Hello! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo! Ako po si Alex Seth Castro. Fourth year high school sa SGIS.
Meron akong isang kapatid na lalaki, si Axel Roi Castro. Mas matanda siya ng isang taon sa akin kaya naman first year college na siya sa isa sa malalaki at kilalang university. He's taking up Legal Management and planning to study Law. Lawyers din ang parents namin kaya ang tingin niya ay obligado din siyang magLaw. May pagkastrict ang mga magulang namin kaya naman nakasanayan ko nang manahimik. Ngayon, nasa ibang bansa sila kaya naman naiwan kami ni kuya Roi dito sa Pilipinas.
Nagsimula na ang klase at sa hindi inaasahang pangyayari, kaklase namin ang tatlong magagandang babaeng nakilala namin. Simula nang magpasukan, lage na kami nagkakausap ni Dane sa facebook. Hindi daw siya laging nago-on line pero nacucurious daw siya kung bakit ganon na lang ang pagiging interesado ko kay Miel.
Sabado na ng hapon nang mabore ako sa bahay. Naisipan kong yayain si Dane sa mall.
-facebook chat-
Me: Dane, trip mo gumala?
Dane: Date ang peg? Haha. Kaloka.
Me: Friendly date. Haha.
Dane: Okay. Treat mo ha?
Me: Bakit ako?
Dane: Duh!
Me: Kidding, Dane. My treat, of course. See you sa gate ng village niyo. I'll text you kapag malapit na ko.
Dane: Okay. See you!
Isinara ko ang laptop. Humiga pa saglit at napangisi. After 5 minutes, naligo na ako, nagbihis, at umalis na ng bahay.
3 PM na at tulad ng sinabi ko kay Dane sa facebook, tinext ko siya nung malapit na ako.
Agad ko siyang nakita nang makarating ako sa tapat ng village niya. Ang ganda niya. Nakaclip ang magkabilang buhok niya at wala siyang make up kaya kitang kita ang natural niyang mukha.
Lumabas ako ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. Pagkapasok niya, isinara ko ang pinto at naupo na rin sa driver's seat. Nagdrive ako papunta sa Mall.
Nasa loob na kami ng mall pero di namin alam ang gagawin. "Tara, movie tayo." pagyaya ko kay Dane.
"Okay. May maganda daw na movie ngayon e." Ngumit siya ng napakalaki kaya naman lumiit lalo ang maliit niya nang mga mata.
Bumili kami ng ticket ng sinasabi niyang movie na magsisimula ng 4 PM. Mayroon pa kaming 30 minutes para bumili ng food.
Nanood kami ng horror movie. Natatawa na lang ako kapag tumitili siya tuwing magugulat. Kapag napapalakas ang tawa ko dahil sa kaniya, hampas sa braso ang abot ko. Pakiramdam ko nga ay namumula na ito.
Matapos ang movie ay lumabas na kami sa sinehan nang biglang... "Alex! Dane!" rinig ko mula sa malayo. Lumingon ako sa likuran at nakita si Travis at Miel. Lumapit sila sa amin.
"Kayo ha. Bakit nandito kayo? Bakit kayong dalawa lang?" Ngumisi si Travis. "Nagdedate kayo no?"
"Friendly date, Travis." Ani ko at tumingin naman siya ng makahulugan sa akin. "Tara, dinner tayo. 6:30 pa lang naman e."
Pumunta kami sa isang restaurant. Madami dami pang tao pero nakaupo naman kami agad. Umorder kami ng food at pagdating ng mga ito ay agad kaming kumaen. Hinintay namin ang closing bago magpunta sa car park. Wala na masyadong tao at sa hindi inaasahang pangyayari, may humarang sa aming tatlong lalaki, malalaki ang kanilang katawan at parang hindi gagawa ng mabuti. Pinalibutan kami ng mga ito. Itinago ni Travis si Miel sa likod niya at agad kong itinabi si Dane kay Miel.