"Hello?!" Ugh! Eto na naman ang hari ng pangaasar!
"Bwahahaha! Ayos pre! Nahiya yung tama ng alak sa tama mo kay Miel a?hahahahaha" hagalpak na tawa ni Jason. Batid kong nasa sasakyan na sila. Matahimik na e.
"Tch. Ano ba?! Nabigla ako, okay? Tsaka baka hindi ko na siya makita ulit!" pagdedepensa ko.
"Gagawa tayo ng paraan para makita mo ulit. Wag ka mag-alala. Bwahahaha!"
"Paano naman?" Ngumisi ako dahil alam kong wala na silang magagawa pang paraan.
"Pumunta ka sa bahay mamayang 8pm. Bye!" sabay baba ng phone.
Tch. Bahala na nga. Ang daming alam. -.-
Pagkauwi ko, nagayos lang ako ng sarili at natulog na.
Alas once y media na ako nagising kaya naman nagtoothbrush lang ako at kumaen na ng lunch kasama ng family ko.
Masaya ang family ko. May business kami and ang parents ko ang namamahala nun simula nang magpakasal sila. Ipinagkatiwala na ng lolo at lola ko ang business dahil malaki ang tiwala nila sa parents ko.
"Kamusta pala sila Alex at Jason?" Ngumiti si mommy at tumango si daddy. Matagal kasing hindi nakita ang dalawa simula nung magsummer.
"Ayon, maloko pa din si Jason. Si Alex naman, seryoso pa din. Pero akalain mong siya ang unang nakipagfriends sa talong babae sa bar?"
"That's nice. I bet sobrang saya niyo kagabi." Ngumiti na naman siya at halos mawala na ang mata sa ngiti niya.
"Yes mom. Kakaibang experience yun. Haha." Ngumisi ako habang inaalala yung halik ko kay Miel.
Bakit ganito? Nakalimutan ko na ba talaga siya? Si Miel? Siya na ba ang pumalit?
Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Nakita kong ngumisi si daddy at nagtanong. "You like one of those girls?"
"Yes dad. Kaso masiyado pang maaga para masabi un. We dont know each other that well pa naman. Siguro naattract lang po ako sa kaniya. Kakaiba kasi siya e."
Napatingin si mom na parang nacurious. "Paanong kakaiba Trav?"
"May pagkaboyish mom pero napakaganda niya. Long hair, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, maliit at mapulang labi. Tahimik lang siya pero kapag nagsalita, ayon, lumalabas ang pagkadeep niya."
"Sounds interesting baby." Ngumiti lang ulit siya.
Inilabas ko ang aking sasakyan upang linisin ito.
Sa kalagitnaan ng aking paglilinis, hindi ko maiwasan ang mag-isip. "Ano kaya ang binabalak na naman nung dalawa? Aish~! Subukan lang nilang gumawa ng kalokohan. Tsk tsk." sabi ko sa sarili ko.
Mabilis na lumipas ang oras kaya naman naligo na ako ulit at nagayos ng sarili. Nagshort pants na lang ako, black shirt, at rubbershoes.
7:30 pm nang pumunta ako kina Jason, nandun na din si Alex pag dating ko.
"Tara, dinner tayo. May nakita akong kainan na malapit dito." sabi ni Jason. Sa sasakyan niya na kami sumakay kasi siya ang nakakaalam kung saan ang daan.
Nagdrive na si Jay papunta sa restaurant nang biglang may tinawagan si Alex sa cellphone niya.
"Hello. This is Alex. ... Nandito kami sa restaurant sa tapat ng village niyo. Pumunta kayo in 15 minutes. ... Sige. Bye." sabi niya sa kausap niya. Batid kong si Bea o kaya naman ay si Dane un, kasi dito ang daan namin papunta sa village nila at hindi ko din naman nakita na kinuha nila ang number ni Miel.
"Si bea ba un? Paano mo nakuha ang number niya?" taas kilay kong tinanong. Di ko alam pero kinakabahan ako na naeexcite sa pagkikita namin.
"Si Dane yun. Hiningi ko ang number niya kaya sinave niya ang pangalan niya. Kaya ko din nahanap ang account niya sa facebook. Sinend ko sa inyo ang link, nakita mo?" tanong niya sa akin.
"Oo, na-add ko na siya kanina. Tch. Wala man lang masyadong details. Mangilan ngilang pictures lang ang andun." angal ko.
"Bumabanat na naman si Travis oh. Ineresado ka talaga sa Miel na un a." Ngumisi si Jason at tumingin sakin.
Pagkarating namin, inassist kami ng waiter sa table for 6 at saka hinintay ang girls.