CHAPTER 11 MIEL'S POV

140 10 4
                                    

Haaay. Kastress ang mga tao. Ang gulo at ang iingay pa. Buti na lang, may klase na nang matahimik ang buong SGIS.

Nagpakilala lang ang aming teacher. Kasunod nito ay kami naman ang magpapakilala. Pangatlo ako sa pinakahuli kaya nabobore ako. Dumekwatro ako at tumingin kung saan. Naging kaklase na naman namin ang mga eto kaya kilala ko na rin naman sila.

Nag-umpisa nang magsalita ang aming mga kaklase. Pang anim na nang nagsimulang umingay ang klase. Kinikilig kilig pa ang mga babae sa likod.

"Seriously???" napasigaw si Bea na parang gulat na gulat.

Hindi pa rin ako tumitingin dahil di naman ako interesado dahil alam kong lalaki na naman ang dahilan niyan. Nagpunta na sa harap ang susunod na magpapakilala, ang dahilan kung bakit nagtitilian ang mga babae. Ang dahilan kung bakit ako natauhan sa pagkatulala ko.

"Good morning classmates!" Laking gulat ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tumingin ako sa harap. "I am Alex Seth Castro." napatingin si Alex sa akin at nagulat siya. "I am... pure filipino but... people always think that I have foreign blood."

"Ayiiii!"

"Handsoooome baaaaby!"

"Be mine please!"

"Waaahhh!"

Lumingon ako sa likod at nakita ko ang dalawa. Napalingon si Travis sa akin at nanlaki ng BIG TIME ang mata nila ni Jason at nagtinginan sila.

Seryoso ba itooo? O.O Andwae!!! Panigurado, araw araw akong kukulitin nito. Tsk.

Tumayo si Travis at nagpakilala sa klase. Ngumisi siya na parang walang nangyari. "I am Travis Franco. My heart is taken by someone special inside this room." Ngumisi siya lalo. Tumingin siya sakin at naglakad papalayo.

Tch. Lahat ng kalokohan ng lalaking to. Nakakainis ang pagiging korni niya.

"Waaaah! Mas gwapo si Travis!"

"I took your heart Travis!"

"I have your heart Travis!" malanding pagkakasabi ng isa naming kaklase.

"Nasa bag ko na papa Travis!"

Tumatawa ang teacher namin habang nakikinig sa mga nagsasalita. "Hahaha. That's enough girls. Next please. We have something else to do after this and we have have 20 students remaining." Ngumiti siya ng pagkalaki laki.

Sumunod naman si Jason na nagsalita. "Hi classmates. I am Jason Xavier dela Cruz. Transferee from an all boys school." ngumiti siya sa mga babaeng nagtitilian at bumalik sa mga kinauupuan niya.

"Really? Why did you decide to transfer here Mr. dela Cruz?" interesadong tanong ni Ms. Cabral.

"My friends and I wanted to experience a co-ed school before we graduate highschool Ms." sabi ni Jason. "We didn't expect that our newly found friends would be our classmates." Ngumisi siya at nagsimula na ang mga bulungan sa paligid.

Hindi ko na pinansin ang mga tao. Hanggang sa ako na pala ang magsasalita. Tumayo na ako at nagpunta sa harapan.

"Ang ganda niya no?"

"Oo,kahit noon pa man."

"Agree teh. Kahit nung maitim pa siya nung mga freshmen pa tayo, paano pa kaya ngayong ang dami nang nagbago sa kaniya."

"Pumuti na nga siya e. Sana magkamukha na lang kami."

"Asa ka teh!"

"Hahaha!"

Bulungan ng mga kaklase kong babae. -.-

"I am Miel. Most of the time, I like to listen to music especially before I go to sleep." sabi ko ng super tipid at wala na namang reaksyon sa mukha.

"Same here!"

"Woooh."

"I love you Miel."

"You're so pretty Miel!"

Sigawan ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha yang mga yan. Bahala sila basta nananahimik ako.

Sumunod na si Bea. "I am Bea Casandra De Leon. I am fond of going out with friends."

"I love you Bea!" sigaw ni Jason sa likod.

Sows! Iba na yan Jason. Tsk... Tsk... Bwahahaha!

Nakita ko ang mga kaklase kong babae na umirap. Naiinis sila kay Bea dahil masyadong madaldal at naiinis sila sa boses neto. Mean girls. Haha.

Ang pang huling nagsalita ay si Dane. Ngumiti siya saka nagsalita. "I am Danielle Helene Hermoza. I may look shy but I am one and a half crazy and talkative."

"Bwahahahaha!" tawanan ng mga kaklase namin. Pati si Ms. Cabral natawa dahil sa sinabi niya.

"Okay. Since everybody introduced thereselves already, we will..." pabitin ng aming teacher.

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon