Chapter 21

179 3 4
                                    

AERIS' POV

Mabuti na lang at effective 'yung gamot na binigay sakin ni Lizzy. Konti na lang kasi 'yung bakas ng mga sugat ko at pwede nang matakpan ng concealer.

Naglalakad na ako papunta sa classroom kaso napahinto ako nang makita ko si Jiro. Nakatingin lang sya sakin.

Tss. Ano na naman bang problema nya?

Lumiko ako sa kaliwa para iwasan sya. Ilang steps pa lang ang nagagawa ko nang biglang may humarang sa daanan ko.

Hindi ko tinignan kung sino ang humarang. Lumiko ako sa kaliwa para bigyan sya ng daan kaso ganoon din ang ginawa nya. Inulit ko iyon sa kanan kaso sinundan nya ulit ako.

Inangat ko ang ulo ko para makita sya. Hindi nga ako nagkamali.

"Tss. Ano bang problema mo?!" - inis kong tanong sa kanya.

"Bakit ka umiiwas?" - tanong nya.

Hindi ko sya sinagot. Inis na tumingin lang ako sa kanang gilid ko.

"Answer me!" - may awtoridad na sabi nya.

Tumingala ako sa kanya para mas makita ko sya ng maayos at tinignan ng mata sa mata.

"Ano na naman bang gusto mo?!" - inis na tanong ko sa kanya.

Nakakunot lang ang noo nya sakin.

"Tss." - ako.

Binangga ko lang sya at naglakad na kaso pinigilan nya ako sa braso.

"Aa!" - ngiwi ko.

Agad naman syang napabitaw. Sh*t! 'Yung may sugat ang nahawakan nya!

Itataas nya sana ang sleeve ng blouse ko kaso agad ko syang napigilan.

"'Wag mo akong hawakan." - sabi ko.

"Where did you get your bruise?" - biglang tanong nya.

Nagulat naman ako kaya napatingin ako sa kanya.

Hinawakan nya ang baba ko at itinaas iyon. Tapos ay hinawakan nya ang leeg ko. Agad ko namang inalis ang kamay nya.

"I'm asking you!" - Jiro.

"Tss. Wala kang pakialam!" - ako.

Tumalikod na ako.

"Umayos ka nga!" - sigaw nya.

Nagulat ako dahil sumigaw sya. Nakaramdam din ako ng takot.

Napapikit na lang ako tapos humarap ulit sa kanya.

"Okay, ano ba talagang gusto mo? Ni-reject mo ako na maging part ng gang nyo diba? Bakit mo pa ako kinakausap? At ano sa tingin mo ang gagawin ko? I have my own mind, my own decision! Pwede ba 'wag mo na akong pakialaman!" - sabi ko.

"So, you mean naghanap ka ng ibang papayag na maging gangster ka?" - Jiro.

Omo! Bakit ganun sya mag-isip? Bakit agad nyang na-gets ang sinabi ko? Aysh! Bakit ba ang hina mo pagdating sa mga dahilan, Aeris?!

"Wala akong sinabing ganyan." - nakayuko kong sabi.

Tumawa naman sya ng mahina. Maya-maya, sumeryoso ulit ang mukha nya.

"Wala kang sinabi, but your reactions speak for it. Madali kang basahin, Aeris." - sabi nya.

Napalunok ako at napahinga ng malalim.

"Yes, sumali ako sa ibang gang. Happy now?!" - sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Kila Ken ba?" - tanong nya.

That Girl Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon