Chapter 41

150 2 0
                                    


THIRD PERSON's POV

Sobrang bilis ng takbo ni Aeris kahit iika-ika sya dahil sa paa nyang tumama sa kahoy nung tumakas sya. Hinahabol na sya ngayon ng mga tauhan ni Miguel.

"Sh*t! Anong klaseng lugar ito? Bakit puro puno?!" - sabi ni Aeris sa pagitan ng mga takbo nya.

Sa kabilang dako naman...

"Nasaan na 'yun?! Ang bilis naman nya!" - sabi nung isang lalaking humahabol sa kanya.

"Ayun! T*ngina! Barilin mo dali!" - sabi nung isa pa.

Bumunot ng baril ang kasama nya at agad pinaputukan ng bala ang dalaga.

*Bang!*

Hindi naman ito natamaan kaya patuloy pa rin itong tumakbo.

"Wala ka talagang kwenta! Ako na nga!" - sabi nung isa sabay hablot ng baril mula sa kamay ng kasama nya.

Samantala, hingal na hingal na si Aeris mula sa pagkakatakbo. Hindi nya inasahan ang sunod na alingawngaw ng bala mula sa putok ng baril.

*Bang!*

"Aaaaa!" - malakas nyang sigaw.

Dumaplis ito sa braso nya. Pero gaya pa rin ng kanina, hindi nagbago ang bilis ng pagtakbo nya, at mas bumilis pa.

*Bang!*

Isa na namang bala ang pinakawalan ng lalaki at tumama na ito sa kanyang binti dahilan para mapaluhod sya sa sakit.

"Aray! A! Sh*t! F*ck!" - sunod-sunod nyang daing dahil sa sakit.

Agad na naabutan sya nung dalawa.

"Hooo! Pinagod mo pa kaming bata ka." - sabi nung isa bago nito hinawakan sa braso ang dalaga.

Pumalag si Aeris. Pinalipit nya ang kamay ng lalaki pero agad itinutok ng isa pang lalaki ang baril sa ulo nito kaya hindi na sya nakapalag.

"Subukan mo lang na pumalag, hindi ako magdadalawang isip na iputok sa ulo mo 'to!" - banta nung lalaki.

Hindi na nga sya nakagalaw dahil hawak din sya sa braso nung isa. Wala na syang nagawa kundi ang sumama sa dalawa pabalik sa lugar kung saan sya nakatali kanina.

-----

JIRO's POV

"Ayun ang kotse ng daddy ni Ken! Tara na!" - sabi ni Lizzy.

Agad na kaming sumakay sa mga sasakyan namin. Kasama ko sa kotse si Dylan at Tyrone. Kay Aeros naman ay si Lizzy at Francis.

Naunang umalis ang kotse ni Ken. Sinundan namin sya.

-----

Huminto na ang kotse ng daddy ni Ken. Sa medyo tago kami nag-park para hindi kami mahalata.

Bumaba na sya sa kotse. Lumingon muna sya sa paligid bago naglakad at pumasok sa lumang bahay.

Nagsibabaan na kaming lahat at pumaligid sa bahay.

"Ako na ang papasok---" - putol na sabi ni Ken.

"Sasama ako sa loob. Siguradong hindi lang isa ang tauhan nya." - sabi ko.

Tumango lang sya.

"Sasama rin ako. Lizzy, Dylan, Francis at Tyrone, kayo na ang bahala sa kotse. Hintayin nyo kami." - Dave.

Tumango naman sila.

"Mag-iingat kayo." - kinakabahang sabi ni Lizzy bago kami tuluyang makapasok.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon