Hindi ako makatayo. Nahihilo ako masyado. Ganon pa man, pinilit kong tumayo dahil kailangan kong uminom ng gamot. Nang makarating kami ni Travis sa may pintuan, medyo natumba ako't agad niya naman akong inalalayan. Humawak siya sa siko ko hanggang sa makarating kami ng puno.
Humiga ako sa ilalim ng puno at pumikit nang maramdaman kong may humahaplos ng buhok ko. Alam kong si Travis ito dahil wala na namang ibang tao bukod sa aming dalawa.
Hinayaan niya lang na ganon kami, walang imik imik. Ginawa niya lang yun hanggang sa makarating ang apat galing sa canteen.
"Miel, eto na yung water. Uminom ka muna ng gamot." Umupo ako saka kinuha ang tubig kay Travis. Ininom ko ang gamot na binigay niya.
"Ano bang nangyari sayo, Miel. Bakit nagkasakit ka?" Tanong ni Bea. Nagtaka ang bruhilda dahil hindi naman ako laging nagkakasakit.
"Hindi ko rin alam e. Pero kasi kanina pa sumasakit ang ulo ko." Iniabot na rin nila ang food na binili nila para sa akin. Ayoko sanang kumaen kaso nakakahiya kay Travis dahil siya ang bumili ng food. "Salamat ulit, Travis."
Tumango siya. "Kumaen ka na. Kailangan mong gumaling agad."
Kumakaen kami nang may napansin ako. Ang saya ng dalawa sa harap ko. Nakakatuwa silang tignan. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin kong sila na. Todo ang asaran nila Jason at Bea.
Hinampas ni Bea si Jason. "Ayos yan Jason. Haha. Mantrip ka lang. Nakakainis ka."
"Gustong gusto mo naman? Bwahahaha!" Pangaasar ni Jason.
"Wow, Jason. Ang confidnce level, abot langit." sarkastikong ani Bea at saka umirap.
"Naman. Yan lang ang meron ako. Bwahahaha!"
Hinampas na naman ni Bea si Jason. This time, napalakas ito. Napahawak si Jason sa braso niya. Mukhang nasaktan talaga siya.
"Woi, sorry. Napalakas ata masyado. Haha." hinimas ni Bea ang braso ni Jason. Tinignan siya ni Jason na nakakunot ang noo. "Sorry na nga. Wag ka na magalet. Eto naman. Hahaha."
Kung ang dalawa ay nangingibabaw ang ingay, ganon naman katahimik kaming apat. Si Alex ay kumakaen ng lunch samantalang si Dane ay nakangiti dahil sa pinaggagagawa nila Jason, at si Travis naman ay nagaalala pa rin sa akin. Tinitignan ang noo ko kung mainit pa rin.
"Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Tanong ni Travis. "Mamayang 4 pm ka iinom ng gamot ha."
"Mm. Hindi na gaano kasakit. Salamat." Ilang akong tumingin sa kaniya. Hindi kasi ako sanay nang may nagaalaga sa aking lalaki.
Ngumiti siya. "Buti naman."
Inubos lang namin ang lunch namin. Maya maya pa ay nagbell na kaya naman bumalik na kami sa classroom. Discussion lang ulit ang mga nangyari sa loob ng tatlong oras. Kahit sa last subject namin na PE dahil next week na ang first game ng football.
Nang maguwian, inabutan ulit ako ni Travis ng gamot. "Kaya mo bang magdrive?"
"Dane, wala kang dalang sasakyan diba? Ikaw na muna magdrive ng sasakyan ni Miel?" sabi ni Bea.
Umirap si Dane nang naka ngiti. "May magagawa ba ko? Pasalamat ka Miel, mahal kita. Kalokaaa."
"Ano yang mahal mahal na yan ha? Tsk. Huwag ganon Dane." sabi ni Travis at tumawa ng malakas si Dane. "Susundan ko kayo hanggang sa tapat ng village niyo. I wanna make sure na safe kayo ni Miel."
Tumango kami ni Dane. Hindi na ako nakipagtalo dahil sumasama ang pakiramdam ko.
Habang nagdadrive si Dane, nakatulog naman ako sa sakit ng ulo.
"Miel, gising na. Nasa bahay ka na." Bahagya pa akong yinugyog para magising.
Pagkamulat ng mata ko, lumingon lingon pa ako. Nakita ko ang hindi inaasahang taong narito. "Akala ko ba hanggang sa labas ka lang ng village? Bakit andito ka?" Napakunot ang noo ko. "Umalis ka na." Malamyang pagkakasabi ko.
"Ayoko umalis, Miel. Mamaya na. Just let me take care of you. Please." Nagpuppy eyes pa ang loko pero seryoso ang boses niya.
"Fine. Basta umuwi ka kaagad."
"Miel, una na ako ha. Baka hinihintay na ako ni Yana e." pagpapaalam ni Dane.
"Sige, salamat Dane a. Hindi na muna ako magdadala ng sasakyan bukas. Pasabi kay Bea, sasabay ako sa inyo."
"Susunduin na lang kita bukas, Miel." pagooffer naman ni Travis.
"Huwag na. Kay Bea na lang ako sasabay. Maabala ka pa." Lumingon ako kay Dane. "Pasabi na lang ha." Tumungo si Dane saka umalis. "Tara sa loob."
Pumasok kami sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa sa living room. Pumunta si yaya Faye sa sala kaya naman ipinakilala ko si Travis. "Yaya Faye, si Travis po, kaklase ko. Travis, si yaya Faye." Ngumiti si yaya ng pagkatamis tamis. Nagpalit ako ng shorts and lose shirt saka bumalik sa sala. Nang mapansin ni yaya na may kakaiba sa akin, pinagpahinga na niya muna ako. Hindi ko namalayan nakatulog na pala sa sa sofa ng nakaupo. Pagkagising ko, nakahiga na ako sa sofa. Nakabalot na ako ng makapal na kumot. Inimulat ko dahan dahan ang mata ko at naaninag kong kausap ni Travis si mommy.
"Baby, Are you feeling well already? Hindi mo sinabi, ang pogi pala ng nakilala niyo nung isang araw." Nagulat ako sa sinabi ni mommy. Napalaki ng big time ang mata ko. Tinignan ko si Travis na akala mo'y nagtatanong kung anong sinabi niya kay mommy. "Hahaha. Dont worry, baby. Hindi naman ibinuking ni Travis ang mga kalokohan mo. Come, let's eat na."
Nagtungo kami sa kitchen. Habang naghahain ng food si yaya, umupo na ako sa usual seat ko. Tumabi sa akin si Travis samantalang kaharap ko si mommy. Matapos maghain, naupo si yaya sa tapat ni Travis. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ng dinner, nahuhuli kong nagtitinginan at ngumingiti sina yaya at si mommy.
Tch. Ano ba yang mga pinaggagagawa nila? Ang awkward naman. Bakit ba kasi pinapasok ko pa tong lalaking ito.
Nang maubos ko na ang food sa plate ko "Miel, 8 pm na. Uminom ka na ng gamot." Kinuha ko ang gamot sa kamay niya. Kitang kita ko na naman ang matatamis na ngiti ni mommy na animo'y kinikilig pa. "Next na inom mo, 12 am. Dont forget, okay?"
Tumango ako saka ininom ang gamot. Pumunta ako sa may sink para maghugas ng kamay at naupo ulit ako."Gabi na, umuwi ka na. Hatid na lang kita sa may sasakyan mo."
"Okay. Good night, Miel." Nagnod siya kay mommy at saka nagpaalam. "I'll go ahead tita Yasmin. Nice meeting you po." Iniabot ni Tavis ang kamay saka nakipagshake hands kay mommy.
"Nice to meet you too, Travis. Balik ka ha. Bye!"
Inihatid ko siya sa sasakyan niya at hinintay na makalayo saka pumasok sa bahay. "Kyaaa! Baby! Kapag ba nanligaw siya sayo sasagutin mo? He looks good. He's handsome, caring, and loving man."
"Good night mooom~!"
Umiling siya habang nakangiti. Umakyat na ko sa kwarto ko at nag-aral. Matapos kong magreview at advance study ay nakatulog na rin ako. Napabalikwas ako sa kama nang magvibrate ang cellphone ko.
*Travis calling*
Hello?
Miel, wake up. It's time to drink your med.
Sige. Salamat.
Ibinaba ko ang line saka binuksan ang pinto. Palabas pa lang ako nang makita ko si yaya sa tapat ng pinto ko na may dalang gamot at tubig. "O, habilin ni Travis bago siya umuwi." Ngumiti si yaya. Ininom ko ang gamot saka nahiga na ulit.
Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ito.
-Travis-
Good night, Miel. Sleep well para gumaling ka kaagad.
*Compose Message*
Good night. Thank you sa time. Matulog ka na din.
Nagpatugtog ako sa mp3 ng phone ko. Inibaba ko ito at natulog na rin agad.