Tinignan ko kung sino ang nagtext.
--Dane--
Mag-ayos ka. Punta tayo sa restaurant sa tapat ng village. Bilisan mo, papunta na kami ni Bea jan.
Nagpalit lang ako ng shorts, medyo maiksi pero keri lang. Hindi naman masyado revealing. Nagshirt lang ako and converse na parehong black.
Nagtoothbrush at naghilamos ako saka lumabas ng gate.
"Anong meron?" tanong ko habang naglalakad palabas ng village. Nagkibit balikat lang si Bea at halatang hindi din alam ang nangyayari.
Nang makarating kami sa restau, may sinisilip silip si Dane sa loob. Nahagip ng mata ko ang nakakabuset na lalaking yun.
Lumapit si Jason sa amin. Lalabas na sana ako kaso hinawakan ako ni Jason sa braso. Tinignan ko lang ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Tinanggal niya yun at nagsalita. "Teka lang. May sasabihin sayo si Travis."
Tinanguan ko lang siya. Sumunod ako sa table nila na nakakunot noo.
Nahuli na naman akong umupo kaya no choice akong umupo sa tabi ng lalaking to. Umorder ang boys ng dinner at inorderan naman nila kami ng desserts. Natapos na kaming kumaen ngunit nanatili akong tahimik habang nagkekwentuhan ang apat. Wala ring imik si Travis.
"Uuwi na ko." walang reaksyon sa mukha ko. Hindi sa hindi ako naiinis, nabobore lang ako. Nagtinginan sila sa akin. Tatayo na sana ako nang biglang hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ang aking pagtayo.
"Wag ka muna umalis. Dito ka na muna." malungkot na sagot niya at saka inalis ang kamay niya.
Nagtinginan ang apat, yung makahulugan, yung nang-aasar. Tumahimik na lang ulit ako.
"Tara sa washroom Dane!" yaya ni Bea. Tumayo sila ngunit pinandilatan nila ng mata yung dalawang lalaki bago pa sila maglakad palayo.
"Yosi lang kami sandali ni Alex sa labas." ngingisi ngising sabi ni Jason. Tumayo na rin silang dalawa at lumabas ng restaurant.
"Tch. As if naman nagyoyosi sila." bulong ni Travis sa sarili.
"Ano na?" nabobore talaga ako kaya ayoko na patagalin ang usapan. Isa pa, patulog na ako nung nagtext si Dane kaya naman inaantok na ako.
Tch. Set up.
"Gusto ko lang magsorry sa nagawa ko kagabi. Kahit ako, nagulat sa g-ginawa k-ko." pahina na pahina niyang sinabi. Napansin ko pa ang pamumula ng pisngi niya.
"Okay." maikling sagot ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Inisip ko na lang na marahil nagawa niya yun dahil sa tama ng ininom namin.
"We're cool?" tumungin siya ng deretcho sa akin na parang sinasabi niyang wag na ako magalit.
Tch. Puppy eyes. Puppy eyes. Walang effect sa akin yan, tol.
"Mm. Nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa." naghalf smile ako sa kaniya at saka siya ngumiti na abot tenga.
"M-miel...P-p-paano kung s-sabihin k-kong..." hindi niya naituloy ang nasabi niya dahil bumalik na sila Dane at Bea. Napahilamos si Travis sa kanyang mukha.
Ano na naman kaya yon. -.-
"Puntahan ko lang yung dalawa sa labas. Baka kinain na ng lupa." sabi ni Dane at umupo na si Bea sa tapat ko.