CHAPTER 28 MIEL'S POV

31 3 0
                                    

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa nangyari kanikanina lang. Dapat ba akong matuwa kasi sikat ang nanliligaw sa akin? Dapat ba akong magselos dahil kung makadikit sila kay Travis ay parang mga lintang hindi mapakali? O dapat ba akong mainis dahil hinahayaan lang ni Travis na lumapit sila sa kanila? I have no idea. Besides, siya ang kauna unahang nanligaw sa akin.

Nabili ko na ang mga pagkain namin at agad naman akong tinulungan ng dalawa. Nanahimik na lang ako dahil hindi ko alam ang dapat na magiging reaksyon ko. Pagkarating namin sa puno, agad naman akong naupo sa floor, tumabi sakin si Trav.

"Bakit tahimik ka?" bulong niya sa akin. "May problema ba?" sinserong tanong niya.

Nginitian ko siya. "Wala naman. Tara, kaen na." saka nawalan na naman ng reaksyon sa aking mukha. Nakita kong lumungkot ang itchura ni Travis. "Wag ka nang malungkot. I'm fine. We're fine."

Nagliwanag ang mukha niya kaya naman naging okay na rin ako. Kumakaen kami nang nakahirit na naman itong si Jason. "Huy! Napapansin ko kayong dalawa ha. Hindi pa kayo pero laging LQ. Tsk tsk tsk."

"LQ ka jan. Lambingan yun Jay!" ani Trav at saka ngumisi at inakbayan ako.

"Woikumaen na lang kayo diyan. Ang dami daming sinasabi.Tantanan niyo ko pwede?" maautoridad kong sagot sa dalawa.

Matapos naming kumaen ay nagkwentuhan pa muna kami bago bumalik ng classroom. Naabutan naming nasa harap si Greta na may sinusulat sa board. Answer pages 28-31 of your advance algebra book. To be submitted at the end of the period.

Sumasagot kami nang pumasok ulit si Madie. "Batchmates! Suspended na ang classes but make sure matatapos niyo ang mga seatwork sa period na ito dahil kukunin pa rin yan before kayo umuwi. Tapusin niyo muna ha bago kayo umiwi! Thanks!" at saka umalis.

Tinapos ko kaagad ang pinapasagutan. Ipinasa ko kaagad kay Greta at saka nagpaalam sa barkada.

"Miel, hintayin mo na kami. Patapos na din ako o. Tapos turuan na lang natin sila para matapos na rin agad. Besides, ako ang sumundo sayo kanina. Wala kang dalang sasakyan." suggest ni Trav.

Umupo ako sa tabi niya. Malapit na nga siya matapos, dalawang items na lang ay tapos na siya. "Tuturuan ko na sila nang matapos na." Lumapit ako sa apat. "Tara, corridor!"

Sumunod sila sa akin. Tinignan ko kung anong number na sila. Malapit lapit na rin naman matapos pero medyo naguguluhan pa sila. TInuruan ko sila na mabilis naman nilang nakuha. Nang matapos kaming lahat ay napagdesisyunan naming umuwi na.

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon