CHAPTER 10 BEA'S POV

128 9 4
                                    

Hello! Ako si Bea! Simple lang ang buhay ko. Ang mga magulang ko ay mayroong isang 5-story condo sa tabi ng village namin. Bawat floors ay may tigsasampung kwarto at sa likod nito ay may magandang swimming pool na may falls.

Hindi naman kami ganon kayaman pero masasabi kong may kaya kami. Kaya naman eto, fourth year high school na ako at kaklase ko sila Dane at Miel. For sure, kilala mo na sila kaya hindi ko na sila ipapakilala pa. ^_^

Bunso ako sa aming tatlong magkakapatid. Lahat kami ay dito sa Saint Germain International School (SGIS) nag-aral mula nursery hanggang highschool. Ngayon ay may mga asawa't anak na ang dalawa kong kapatid kaya naman ako na lang ang natirang anak sa bahay namin.

Firsy day ng classes kaya wala pang masyadong ganap. Nagkita kita kami nila Miel sa harap ng carpark. Maaga pa naman kaya naisipan naming tumambay sa paborito naming lugar sa school.

Lilima lang ang building dito sa school namin.

Ang pre-school building ay nasa kaliwang bahagi ng eskwelahang ito. Makikita mo sa loob ang mini-canteen para sa mga naghihintay na mga magulang, yaya, drivers, at kung ano ano pa. Ang underground kasi neto ay carpark rin, bukod pa kung saan kami nagkita kita nila Miel at Dane. Sa likod ng building na ito ay may swimming pool for kids. Doon sila tinuturuan magswim tuwing P.E. class ng mga bata.

Katapat naman nito ay ang Grade school building. Pasquare eto. Bawat sulok ng building ay may hagdanan. Sa gitna, makikita ang napakagandang garden. Kapag dinerecho ang garden, mararating mo ang malaking canteen. Meron ring chapel na open sa mga sudents. Maliit lang siya pero air conditioned, tahimik, at napakaserene ng lugar.

Ang Gym ay nasa kadulu-duluhan pa ng eskwelahan. Katabi nito sa kaliwa ay ang field para sa mga nagbabasketball, nagbebaseball at nagsosoccer. Katapat naman ng buong field at gym ay ang isa pang carpark kung saan kaming tatlo nagpapark ng sasakyan.

Pinagigitnaan naman ng Gym at Grade School building ang Annex 1 (freshmen to juniors' building). Paletter H ang building na ito. May bridge kasi ang freshmen and sophomores sa juniors. Sa baba ng juniors ay ang may kalakihang canteen. Sa gitna ng paletter "H" na building na ito ay may mga punong nakapaligid. Magandang pagtambayan dahil may mga benches din sa ilalim ng mga puno. Sa tabi ng freshmen and sophomores na part ay may katabing mas malaking chapel. Open ito sa lahat ngunit mas nakakabisita ang mga highschool students dito.

Sa likod ng Annex 1 ay ang Annex 2 (Seniors' building). Maliit lang ito. Buong first floor ay ang classrooms ng Seniors at sa second floor naman ay tennis court and badminton court.

Ang paborito naming tambayan nila Miel tuwing break ay ang puno sa likod ng Annex 2. Kaharap nito ang isa pang swimming pool na olympic size para sa mga gradeschool at highschool. Tahimik dito at wala masyadong tao ang dumadaan.

"Tara, puno tayo." walang reaksyong sinabi ni Miel. Kapag sinabi naming puno,understood na namin kung saan iyon. Walang kahit anong upuan doon kaya naman sa floor kami umuupo.

Naglakad kami papunta dun. Halos pagpawisan kami sa dami ng studyanteng nadaanan. May nagtitiliian at pinagkakaguluhan pa sa may highschool canteen. Hindi na kami sumilip kung ano yun at nastrestress lang ang beauty namin.

Umupo kami ni Dane sa harang ng lupa. Nakaelevate ito kaya naman pupwedeng maupuan. Nakapikit naman si Miel na nakahiga sa simento. Ganyan siya kapag stressed.

"Kaloka! Ano kaya yung pinagkakaguluhan dun?" sabi ni Dane na nagpupunas ng pawis sa noo.

"Ewan ko. Baka naexcite lang sa first day ng klase." ani ko.

Nagpahinga lang kami sa ilalim ng puno na iyon, pinagmamasdan ang aming eskwelahang iiwan na namin sa susunod na taon.

Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni muni,tumunog na ang bell sa speaker, hudyat ng unang klase. Naglakad kami papasok sa aming class room.

Umupo kami sa unahan, malapit sa pinto, upang makalabas agad kapag break time. As usual, magpapakilala na naman.

"Good morning class! I am Ms. Cabral, your English teacher for the whole year. I hope we would have a great time together. We will have a lot of activities together, not just inside the classroom but also outside these for walls." Ngumiti siya ng pagkatamis tamis, matamis pa sa honey na may asukal! "I want you to introduce yourselves infront. Tell us your name and something about yourself. Let's start from the back."

Tumayo na ang unang magsasalita. Lahat ng mata ay nasa harapan maliban kay Miel na nakapangdekwatro at nakatingin sa kawalan habang nakikinig. Pakilala jan, pakilala dito. Nang matapos ang lima naming kaklase, nagtilian ang mga babae sa likod namin.

Tss. Sino naman kaya to. Kung makatili ang mga babaitang to, WAGAS!

Dedma lang si Miel pero nacurious ako kaya lumingon ako.

o.O

"Seriously???" napasigaw ako. Oo, literal na sigaw!

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon