Chapter 9

250 3 2
                                    

AERIS' POV

"Lizzy! Nasan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito sa field!" - sigaw ko sa kanya sa phone.

Tss. Kahit kailan talaga 'yung babaeng 'yun. Sabi nya punta raw kaming field para manood ng nagpa-practice para sa intrams. Mauna na raw ako kasi may kukunin pa sya. At 'yung pagkuha nya inabot na ng almost 20 minutes!

("E, ano, wait lang!" - Lizzy sabay baba ng phone.)

Aysh! Bahala na nga!

Naglaro na lang ako sa cp ko habang naghihintay sa kanya.

"Bakit mag-isa ka lang?" - ???

Napatingin naman ako sa nagsalita. Okay, lalaki sya. Pero 'wag mong sabihing kaibigan na naman 'to ni Aeros? Aysh! Di ko naman sya pinansin.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko ulit pinansin.

May narinig akong tumawa.

"Super mario, huh?" - sabi nya.

Tss. E ano naman kung super mario 'yung nilalaro ko? E nag-eenjoy ako rito e!

Nagpatuloy lang ako sa paglalaro.

"By the way, I'm Ken. You're Aeris, right?" - sya.

This time, napatingin na ako sa kanya. Bakit kilala nya ako?

"O, don't get me wrong! Hindi ako stalker. You're famous here diba?" - Ken.

Napakunot naman 'yung noo ko.

"You're famous for being bullied haha!" - sya tapos tumawa.

Pero nung na-realized nyang hindi ako nag-react sa sinabi nya, bigla syang huminto.

"O, ehem! S-Sorry. I mean, you're famous kasi nabu-bully ka tapos bigla-bigla ay lumaban ka na at natalo mo pa sila haha. That's cool!" - sabi pa nya.

Tss. Ang tagal naman ni Lizzy!

"So, kaya ka pala tinawag na miss pipi, kasi hindi ka palasalita."

So, ikaw naman si mister daldal kasi kahit di kita kinakausap, salita ka ng salita. Aysh! Mababaliw ako rito, ang daldal ng lalaking 'to!

Tumayo ako. Maghahanap ako ng ibang pwesto.

Nung akmang maglalakad na ako, bigla syang may sinabi kaya napahinto ako.

"Tss. Haha! You're like him, Dave. Sinubukan kong makipag-kaibigan sa kanya noon, but like you, he just ignored me. Well, twins are twins, diba? But, this time, I won't give up on you!"

Narinig kong naglakad na sya palayo. So, naging konektado nga sya kay Aeros? Hay! Bakit kasi ang daldal nya? Diko kasi feel 'yung mga sinasabi nya. I mean, parang he's doing that on purpose. Parang may iba syang plano sa paglapit nya sakin.

He got hurt dahil kay Aeros. So, baka ako ang gamitin nya para makaganti. 'Yan lang 'yung naiisip ko kung bakit nya ako in-approached.

"Ae! Sino 'yung kausap mo?"

Bigla namang sumulpot sa likod ko si Lizzy. At hindi lang sya, kasama nya 'yung apat. So, sila pala 'yung kinuha nya? Tss. -,-

Tinignan ko 'yung apat. Lahat sila nakatingin sakin ng seryoso. Ow-kay, bakit ganyan kayo tumingin?

"Hindi ko kilala. Gaya nyo, bigla lang syang sumulpot." - sabi ko lang.

"Sa susunod, 'wag mong kakausapin ang hindi mo kilala." - labanos.

Dahil hindi ako ganoon kagaling sa pagtanda ng pangalan, binigyan ko na lang sila ng nicknames. Sya 'yung matangkad na maputi.

"Hindi ko naman sya kinausap." - sabi ko.

"Aysh! Kahit na. Sana umalis ka agad!" - poste.

'Yung isang matangkad na payat.

Ano bang problema nila? Bakit parang sobrang apektado sila na may kumausap sakin?

"S-Sabi nya nakipag-kaibigan sya kay Aeros---" - putol kong sabi.

"Just ignore him!" - matigas na sabi ni Jiro a.k.a sungit kaya napahinto ako.

Napalunok lang ako. Okay, ganto pala ang awra nila kapag seryoso, nakakatakot.

"Hehehe! Tama na 'yan! Ang bigat na ng atmosphere! Tara na mag-practice na tayo!" - bulinggit.

Hindi naman tuminag 'yung tatlo.

"Okay, ano bang problema nyo? Ano bang masama kung kinausap ako nung tao? At 'wag din kayong mag-alala kasi wala akong balak na kausapin sya. Tss. Daig nyo pa si Aeros. Kung nandito 'yun siguradong hindi ako nun papakialaman." - sabi ko.

"Wala kang alam." - mahinahong sabi ni labanos.

"Oo nga, wala nga akong alam. At hindi rin ako interesado!" - matigas kong sabi.

Tumayo na ako at naglakad palayo.

"Aeris, sandali!" - bulinggit.

Hindi ko sya pinansin.

"F*ck!"

Hindi ko alam kung sino 'yung nagsabi nun. Wala rin akong pakialam.

"AJ!" - sigaw ni Lizzy.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Ano ba kasing problema nila? Ayoko sa lahat 'yung dinidiktahan ako sa dapat kong gawin. Bumabalik kasi sakin 'yung alaalang pinakaayaw ko nang balikan.

-----

LIZZY's POV

Tss. Anong gagawin ko? Hindi ko na-remind sila Jiro about kay Aeris na pinakaayaw nya sa lahat 'yung may nagdidikta sa kanya. Alam kong kaya nandito sila ay para protektahan si Aeris. Alam ko ring 'yung lalaking kausap nya kanina 'yung isa sa dahilan kung bakit sila nandito.

At si Aeris pa, sobrang tigas ng ulo nun. Hindi 'yun makikinig hanggang dika gumagawa ng paraan para makinig sya.

"Ano bang nangyari sa kanya?" - Tyrone.

"Guys, hindi ko pala nasabi sa inyo 'yung tungkol sa kanya." - sabi ko.

"Anong tungkol sa kanya?" - Francis.

"Alam nyo naman siguro 'yung dahilan kaya sinikreto namin 'yung pagkakaibigan namin diba? Kasi kapag may nangyaring masama sakin, wala syang ibang sisisihin kundi ang sarili nya." - ako.

"Oo. Parehong-pareho sila ni Dave." - Dylan.

"At saka, ano, hindi ko alam kung ako ba dapat ang magsabi nito e." - ako.

"Ano ba 'yun?" - Tyrone.

Hay! Sasabihin ko ba sa kanila? Tss. Sige na nga, para alam na rin nila kung paano pakitunguhan si Aeris.

"Sige, pero please lang, 'wag nyong sabihing sinabi ko sa inyo ito." - ako.

Tumango lang sila. Habang si Jiro, nakapikit habang naka-earphone. Tss. Kahit kailan talaga!

"Alam nyo naman na wala na ang parents nung kambal diba?..." - simula ko.

Tumango sila.

"... Sinisisi nya ang sarili nya kung bakit nangyari 'yun." - ako.

"Bakit naman?" - Francis.

Napansin ko si Jiro. Bigla syang nagmulat ng mata.

"'Yung mga pumatay sa kanila, walang nagawa si Aeris kundi sundin sila dahil kapag tumanggi sya, papatayin daw nila ang mama at papa nila, pati si Aeros. Pero hindi tinupad nung mga walang hiyang 'yun ang usapan nila. Pinatay pa rin nila sina tito't tita. Si Aeros lang ang binuhay nila. Mula noon, naging tahimik na si Aeris. Si Aeros, nasali sa mga away, hanggang sa maging gang leader na sya." - kwento ko.

Tahimik lang silang apat.

"Naalala ko 'yung sinabi ni Dave kay Ken noong nakalaban namin sila. Sabi nya, 'Nagsisimula pa lang ako. Kulang pa 'yan sa mga nagawa nyo.' Hindi ako sigurado, pero pakiramdam ko may kinalaman ang pamilya ni Ken sa nangyari sa parents nila." - Francis.

Napatahimik na lang ako. Ang gulo, sobrang gulo na. 'Yung akala kong tahimik lang na buhay ni Aeris, bigla-biglang magiging ganito. Kaya pala sila ganoon kay Ken. Kailangan naming ma-protektahan si Aeris. Kahit alam kong wala akong kakayahan, gagawin ko ang lahat, malayo lang sa gulo ang besttfriend ko.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon