Chapter 29

141 2 0
                                    

AERIS' POV

"It's been 6 years, mama, papa. Kamusta na kayo?" - ako.

Nasa memorial park ako kung saan nakalibing sila mama. Death anniversary nila ngayon, 6 years.

"Alam kong naghihintay pa rin kayo ng hustisya. Ibibigay ko iyon sa inyo, malapit na. Lahat ng involved sa nangyari sa inyo, palalabasin ko ang baho."

Natagpuan ko na kasi ang taong pumatay sa inyo. At pagbabayarin ko sya sa lahat ng kasalanan nya.

"Gabayan nyo ako, ma at pa, ha? Alam ko namang hindi nyo kami iniwan kahit kailan. Alam kong lagi lang kayo sa tabi namin. Miss na miss ko na kayo."

Unti-unti nang tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Gusto ko na nga kayong makasama e. Pero hangga't wala pang nangyayari, mananatili pa ako rito. Hintayin nyo ako, ha? Malapit na."

Dumukmo ako sa mga tuhod ko.

Malapit na, mama, papa. Pagkatapos noon, tapos na rin lahat ng paghihirap ko. Magkakasama na tayo.

Kayo lang naman ang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay. Kung bakit may lakas pa ako para mabuhay.

"Tito, tita, hello po." - ???

Napaangat naman ang ulo ko dahil sa nagsalita.

"Lizzy?!" - gulat kong sabi.

"May kukwento po ako sa inyo tungkol sa bestfriend ko." - sabi nya.

Umupo sya sa tabi ko at inilagay ang bulaklak na dala nya. Napayuko lang ako.

"Miss na miss ko na po kasi sya. Ilang araw na po kasi syang umiiwas. Naiintindihan ko naman po ang dahilan nya at hindi rin ako naniniwala na wala na syang pakialam sa akin. Pero, gusto ko na po kasi talaga syang bumalik sa dati e. Tulungan nyo po ako, sabihin nyo po kay Lord 'yun, please?"

"Lizzy, ple---"

"At isa pa po! Sure po akong kikiligin kayo sa sasabihin ko hihihi!" - Lizzy.

Wait! Iyun ba 'yung---

"May first kiss na po sya~~~" - tili nya.

Tinakpan ko naman ang bibig nya.

"'Wag ka ngang maingay!" - bawal ko sa kanya.

Tinanggal nya lang 'yung kamay ko.

"May narinig po ba kayong nagsalita? Nakakatakot naman!" - sabi pa nya.

Binatukan ko nga.

"Aray! May multo bang nambabatok?!" - reklamo pa nya.

Tinignan ko naman sya.

"So, ayun nga po, tito at tita! Akala ko nga tomboy sya e, pero hindi pala! Mali ako~ Enebe! Nekekeleg ne nemen eke~ At ang wafu pa nung boyfriend nya!!!" - tuloy nya.

Tinignan ko naman sya ng masama.

"Hindi ko sya boyfriend!" - sabi ko.

Hindi nya ulit ako pinansin.

"May picture po ako, gusto nyong makita? Hehehe!"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya!

"Burahin mo 'yan!" - utos ko.

Hindi sya nakinig, iniharap pa nya ang cellphone nya sa puntod nila.

"Ang sweet po diba? Sana ako rin magkaroon!" - sabi pa nya.

"Tss." - nasabi ko lang.

Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad palayo.

"Tito! Tita!" - biglang sigaw ni Lizzy kaya napahinto ako.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon