AERIS' POV
"Grabe, girl! Ang astig mo talaga! Akalain mo 'yun? Napatumba mo 'yung lalaki kahapon? Pak! Pak! Pak!" - Lizzy habang dine-demo pa 'yung pagsuntok nya.
Natawa naman ako sa kanya.
"Hahaha! Ikaw talaga. 'Wag ka nang maingay dyan, baka mamaya may makarinig pa sayo, lalo na 'yung apat." - sabi ko naman.
Napatahimik naman sya.
"Ay! Oo nga pala. Hmmm. Pero, tingin mo ba hindi ka nila nakilala?" - bigla naman nyang tanong.
Napaisip naman ako. Hindi nga ba nila ako nakilala?
"Hindi naman siguro. Tumingin lang sakin si Jiro pero maya-maya lang din ay bumaling ulit sa kalaban nya, which is si Ken, na posibleng related sa taong pumatay kila mama." - sabi ko.
Natahimik na lang sya habang tinatapik ang likod ko.
-----
LIZZY's POV
Papunta akong canteen para bumili ng pagkain namin ni Aeris. Nakita ko sila Kim, nakaupo sa isa sa mga table doon. Hindi ko sila pinansin. Dinaanan ko lang sila at dumiretso na sa counter.
"O, Lizzy, mag-isa ka yata ngayon? Nasan na ang bestfriend mong lagi kang pinagtatanggol?" - Isabela.
Humarang sila sa daanan ko.
"A, 'yung bestfriend kong gumupit sa buhok ni Kim? 'Yung bestfriend kong kayang-kaya kayong kalbuhin sa isang gupit lang? Gusto nyong tawagan ko sya?" - sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko.
Bigla naman silang nataranta at napatingin sa isa't isa kaya medyo natawa ako hahaha.
Umabante ng konti si Kim.
"Matapang ka lang dahil may nagtatanggol sayo. Pero ngayon wala sya." - Kim habang nakangisi.
Ngumisi rin ako.
"Parang ikaw, matapang ka lang dahil sa tita mo. Pero wala rin sya ngayon." - sarcastic kong sabi sa kanya.
Ayun! Bingo! Nagsalubong na ang dalawa nyang drawing na kilay!
"Ano? Bakit galit ka agad? Kasi totoo?" - pang-asar ko pa sa kanya hahaha.
"Bwisit ka!" - sigaw nya.
Akmang susugurin na nya ako nang may biglang umakbay sa balikat ko.
Nung tumingin ako sa kanya...
"Francis?" - ako.
"Hi, Lizzy!/Hello, Lizzy!" - Dylan/Tyrone.
Nakita ko 'yung reaksyon nila Kim. Ayun, mukhang naiinggit hahaha.
"Anong ginagawa nyo rito?" - tanong ko sa kanila.
"Para kasing may naaamoy kaming gulo e." - Tyrone.
"Oo nga, meron ba?" - Francis.
"Mmm... meron nga ba? Bakit di sila 'yung tanungin nyo?" - turo ko kila Kim.
Nagulat naman sila dahil siguro sa ginawa ko. Ayaw pa ba nila nito? Makakausap nila 'tong mga gwapong nilalang na 'to? Ooopss! Sarre, Aeros my loves!!! Ikaw pa rin ang pinaka-wafu, pramis!!!
"A... W-Wala, sige alis na kami." - Kim sabay hila sa mga alagad nya paalis.
Natawa tuloy ako hahaha.
"Tss. Ang hard mo sa kanila, Lizzy hahaha!" - Dylan.
"Hahaha! Dapat lang, kulang pa nga 'yun sa ginawa nila kay Aeris e." - sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Monster
ActionShe's tough. She receives all the bully acts of her schoolmates towards her. But her monster side would be seen the time the people around her get hurt, because she thinks that if that happens, there would be no one to blame but her. She'll do every...