CHAPTER 4 TRAV'S POV

149 10 2
  • Dedicated kay Genieva De Leon
                                    

Pagkatungtong na pagkatungtong namin sa dance area, nagstart na ang slow song. Nakikita ko na naman ang blangko niyang mukha. Ganon pa man, inilagay ko ang mga kamay niya sa balikat ko at humawak naman ako sa likod niya.

-- What day is it?

And in what month?

This clock never seemed so alive

I can't keep up and I can't back down

I've been losing so much time

'Cause it's you and me

And all of the people with nothing to do

Nothing to lose

And it's you and me

And all of the people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you--

Nice song. You and Me by Lifehouse.

Sumasayaw lang kami at nakakatawa siya kasi halatang hindi siya marunong sumayaw. Hahaha!

Pareho atang kaliwa ang paa. Tss .Bwahaha!!

--All of the things that I want to say just aren't coming out right

I'm tripping on words

you got my head spinning

I don't know where to go from here.

'Cause it's you and me

And all of the people with nothing to do,

Nothing to prove

And it's you and me

And all of the people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you--

This time, habang sumasayaw at nakikinig sa kanta, hindi ko na namamalayang nakatingin na ko sa kabuuan ng mukha niya. Nakatingin lang siya sa malayo. Kahit wala akong makitang emosyon at reaksyon sa mukha niya ay naaattract pa din ako sa kaniya.

Bakit ganto ang nararamdaman ko? Tss. Hindi ito tama. Dibale, hindi ko na naman siya makikita ulit e. --, Tama... Tama...

--And it's you and me

And all of the people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you--

Nakakailang kanta pa lang ang nasasayaw namin nang makita ko ang apat na nagsasayaw.

Lumapit si Dane hila hila ang kamay ni Alex. "Gusto daw makasayaw ni Alex si Miel!"

"Sige, ibalik mo siya agad a!" sabi ko kay Alex habang nakangisi. Nginiwian naman ako ni Miel.

Kami na muna ang nagsayaw ni Dane. "Paano kayo nagkakilala ni Miel?"

"Kahit malapit ang bahay namin sa isa't isa, sa school pa din kami nagkakilala. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay namin noon." nakangiti lang siya na parang inaalala ang panahong iyon.

"I see. Ganyan na ba siya dati pa? Yung pagiging tahimik." pagtataka ko. Hindi kasi palakwento si Miel kaya yung kaibigan na niya ang iniinterview ko.

"Hindi siya ganyan noon. Masayahin siya noon, palatawa, palakwento. Ibang iba sa ngayon." makikita sa mukha ni Dane ang pagkaseryoso. "Pero mahal ko pa din siya kahit ano pa siya. Kasi alam kong kami lang ni Bea ang nanjan para sa kaniya."

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon