AEROS' POV
"Nakausap mo na ba si Aeris? Anong sabi nya? Hindi ko pa sya nakakausap mula kahapon. Hindi rin sya umuwi." - tanong ko kay Xander.
Nakayuko lang sya pero maya-maya ay nag-angat sya ng ulo.
"May iba syang plano." - sagot nya.
"Tsk! Ibang klase talaga ang babaeng 'yun. Napaka-pasaway!" - sabi ko.
"E, sino ba naman ang pagmamanahan nya ng ugali? Parehas lang naman kayo." - singit ni Tyrone.
"Tsk. G*go!" - nasabi ko lang kaya nagtawanan sila.
"Guys, nakakailang missed calls na ako sa kanya, kahit isa wala man syang sinagot... o nasagot. Kahapon pa ako tumatawag e." - sabi ni Lizzy na parang kinakabahan.
Napatayo ako.
"F*ck! Ano bang ginagawa nya?!" - inis kong sabi.
"Pano kaya kung si Ken ang tanungin natin? Hindi kasi maganda ang kutob ko sa nangyayari." - Lizzy.
"Pero sigurado akong magkakagulo lang kung sakaling pumunta tayo sa kanila." - Francis.
"But why don't we try? It's for Aeris sake! Kailangan natin syang mahanap agad." - Dylan.
Kinuha ko ang jacket ko at pumunta sa pinto.
"Saan ka pupunta?" - Francis.
"Sumama kayo kung gusto nyo." - sabi ko lang.
Binuksan ko na ang pinto at lumabas na. Pumunta ako sa parking lot. Sumakay ako sa motor ko.
"Wait!" - hingal na hingal na sabi ni Lizzy.
"Bakit?" - tanong ko.
"Sasama kami." - sabi nung mga nasa likod nya.
Lihim na lang akong napangiti nang lahat sila ay sumunod sakin, pati si Xander.
-----
KEN's POV
"Kung gusto ni Monster na tulungan natin sya, bakit hanggang ngayon hindi pa nya sinasabi kung sino ang ipapapatay nya?" - tanong ni Gray.
"Ewan. Gulo nya." - Vin.
"Hindi magulo, misteryoso." - Jacob.
"Ikaw ba, End? Sinabihan ka na nya?" - Knife.
Umiling lang ako, kahit ang totoo ay alam ko na kung sino.
"Hay! Excited na ulit akong lumaban!" - nag-iinat na sabi ni L.
"Boss! Boss! Nasa labas ang DDBG!" - patakbong sabi ni Zandro.
Napatayo naman ako.
"Hahaha! Kakahiling ko pa lang, wish granted agad?" - natatawang sabi ni L.
Pumasok sila sa loob, kabilang na ang bestfriend ni Aeris.
"Woah! Di nyo naman sinabi, may babae na rin pala kayong miyembro." - Mark.
Napayuko naman 'yung kasama nilang babae.
"Bakit naman anim lang kayo? Hindi kami makukuntento kasi hindi sapat ang dami nyo samin." - Gray.
"Hindi kami pumunta rito para manggulo." - mahinahon na sabi ni Dave.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"E, ano pa nga bang dahilan?" - L.
Pasugod na sana sya pero pinigilan ko sya.
"Stop." - sabi ko lang.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...