kaso biglang may bumunggo sakin pero mahina lang.

"Ma'am, kung ako ba 'yung manghihiram, ayos lang?" - ???

Napalingon ako sa nagsalita. Tinitigan ko sya. Bakit parang pamilyar din sya sakin? Sigurado ako, hindi sya 'yung tumulong sakin na makuha 'yung libro kanina. Ano na bang nangyayari sa mata ko? Bakit puro pamilyar ang nakikita ko?

Tinignan ko 'yung reaksyon nung librarian. Napakunot naman ang noo ko. Bakit bigla syang namula? Oo, alam ko gwapo 'yung lalaki. Pero sa edad nya? Hay!

"Pa-Pasensya na, hijo, di pwede e." - librarian na parang nagpapa-cute.

Pwede bang mandiri? Ay! Ano ba 'tong nakikita ko?

"Sige na po, please?" - 'yung lalaki.

Nagulat ako nang bigla nyang hinawakan 'yung kamay nung librarian. Shocks! Ganto na ba talaga sya ka-desperado para lang sa libro?

Tss. Makaalis na nga. Bahala na bukas.

Nasa labas na ako ng library, hinahanap ko si Lizzy.

"Saan naman ba nagsuot 'yun? Sabi ko hintayin nya lang ako rito sa labas e!" - sabi ko sa sarili ko.

"Miss!" - biglang may sumigaw sa likod ko.

Hindi ko naman pinansin. Malay ko ba kung ako o hindi 'yung tinawag nya.

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap.

Bigla may humila sa braso ko at iniharap ako sa kanya.

Paglingon ko, ayun, hingal na hingal sya habang nakahawak sa magkabila nyang tuhod.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon