Nagkita kita kami sa labas ng gate. Nagtaxi na lang kami since 30 minutes lang naman ang layo nung bar.
Doon kami sa Aces Bar. Maganda sa bar na to dahil hindi masyadong madami ang tao. Tahimik ng kaunti kung ikukumpara sa ibang bar.
Pagkarating namin, nagstay muna kami sa round table katapat ng VIP room. Tawanan na naman yung dalawa.
"Nagmamaganda ka na naman! Hahaha. Eto naman!" sabi ni Bea kay Dane.
"Hahaha! Kalokaaaa!!" ang tanging nasabi na lang ni Dane.
Lumapit ang waiter sa amin at nagorder kami ng Margarita.
"I Love You daw sabi niya, kuya!" sigaw ni Bea sa waiter habang nakaturo kay Dane. Ngumiti lang si waiter at umalis rin pagkakuha ng order namin.
"Napaghahalata ka Bea a! Haha." sabi ni Dane kay Bea. Nagtawanan kami ng napakalakas.
Hahaha. Arti mo friend. Pramis!
Pagdating ng drinks namin, nakikisabay lang sa kanta ang dalawa habang umiinom.
Sa kalagitnaan ng pagkanta nila, may lumapit na isang lalaki sa amin. Suuuper tangos ng ilong, singkit ang mga mata, mestiso, taas taas ang buhok, at maganda ang ngiti. Palagay ko ay may lahi ang isang ito.
"Hi girls. Dun kami sa VIP room nakaupo ng mga friends ko. Gusto namin kayo makilala. Pwede ba kayo makijoin sa amin? Treat na namin yung drinks and food. Dont worry,hindi kami masasamang tao." At dahil ang dalawa ang linapitan, pumayag naman sila agad. Gwapo kasi si lalaki at mukha naman siyang seryoso at mabait.
Inubos lang namin ang drinks namin at sumunod na kaagad si Dane. Ako ang huling pumasok sa VIP room.
"He's Jason, this is Travis, and I'm Alex." sabi nung lumapit sa amin.
Yung Jason ay bilugan ang mata, maputi ang balat, at matangos ang ilong. Payat siya sa unang tingin pero pag natitigan mo, mapapansin mong may muscles siya. Medyo mahaba ang buhok niya pero bagay naman sa kaniya.
Si travis naman ay singkit din pero ANG LAKI NG EYEBAGS NIYA!! BIG TIME!! HAHA!! Matangos ang ilong, at red lips! Sa kanilang tatlo, siya ang ma-muscles.
"Your names are?" tanong niya agad sa amin.
"She's Miel, Dane, and I'm Bea." pagpapakilala ni Bea sa amin.
Nakipagkamay sila ni Dane. Tumango lang ako kasi di ko trip itong mga ganito.
Paikot ang couch na nasa loob. Sa kanan ko ay si Dane, sumunod ay si Jason, tapos si Travis naman ang katapat ko. Si Alex at Bea ang nasa kaliwa ko.
Umorder na kami ng drinks at nagkwentuhan.
"So what brings you here tonight, girls?" tanong ni Alex na nakatingin sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa akin.
-.-
Tinulak ko ng madahan ang balikat ni Alex."Sinusulit lang namin ang last few days ng summer vacation." malamyang sagot ko.
"Sabagay, malapit na rin kasi ang pasukan e." sabi ni Jason na ngiting ngiti.
"Kaloka. Hindi pa ako handa." sabi ni Dane na parang kinakabahan pa.
"Sino bang handa? Kahit naman kami, hindi pa. Si Travis nga, nagdadrama pa. Hahaha." singit na naman ni Jason.
Tss. Mukhang may pinagdadaanan tong si Travis a.
Natahimik ang lahat at maya maya lang ay nagkulitan na naman sila.
Kakalabitin ni Jason ng palihim si Bea. Si Bea naman, hanap at magtataka kung sino ung nangangalabit.
"Sino ba yun? Ang kulit a." iritabe na talaga si Bea.
"Bwahahahaha!!!" malakas na hagalpak na tawa ni Jason.
"Loko ka Jason a! Pasalamat ka di kita katabi kundi hampas abot mo! Haha!" sabi ni Bea sa kaniya.
Samantalang etong mga katabi ko ay nagkekwentuhan na.
"Ano naman pinagkaabalahan niyo ngayong summer?" tanong ni Alex sa amin ni Dane.
Hindi na naman ako umimik. Buti na lang at nagsalita si Dane. "Nagpunta kami ng Davao nung summer. Kaloka. Ang dami palang mapupuntahan dun!"
"Talaga? Sinong kasama mo? Mm, maganda nga dun. Natry niyo yung wild water rafting?" tanong na naman nito.
"Family ko ang kasama ko. Oo, natry namin. Pero hindi ko kasi bet yung mga ganon. Kalokaaaa. Baka etong si Miel, mag-enjoy dun." tapik niya sa balikat ko at ngumiti lang ako.
"Mas nagenjoy ako doon sa pearl farm. Maganda kasi yung infinity pool nila. Plus, may buffet pa!! Hahaha!!" hyper na pagkakasabi ni Dane.
"Wag ka na magtaka. Sadyang malakas kumaen yan." ngingisi ngising sabi ko.
"Talaga?! Hindi kasi halata. Hehe." Lumaki ang mata ni Alex sa pagkagulat.
"Wag ka ngang maingay Miel! Baliw ka!" napapahiyang sabi ni Dane at tawa na lang kaming tatlo.
Nagpatuloy lang magkulitan ang apat. After ay nagkayayaan naman sumayaw si Alex at Dane at si Jason at Bea. Siyempre, naiwan kami ni travis sa table.