CHAPTER 1 MIEL'S POV

289 15 8
                                    

"Miel, gising na!! Mall tayo!!" paggising sakin ng isang babae.

May naramdaman pa akong tumabi sakin at siniko pa ako sa likod.

Inimulat ko dahan dahan ang aking mga mata at hindi nga ako nagkamali. Si Bea nga ang nagsalita at si Dane naman ang tumabi sa akin.

-.-

Last two days na lang ang summer kaya ganon na lang makapagyaya ang dalawa. Incoming fourth year high school na kami kaya linulubos na nila ang bakasyon.

"Kumaen na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang kinukusot pa ang aking mga mata.

Nagkatinginan ang dalawa at sumagot. "Hindi pa!!"

^_^

"Tara, papalutuan ko kayo ng food kay yaya habang nagaayos ako." Bumaba kami at nagpaluto naman ako ng breakfast kay yaya Faye.

Si yaya Faye ay ang yaya ko simula nung ipinanganak ako hanggang ngayong 17 na ko. Mabaet siya at mapagkakatiwalaan. Kaya alam niya ang mga nangyayari sa buhay ko.

Habang kumakakaen ang dalawa, naligo na ako at nag-ayos. Pagbaba ko ay saktong tapos na rin sina Bea at Dane.

Nagpaalam lang ako kay mommy at saka kami umalis. Kilala niya ang mga friends ko kaya madali akong payagan nito.

Gumala kami, naglaro sa gamezone, at naglunch na rin kaagad. Wala pa ring humpay ang kwentuhan ng dalawa.

-.-

Sanay na silang wala akong imik kaya hinahayaan na lang nila ako makinig at makitawa sa kanila.

Matapos ay nagyaya na sila lumabas ng restaurant. Kinuha na namin ang bill at nang ilalagay ko na ang pambayad ay biglang nagsalita si Dane. "Oi. Kaloka to. Hati hati tayo sa bayad!! Hahaha." Sabi neto nang nakangiti.

"Yaan mo na. Minsan lang ako manlibre. Hindi na to mauulit." sabi ko nang nakangisi.

"Ganon? Lagiin mo na para masaya naman ang mga alaga namin sa tyan. Haha. Ayos to Dane!" sabi ni Bea saka nag-apir ang dalawa.

^_^

--,

Tss. Abusado kayo a. Pasalamat kayo kaibigan ko kayo. --,

"Saan na tayo?" tanong ko sa kanila habang tumitingin sila sa paligid.

"Manood na lang tayo ng movie!!" malakas na sambit ni Bea.

"Wala naman magandang palabas ngayon e. Kaloka." si Dane.

"Tara sa bahay. Doon na lang tayo manood ng movie." pagyayaya ko sa dalawa dahil naalala ko ang movie na napanood ko noong isang gabi.

Umuwi na kami at dumerecho sa home theater ng bahay. Hindi naman eto ang unang pagkakataon na nakapasok sila dito kaya hindi na sila nagulat.

May 70 inches flat screen TV sa loob nito. Sa likuran naman ay may sofa para sa may gusto ng malambot na mauupuan. Maaaring humiga dito dahil carpeted at may mangilan ngilang unan ang nakalagay sa lapag.

Inabutan kami ni yaya Faye ng kumot dahil malamig sa loob lalo na kapag tumagal. Nginitian ko siya bilang pagpapasalamat at naintindihan niya na ang ibigsabihin nun.

Nang komportable na sila sa kanya kanyang pwesto ay sinimulan ko nang iplay ang movie. Wala silang idea kung ano yung movie.

"Ano ba yaaaan Miel!! Bakit iba ang salita?" tanong ni Bea na may pagtataka sa kanyang mukha. "Palitan mo na lang yang movie!!"

"Manood ka. Maganda yan. May subtitle naman e." nakangising pagtanggi ko kay Bea.

"Shhh. Ang ingay niyo! Haha. Kaloka kayo!" pagpapatahimik ni Dane. Mahilig kasi siya sa mga Asian Movies kaya ayaw magpaistorbo.

Ngumuso na lang si Bea at nanood na lang din.

Sus. Kunyari pang ayaw ni Bea. E simula pa lang tawa na ng tawa. --,

Ang palabas ay tungkol sa isang high school student. Matapos makipagbreak ng boyfriend niya bago ang 100th day anniversary nila ay nakilala niya si Hyung-Joon na isang college student. Aksidenteng tumama ang lata ng softdrinks na sinipa niya sa mukha ni Hyun-Joon at bumangga sa pader ang minamanehong Lexus neto. Humihingi si Hyung-Joon ng $3000 pero tumakas si Ha-Young at naiwan ang wallet nito.

Hyung-Joon stalked her at nagdemand ng pera upang mapagawa ang sasakyan neto. Dahil mahirap lang si Ha-Young, nagsulat si lalaki ng agreement. Isang "Enslavement Agreement" upang makabayad si babae.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Ha-Young na $10 lang pala ang pagpapagawa ng sasakyan. Tinakbuhan niya si Hyung-Joon.

Nakakuha si babae ng mababang grades sa school kaya naman nakaisip na naman ng paraan si Hyung-Joon para makalapit ulit kay Ha-Young. Nagpanggap ito na isang tutor.

Nung magsummer ay umalis sila para magbakasyon at mas lalo silang naging close sa isa't isa. Ilang araw pa lang nang makauwi sila, may nabasa si lalaki na "Show your love to her with 100 day couple ring." Kinabukasan, nagcelebrate sila ng 100 days slave emancipation.

Mahaba pa yan. Panoorin niyo na lang kung gusto niyo malaman ang ending. Maganda yan, pramis!! --,

(100 Days With Mr. Arrogant)

Mga 6PM na natapos ang movie. Si Bea ay kinikilig samantalang si Dane naman ay umiiyak na.

Maya maya, nagdinner na kami kasama si mommy at yaya.

"Kamusta naman ang araw niyo, mga hija?" tanong ni mommy sa amin.

"Masaya tita! Nagenjoy po talaga kami." sabi ni Bea habang nakangiting nakatingin kay mommy.

"Hahaha. Kaloka. Ang dami po namin napuntahan. Pagod pero gusto talaga namin sulitin yung araw. Magpapasukan na din po kasi." singit naman Dane.

"That's right girls. Sulitin niyo lang yan habang may oras pa." ngumiti si mommy na parang nagenjoy sa pakikinig ng kwento nila.

"Magbabar kami mom ha." sabi ko na wala na naman reaksyon ang mukha.

"May magagawa pa ba ako? Haha." sagot ni mommy.

Nagapir na naman ang dalawa at "ang cool mo po talaga tita!!" pasigaw na sambit nila.

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain at nang matapos ay umuwi na muna ang dalawa para magayos ng sarili.


How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon