Chapter 31

156 2 0
                                    

AERIS' POV

Umuwi ako sa bahay para matulog, para makabawi ng lakas. Nang makabawi ako, lumabas ulit ako.

Nagsuot lang ako ng plain black loose shirt, black maong pants at black rubber shoes. Nagtali rin ako ng buhok at nilagyan ng clip ang bangs ko para mahawi ito.

Nilagay ko ulit ang contact lense kong black pati eyeliner. Hinayaan ko lang ang maputla kong labi.

Lumabas na ako at naghanap ng pwedeng puntahan.

Pumara ako ng taxi.

"Manong, sa The Green Gate tayo." - sabi ko.

Agad naman na kaming nakarating doon.

The Green Gate. Para itong isang malawak na park. Marami kang magagawa rito. May mga establishments rin na nakatayo rito.

May mga coffee shops, sports gym, restaurants, mini malls, sight seeing, bars, street food stands, at marami pang iba.

Sa likod nito ang tinatawag na The Gangster Hall, kung saan nagaganap ang mga laban ng mga gang.

Pero wala akong ganang lumaban ngayon. Wala rin akong kasama kaya tinatamad ako.

Pumunta ako sa coffee shop.

"One order of vanilla dark coffee." - sabi ko.

Umupo ako sa gilid ng coffee shop habang naghihintay ng order.

"Here's your order, ma'am."

Nilapag nya na ang order sa table.

"Thank you." - sabi ko.

Lumabas na ako. Pumasok naman ako sa sports gym.

Maraming tao doon. May naglalaro ng basketball, volleyball at badminton. Mayroon ding nagbi-billiards at dart.

Pero lumapit ako sa may bowling center. Kung saan ito ang hilig ko. Madalang lang akong makapaglaro nito at hindi ko rin alam ang ibang mga tawag sa larong ito, iilan lang, pero ito ang gusto ko.

Nagbayad ako sa counter para makapaglaro.

"Isang set lang po." - sabi ko.

Nagpalit muna ako ng sapatos bago pumunta sa mismong laruan.

Ten ball pin ata ang tawag dito. Malalaki ang bola nito. Dalawang set ito at kada set, dalawang bola ang pwede mong itira.

Nagsimula na ako. Bumaba na ang mga pin. Kumuha na rin ako ng bola.

Bumuwelo na ako. Hingang malalim. Saka ko itinira iyon.

"Woah! Astig! Dre, daig ka nung chicks o, naka-strike!" - sabi nung isang lalaki.

(A/N: Strike po ang tawag kapag lahat ng pin ay napatumba.)

"Tss. Tyamba lang 'yan!" - rinig kong sabi nung isa pa.

Hindi ko na lang sila pinansin.

Nagbaba ulit ng pin. Pero bago pa ako makatira, may lumapit sakin.

"Mmm... you want a bet?" - tanong nya.

"Tss. Wala akong time." - sabi ko lang.

Narinig kong nag-chuckle sya.

"Ang sungit mo naman. Eto na lang, kapag nanalo ka, I'll treat you, kahit ano. But if ako naman ang nanalo, you have to come with me." - sabi nya.

"Tss. Don't fool me around, that's still a bet. Just leave, okay?!" - iritado kong sabi sa kanya.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon