Chapter 23

168 3 6
                                    

LIZZY's POV

Almost 1 week na nung turuan ako nina Jiro na makipaglaban. 5 days na ring nandito sa Pinas si Aeros. Hindi pa alam ni Aeris iyon. At oo, pati sya tinuturuan ako. Syempre nekekeleg eke! Enebe!

"Lizzy, nagkausap na ba kayo ni Aeris?" - tanong sakin ni fafa Aeros.

"Hindi nga e, feeling ko iniiwasan nya ako." - sagot ko naman.

"Tss. Umiral na naman ang pagka-selfish nya, ayaw nyang mapahamak ka nang dahil sa kanya." - Dylan.

"Parang 'yung isa lang dyan." - Tyrone na ngu-nguso-nguso pa kay fafa Aeros.

"Tsk. G*go!" - fafa Aeros.

Natawa na lang kami sa kanya.

"O, tahimik ka na naman dyan. Don't worry, makikita mo na sya mamaya!" - Francis na tinapik pa ang balikat ni Jiro.

"G*go!" - nasabi lang ni Jiro.

"Ang in denial king natin, ano nga bang aasahan mo dyan?!" - fafa Aeros.

"Basta, Lizzy, a? 'Yung plano, abangan mo si Jiro sa kotse. Kapag nakita mong papalapit na sya, buksan mo agad ang pinto. Kami na ang bahala kila Ken." - fafa Aeros.

Waaa~ hindi ako agad makapag-react! Pano ba naman kasi, bigla nyang hinawakan 'yung balikat ko!!! Enebe! 'Wag kang ganyan, fafa Aeros!!!

"Sus! Para-paraan si master! Hahaha!" - tukso nung tatlo.

Feeling ko namula naman ako doon!

Ayun! Nagkulitan lang sila habang hinihintay 'yung oras ng laban.

Hay! Kinakabahan ako. Kahit hindi pa ako lalaban, kinakabahan pa rin ako. Sana magawa namin ang plano. Please, Ae, maki-cooperate ka sana.

-----

AERIS' POV

Kinakabahan ako. Ngayon na kasi 'yung laban ng Dark Demon's Blood at Underworld Devil Gang. Ibig sabihin, makakaharap ko ulit sila, siya.

Tapos si Lizzy hindi ko pa nakakausap. Para kasing iniiwasan nya ako e. Aysh! Ewan ko ba dun.

Naghahanda na ako. Nagsuot ako ng black sleeveless polo, black leggings, at black pointed heels. Tinali ko rin ang buhok ko at hinayaan lang ang bangs ko. Naglagay din ako ng black eyeliner, black contact lense, at black lipstick. Sinuot ko ang hikaw ko na may letter 'M'. Nilagay ko rin ang iba ko pang piercing sa tenga. Nagsuot din ako ng black leather jacket...

I want everything to be black.

-----

"Are you ready?" - tanong sakin ni Ken.

Tumango lang ako.

Nakasakay ako sa kotse nya. Sya ang nagda-drive.

"We're here!" - sabi nya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinuot ang black face mask ko. Eto na! Maghaharap na ulit kami. Pero hindi gaya ng dati, magkalaban na kami.

Hindi ko namalayan na nakababa na pala si Ken at nabukas na rin nya ang pintuan ng kotse sa side ko.

Bumaba na ako.

"Thanks." - sabi ko lang.

Naglakad na ako.

"Wow! Monster, ikaw ba 'yan?" - Fade.

"Sh*t! Ang hot mo naman!" - Gray.

"Ibang klase ka talaga, M!" - L.

"Don't look at her." - malamig na sabi ni Ken.

"Hahaha! Si boss o, masyadong possessive. Hahaha." - Ted.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon