CHAPTER 12 TRAV'S POV

128 8 2
                                    

"... arrange your sitting arrangements into alphabetical order." sabi ni Ms. Cabral na nakangiti.

Madami kaming nagreklamo. Malamang, wala na namang paki ang tatlong newly found friends namin samantalang we were wishing na by friends, tropa, barkada, at kung ano ano pa.

"We will have this sitting arrangement only for the first quarter, dont worry." sabay ngiti. Ang ganda ng ngiti niya. Yung kahit pangit ang araw mo, mapapangiti ka din. Maamo kasi ang mukha ng teacher namin.

O, wag malisyoso...Miel pa din ako. Hahaha!

Pinatayo kami lahat at sunod sunod tinawag ang aming last name. "Alcanta... Brion... Cali... Castro... Corpuz... Dela Cruz..." umupo na si Alex, ang isa naming kaklaseng babae, at sumunod naman si Jay.

"OMG! Ang swerte ni Rina!!!Napagigitnaan ng mga fafabols!" sabi ng kaklase namin.

"Buti pa siya. Nakakainggit naman." Malungkot na pagkakasabi nito.

"De Leon... Estacio... Eugenio... Francisco... then Franco..." Napalingon ako kay Jay na nakangisi ngayon.

Iba na to a. Tsk... Tsk... Tsk...

Napatingin naman ako kay Bea. Ayun, nagulat aaaat namumula ang mukha.

Hmmm. I smell something here. Hahaha.

Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat ni Jay at minasahe masahe pa. Napatawa siya saka ako pumunta sa kabilang row ng mga upuan at umupo.

Laking gulat ko nang tumabi sa kaliwa ko si Miel na nakakunot noo. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti ng pagkalaki laki. Lalo siya sumimangot at nagbelat pa.

Bakit ba ang ganda mo kahit mukha nang tanga yan mukha mo. ^_^ Gusto ko tuloy pisilin ang pisngi mo! Nakakagigiiiil!

"Ikaw yung Francisco?" tanong ko sa kaniya nang may napakalaking ngiti.

Tumango lang siya sabay harap sa blackbloard.

"Garciya... Gil... and Hernandez..."

Umupo ang tatlo. Sa likod ni Alex ay si Dane. Ngumiti sila Jay, Bea, at Alex sa kaniya.

"Laurel... Mauricio... Morse... Ramos... Sta. Ana... Vallerio..."

Nang makaupo na lahat, nagbigay na lang ng reminders si Ms. Cabral at saka nagdismiss ng class.

Sa susunod na klase ay ganyan din halos ang nangyari. Hindi na nagarrange ng sitting arrangements kaya naman umalis agad ang teacher namin.

Recess na. 30 minutes lang dapat ito pero dahil maaga nga nagpalabas yung teacher namin sa susunod na subject, 45 minutes ang break namin. Naglakad na ang mga girls papunta sa likod ng Annex 2 at sumunod lang kaming mga boys. Humiga si Miel sa simento at umupo naman sina Bea at Dane sa may puno.

"Bumili na kayo. Dito na muna ako." Nakapikit si Miel habang nagsasalita. Nakaharang ang kamay niya sa mga mata niya.

Napaawang ang bibig ko. Seryoso ba siyang dito sila kakain? Walang chairs. Walang tables. Walang anything kundi puno.

"Sasamahan ko na muna si Miel dito." sabi ko at tumingin naman sila ng makahulugan. Naglakad na ang apat papunta sa canteen.

"Seryoso bang dito kayo kakaen?" nahihiyang tanong ko kay Miel. Tumango lang siya habang nakapikit pa din. "Bakit dito? Wala man lang upuan at lamesa."

"Kung ayaw mong kumaen dito, pwede namang sa canteen ka na lang." malamyang sagot ni Miel.

"Sabi ko nga, dito tayo...ako kakain e. Kasama mo. Bwahahaha!"

"Baliw. Umupo ka na kung saan mo gusto." Inilagay niya ang kamay niya sa tiyan at tumingin sa akin. Saglit lang ay pumikit na naman siya.

Nag-indian sit ako sa may ulunan niya. Tinaas ko ng bahagya ang ulo niya. Nagulat siya at ibinangon ang kalahati ng katawan niya. Tumuon siya sa isang braso at hinampas ako sa braso gamit ang kabilang kamay. "Ano bang pinaggagagawa mo? Tss." Naiinis ang tono ng boses niya.

"Ayaw mo bang ihiga kita sa binti ko?" Nagpuppy eyes ako sa kaniya pero wala atang epekto.

Paano ba naman,malamyang "Ayoko" lang ang sinabi niya at humiga na naman sa pwinestuhan niya kanina at pumikit.

Nakakalungkot naman. Bakit ba siya ganito? Ayaw niya ba sa akin? Tch.

Hinayaan ko na lang siya mahiga doon. Lumipat ako sa tabi niya para mahawakan ko ng maayos ang buhok niya. Hinawakan ng mga palad ko ang ulo niya pababa ng buhok niya. Hindi naman siya pumalag kaya naman ginawa ko lang ito ng paulit ulit.

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon