AERIS' POV
Bumilis ang pagtibok ng puso ko nung makalabas ako. Unti-unti ring bumigat ang bawat pagbagsak ng hininga ko.
Bakit ako nagkakaganito? Noong una, naging ganito ang pakiramdam ko dahil sa pag-iyak ko. Sunod ay noong pagkatapos kong labanan ang Lucky 9.
Bakit? Dahil ba sa galit?
Oo galit ako. Sobrang galit ako. Buti nga at nakapagtimpi ako sa lalaking iyon. Dahil kung hindi, ngayon pa lang mismo ay pinaglalamayan na sya.
Pinilit kong maglakad ng maayos hanggang sa makasakay ako ng elevator.
Pagsakay ko, parang nanlambot ang mga tuhod ko kaya napasandal at napaupo ako.
"Miss, ayos ka lang?" - tanong nung kasabay ko.
Tumango lang ako habang naghahabol ng hininga.
Tumayo ako nang nasa ground floor na.
"Tulungan na kita." - alok nya.
Wala na akong nagawa dahil hindi ko talaga kaya.
"S-Sa labas na l-lang, magta-taxi ak-ko." - sabi ko.
Inalalayan nya ako papunta sa labas at sinamahan ako habang naghihintay ng taxi.
"Salamat. Pwede ka nang umalis." - nasabi ko lang.
"No, I'll stay. Umm... you look familiar." - sabi nya.
Hindi ko sya pinansin. Nakatingin lang ako sa daan.
"By the way, I'm Gio Marquez. You are?" - pakilala nya.
Hindi ko sya sinagot.
"Ano palang ginagawa mo rito? Related ka ba sa mga Medina?" - tanong nya.
Tinignan ko lang sya. Bakit ba ang dami nitong tanong?!
"You're a shy type, am I right? O, ayan na ang taxi. Tara na." - sabi nya.
Pinara nya ang taxi. Sumakay na ako. Isasara ko na sana ang pinto nang bigla syang sumakay.
"What the h*ll are you doing?" - tanong ko sa kanya.
Nagsimula nang paandarin ni manong ng taxi.
"Stop the car! Bababa ako." - utos ko sa driver.
"No, sige lang manong. Sa motel tayo." - sabi nya.
Nanlaki naman ang mata kong napatingin sa kanya.
"Are you insane?!" - tanong ko.
Ngumiti sya.
"Hindi ako tumatanggap ng thank you." - sabi nya lang.
Napangisi rin ako.
"Well, eto siguro matatanggap mo." - sabi ko.
Siniko ko ang tyan nya at sinakal sya.
"Aak! Aaa, t-tama na!" - pagmamakaawa nya.
"Sino ang nag-utos sayo nito?" - tanong ko.
"W-Wala... aaakk!"
"Sino?!" - sigaw ko.
"Wala nga---"
"Manong sa police station po tayo!" - sabi ko.
"W-Wait, sa-sasabih-hin ko na!" - sabi nya.
"Sabihin mo ngayon na." - utos ko sa kanya.
"Si-Si sir M-Miguel." - sabi nya.
Lumuwag ang pagkakasakal ko sa kanya.
"Manong ihinto mo ngayon na." - sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...