Chapter 34

136 3 0
                                    

AERIS' POV

Natapos na ang laban. Gaya nga ng inaasahan, DDBG ang nanalo. Kung pinilit ko pang ako ang lumaban, baka nga hindi na ako abutin ng umaga.

Ang dami ng nasa loob. At hindi lang pisikal na lakas ang gamit nila, may mga bakal, kahoy, at iba pang pwedeng gamitin ang ipinanlalaban nila. Buti na lang at nakinig ako kay Jiro.

"Tsk! 'Yung bwisit na 'yun!" - nasabi ko na lang.

Naalala ko na naman 'yung kanina. Humanda talaga sya kapag nakita ko sya! 'Wag lang syang magpapakita sakin!

Nakita ko nang pinalabas nila si Lizzy. Pagkalabas nya, umalis na rin ako.

Ayos na saking makita ko syang ligtas. Ayoko na ring lumapit sa kanila. Baka mamaya hindi ko matantya ang isa nilang kasama.

"Monster!"

Napahinto naman ako dahil sa tumawag sakin. Pero hindi ko sya nilingon.

Narinig kong may patakbong lumapit sakin.

"Hi, ako nga pala si Alas, leader ng Wolf Superior Gang." - pakilala nya pagdating nya.

Naglahad pa sya ng kamay. Tinitigan ko lang iyon.

Tumingin ako sa kanya. May hitsura sya. Pero wala akong pakialam.

Napakamot sya ng ulo nya at binawi na nya ang kamay nya.

"O. By the way, ang galing mo kanina. Kahit natalo ka, you're still amazing! Ngayon lang ako nakakita ng babaeng gangster." - sabi pa nya habang nakangiti ng malapad.

Tumango lang ako at naglakad na paalis.

Sinundan nya ako.

"Ummm... gusto mo bang lumipat sa gang namin?" - alok nya.

Hindi ko sya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Mas marami kang magagawa doon, at hindi namin hinahayaan ang miyembro namin na lumaban ng mag-isa." - dugtong pa nya.

Nilingon ko sya.

"Wala akong balak lumipat ng gang." - walang gana kong sabi sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Sumunod ulit sya.

"Pero hindi naman siguro masama kung magkagusto ako sayo diba?" - sabi nya.

Napahinto ako at tinignan sya ng masama.

"Pwede ba?! Tigilan mo ako!" - inis kong sabi sa kanya.

Bahagya lang syang ngumiti.

"Bakit? Bawal na ba? Si Raven nga hindi napigilan ang sarili nya kanina, ako pa kaya?" - sabi nya habang nakangiti ng nakakaloko.

Bigla rin syang lumapit sakin.

Napangiti ako ng sarkastiko.

"Ayoko sa lahat, 'yun---" - putol kong sabi.

Bigla kasing may umakbay sakin.

"May problema ba dito?" - tanong nung lalaking umakbay sakin.

Nilingon ko naman sya.

"Ken?" - sabi ko.

Ngumiti lang sya pero hindi sya tumingin sakin.

"O, End, bakit ngayon ka lang? Bakit hinayaan nyong lumaban ng mag-isa 'tong si Monster kanina? Ganyan ba kayo ka-walang kwenta?!" - Alas.

"Hindi kasi namin alam na pumunta sya rito. Mmm... alam nyo, daig pa kayo ni Monster." - Ken.

Napakunot naman ang noo nung Alas.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon