CHAPTER 23 MIEL'S POV

104 4 8
                                    

Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Ang sayang naramdaman ko nung umaga, ang lungkot nang pauwi na kami, ang galit nang makita kong bugbog ba bugbog si Travis. Buti na lang at nakapagpahinga na siya. Matapos kong painumin siya ng gamot ay pinatulog ko na rin siya.

Hinawakan ako ni Travis sa kamay. "Dito ka lang. Bantayan mo ako. Huwag kang aalis." Bulong niya sa akin. Masakit pa ang mga sugat niya, sigurado ako dun.

"Mm. Sige na. Matulog ka na."

Pumikit siya. Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siya. Matapos ang isang oras, pinuntahan ko na muna si Alex at Dane.

"Dane, magbihis ka na at matulog. Baka sumunod na lang ako sa kwarto. Babantayan ko lang si Travis." ani ko.

Umupo si Dane sa pagkakahiga ng kalahati niyang katawan katabi si Alex. "Sige." Bumeso siya sa akin. "Good night Miel and Alex." Bati niya at saka pumunta sa kabilang kwarto.

"Good night, Alex."

Nagtungo na ulit ako sa kwarto ni Travis. Hanggang ngayon ay natutulog ng mahimbing si Trav. Ayun, humihilik pa. Umupo ako sa may sala niya. Kinuha ko ang soup na dinala ni tita Sidney. Masarap ang pagkakaluto. Nang maubos ko ito, inayos ko ang pinagkainan namin. Ipinagtabi ko ang mga bowls at baso namin. Lumipat ako sa tabi ni Travis pero sa floor pa din ako umupo. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbasa sa wattpad habang nakikinig ng music sa earphones ko. Multitasking ang talent ko. Wag kang ano. --,

Inaantok na ako kaya naman inilagay ko ang baba ko sa kama saka muling nagbasa. Nahuhulog ang mga mata ko sa sobrang antok. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Alas sais ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakahawak sa ulo ko. Naluha ako. Naalala ko ang pakiramdam kapag hinahaplos ni daddy ang buhok ko. Ang sakit sa dibdib na magpigil ng iyak. Tumingin ako kay Travis. "Bakit gising ka na? May masakit ba sa iyo? Masama ba pakiramdam mo?"

"W-wala n-naman. Ang sarap mo... Aww!" Hawak nito sa gilid ng labi. "Ang s-sarap mo... palang p-panoorin... k-kapag natutulog." Pinilit niyang ngumiti pero halatang nahihirapan siya.

"Matulog ka na ulit. Dito lang ako sa tabi mo." Tinapik ko pa yung parte ng kama kung saan nakasandal ang ulo ko.

"D-dito ka... sa tabi k-ko. Hu-humiga ka dito."

"Hindi na." Kinumutan ko siya ngunit madahan niyang hinila niya ang kamay ko. Umiling ako. "Sige na, matulog ka na ulit."

Dahil wala na rin naman siyang magawa, natulog na lang siya ulit. Tinitigan ko siya ng ilan pang minuto at saka nagbasa sa wattpad ko.

Matapos ang dalawang oras, pumasok si tita Sidney sa kuwarto upang abutan ako ng damit na pampalit.

"Good morning! Pasensya na't puro dress na lang pala ang hindi ko pa nasusuot sa cabinet. Ayos lang ba na eto na lang ang isuot mo?" wika niya.

"Nako, tita, huwag na po. Uuwi naman po ako mamaya para maligo at magpalit. Pupunta po kasi ako sa prisinto mamaya."

"Sigurado ka ha?" Tumango ako. "Magiingat ka, okay? Dumaan ka dito pagtapos mo dun."

"Mm. Pasensya na po sa abala." wika ko saka ko nginitian si tita.

"It's alright!" Ngumiti din siya ng pagkatamis tamis.

"Kayo na po muna bahala sa kaniya." Tumango ako para ipahiwatig na si Travis ang tinutukoy ko. "Huwag niyo po muna pakilusin. Kapag masakit ang katawan, painumin niyo lang po neto para mabawasan ang sakit." abot ko sa mga gamot. "Babalik po ako mamaya para icheck siya. Mauna na po ako. Nice meeting you po."

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon