CHAPTER 6 DANE'S POV

130 9 1
                                    

Dahil mga puyat at may hang over kami, sigurado akong late na rin nagsigisingan ang mga baliw kaya hindi ko na lang sila ginambala pa.

Grabe ang tulog ko! Nakakaloka! Hindi ko nga alam kung masakit ba ang ulo ko dahil sa hangover or dahil sa sobrang tulog.

Tumayo muna ako sa harap ng salamin. Umunat unat at sabay sabi ng "Ang ganda kooo! Kaloka!"

Nagsipilyo muna ako at kumuha ako ng tubig sa mini ref ko sa kwarto.

Humiga ulit sandali at binuksan ang facebook account ko.

Eh? May friend requests ako. Tinignan ko kung sino sino sila. Laking gulat ko nung nakita ko ang mga pangalan "Travis Laurence Franco and Alex Seth Castro." basa ko dito.

Nice names boys. --, Pero pano nila nalaman ang facebook account ko?

Sa bagay. Di ko din naman masyado ginagamit to, wala ngang details about sa akin. Si bea at Miel naman kasi ay walang FB account kaya di ko na rin binubuksan masyado.

Inaccept ko na ang mga friend request nila at inexit na ang facebook.

Bumaba ako sa kitchen at nagluto ng cheese omelette. Ininitan ko ang kanin at saka naupo sa lamesa.

"Ate! Nagugutom din ako. Gusto ko ng cookies and milk." sabi ni Yana. 5 years old kong kapatid na naghahanap ng meryenda, 3:30 pm na kasi.

Ikinuha ko siya ng request niya at ngumiti siya sa akin. Halos mawala na ang mata sa sobrang ngiti.

"Kamusta ate? Bakit wala ka kahapon sa house?" aniya gamit ang maliit na boses niya. "Namiss kita ate."

"Namiss din kita, Yana. Gusto mo maglaro tayo pagkatapos mong kumaen?"

Ngumiti na naman siya ng pagkalaki laki at tumango. Pumunta kami sa kwarto niya. Naglaro ng lutu-lutuan, bahay-bahayan, habul-habulan, at kung ano ano pang -an. Haha!

Dahil napagod kami, grabeng gutom din ang naramdaman namin. Nagluto ako ng dinner habang naghihintay sa parents namin na usually dumadating ng bahay ng 6:30 pm.

Pareho silang doctor at kilalang kilala sila internationally. Twice a year, nagpupunta sila sa ibang bansa para tumulong sa mga nangangailangan.

"We're home!" bati ni mama. Nagmano at humalik kami ni Yana sa kanila. Nagpahinga lang sila sandali at kumaen na kami ng dinner.

Pagkatapos kumaen ay nagtungo ako sa kwarto. Inopen ko ulit ang facebook ko. One friend request from Jason Xavier dela Cruz. Inaccept ko lang ang request niya at nagbasa na ako ng story sa wattpad.

*09123456789 calling*

Sinagot ko ang tawag ng kung sino man itong makulit na to. "Hello? Sino to? ... Oh! Bakit? ... Ha?! Kalokaaa! Teka! Papunta na!"

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon