CHAPTER 27 JASON'S POV

34 2 0
                                    

Papunta na kami sa klase ni Ms. Cabral nang napansin kong nauuna sa paglakad si Miel. Inakbayan ko siya. "Miel, anong nangyari nung week end? Bakit pasaan ang mukha nila Travis at Alex?" Hindi pa man siya nakakasagot ay biglang lumapit si Travis at itinanggal ang braso ko sa balikat ng kanyang pinakamamahal.

"She's mine, Jason." Napansin kong bahahyang napangiti si Miel sa sinabi ni Travis pero wala sa intensyon niyang ipahalata ito.

"Fine." Itinaas ko ang dalawang kamay na parang susuko sa pulis. "So tell me, ano nga ang nangyari nung week end? Ba't sabog sabog ang mukha niyo ni Alex?"

"May bomba! Kaya ganito ang mga mukha namin! Nasabugan! Okay na?" si Travis.

"Ang sungit mo, pre. Tsk Tsk Tsk." iiling iling na lang ako. "May dalaw ka ba ngayon? Hahaha!" malakas niyang tawa.

"Kasi, yung Bree, kakausapin na lang ako ay bigla na lang naisipang ipadukot pa ako. Itong isa, nagtapang tapangan, ayun, napaaway. Nung hindi na siya makatayo, saka ko tinulungan." ani Miel.

"Hoy! Ano yan ha?! Ang dami naming di nalalaman. Tsaka tinulungan mo? Paano? Saan nangyari ito? Bakit magkasama kayong tatlo?" usisa naman nitong si Bea.

"Hayaan niyo na muna, friends. Kalokaaa. Pagod silang dalawa. Wala pa masyadong pahinga yang mga yan, baka makain lang kayo sa init ng ulo." si Dane.

"So kasama ka riiiin?" ani Bea.

"Teka, my LQ ba kayo?" biglang sabat ko.

"Hindi ah!" pagtanggi ni Travis.

Nang makarating sa classroom ay umupo na kami sa kanya kanyang upuan. Umupo saglit si Bea sa pagitan namin ni Alex habang naghihintay kay Ms. Cabral. Matapos ang limang minuto... "Excuse me, I think you're sitting on my chair." Maarteng pagkakasabi nung Rina Corpuz kay Bea.

Rina Corpuz... hot chick sa buong fourth year. Hindi maiiwasang lahat ng lalaki ay magkagusto sa kaniya. She got looks, the body, and the money. Brains? Ayos lang naman, hindi katalinuhan at hindi rin naman masasabing walang alam.

"Excuse me also, does it have your name written on it?" bwelta naman ni Alex. "Cause if there's none, then you dont have the right to talk to our friend in that manner."

Bumalik na sa sariling upuan si Bea samantalang kumunot naman ang noo ni Rina sa sinabi ni Alex.

Aba... ako dapat ang nagtatanggol kay Bea a. Bakit nakahirit ng ganon si Alex?

Dumating na si Ms. Cabral. Inilapag niya ang gamit niya at diniscuss ang poetry. Buong first quarter kasi ay poetry ang topic namin. How to write a poem, different kinds of poetry, poems written by famous poets. Name it, andiyan ang lahat ng pwedeng idiscuss sa buong 1st quarter.

Bago siya umalis ay may pinaassignment siya. Sumulat daw kami ng poem about nature, minimum of four stanzas. Next two weeks pa ang pasahan ng homework na ito. Ngayon pa lang daw ay sinasabi na niya para lalo pa namin mapaganda ito.

Halos lahat ay nagreklamo pero dahil masyadong mabait si Ms. Cabral, ineplain niya na lang kung para saan ito. "The chosen poem will be use as a piece in the second quarter's speech choir. That owner of the poem will have an extra credit." Ngumiti siya with her most angelic smile. "I'm expecting everybody to do their best, okay? Good bye class."

Pagkalabas ng classroom ay pumasok naman ang isang babaeng estudyante. "Sino yan?" bulong ko kay Bea.

"Madie Guivarra, batch representative ng buong fourt year high school."

Madie Guivarra... batch representative. May itchura. Mukha namang friendly. Definitely mukhang responsible.

"Guys,may faculty meeting ngayon ang fourth year teachers kaya nag-iwan na lang sila ng seatwork." pagannounce nitong si Madie. Sobrang mahinhin siya lalo sa paraan niya ng pananalita. "Sino ang tentative president niyo sa klase?"

"Si Greta!"

"Greta pooo!"

"Si Margareeet!!!"

Margaret Cali... also known as Greta... ayos naman siya. Physically, maganda, maliit ang mga mata, matangos ang ilong, pouty lips, at katamtaman ang katawan. Laging nakaipit ang buhok, kung hindi pony tail ay one sided braid.

Sagot ng mga kaklase namin. Napakamot si Greta ng ulo saka lumapit dun sa Madie. Nag-usap sila at may inabot si Madie na mga papel kay Greta. Nag-usap pa sila saglit. Nang tumalikod na si Madie ay saka naman tumayo si Greta sa harapan. "Classmates, may pinapagawa si Sir sa atin. Isusulat ko na lang sa board."

-Read pages 35-55

- Answer pages 55-60

- To be submitted at the end of the period.

Tumayo ako at tinawag ang barkada. "Tara sa corridor. Doon tayo gumawa." Lumabas kami at napagdesisyonan na maghati hati sa babasahin.

Dahil tatlo lang naman ang chapters, nagpares pares na lang kami. Si Travis at Miel sa first chapter, ang pinakamahaba at pinakamaraming terms sa tatlo. Si Alex at Dane naman sa second at si Bea at ako naman sa last chapter. Matapos naming basahin ay nagkwentuhan kami sa nabasa saka sinagutan ang mga tanong individually. Kapag hindi namin alam ang isasagot ay nagtatanungan kami. Hindi pa tapos ang period pero natapos na namin ang pinapagawa kaya ipinasa na namin kay Greta ang seatworks namin.

May 45 minutes kaming break ngayon dahil maaga nga kami natapos. Nagtungo kami sa puno at agad naman nagpresenta si Miel na bibili ng food.

"Samahan ko na si Miel. Anong gusto niyo?" si Travis.

"Ham sandwich sa akin, please!" sagot ni Bea.

"Sushi na lang sakin, Tavis." si Alex naman.

"Akin Fries and Lemonade! Hahaha. Mabubuhat niyo ba lahay yan? Samahan ko na kaya kayo?" wika ko naman

"Kaloka! Oo nga, samahan mo na Jason! Hahaha. Ice tea sa akin and burger!" si Dane.

Tumayo ako para masamahan ang dalawa. Pumunta na kami sa stall. Iilan pa lang ang mga nagrerecess dahil may pasok pa ang ibang mga studyante.

"Kyaaah! Ang dalawa sa bagong sikat and heartthrob ng 4th year! Nandito sila! Minsan lang natin sila maabutan! Magpapicture na tayo, sige na!" sigaw ng isa naming kabatchmate.

"Yiii! Sige, tara naaa! Baka umalis na sila!" Tili naman ng isa.

Grupo ng limang babae ang lumapit sa amin na akala mo ay magpapakuha ng litrato sa artista. Nagtutulakan pa sa tapat namin.

"Dahan dahan, girls. Baka matapon ang food ng aming mga kaibigan." ngingisi ngisi kong suway sa naglapitang babae.

Nang makalapit na ng tuluyan ang mga babae, inilabas nila ang mga cellphone nila saka nakipagpicturan sa amin. Napansin kong lumayo ng bahagya si Miel at pumunta na sa ibang stall para bumili ng food. Siniko ko si Travis at sumenyas na tumingin kay Miel.

"Nagseselos ba yon?" pabulong kong tanong kay Travis na sana ay naintindihan niya.

Nagkibit balikat lang si Travis. "Girls, una na kami ha. Kailangan ko pang tulungan ang pinakamahalagang babaeng iyon." ngumiti si Travis saka tumalikod.

"Sayang, taken na pala siya." nalungkot na pagkakasabi ng isa sa kanila.

"Ikaw ba, may girlfriend ka na?" tanong naman nung isa.

"May special someone na kaming tatlo but we're all open to friendship kaya naman walang dapat ikalungkot." kinindatan ko sila kaya naman nagsimula na namang.magtilian ang mga babae. "Sige girls, una na ako. See you!"

"Kyaaaa!"

"Omooo!"

"He's sooo cute!"

"Waaaah!"

"Adorable!"

Tilian na naman nila.

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon