Nagpunta na kami sa canteen. Kakaunti pa lang ang nandoon dahil hindi pa naman talaga recess time.
Kahit ganon, may mga lumapit sa amin ni Alex upang magpakilala.
"Hindi naman sila artista para makipagkamay pa kayo diba?" harang ni Bea sa kamay ng mga babae.
"Kaloka sila teh! Ang aga aga, nagmamaganda na." umiiling naman si Dane habang sinasabi yon.
Natawa naman si Alex sa sinabi ni Dane.
Umirap ang mga babaeng lumapit sa amin at narinig ko yung ibang nagbulungan.
"Saka na lang tayo makipagkilala kapag wala na ang mga body guards nila."
"More of bouncers."
"You can say that again." Maaarteng sabi nila.
Umirap din ang dalawa at nagpatuloy na sa paglalakad. Bumili kami ng food na may katagalang inabot dahil linuto pa yung ibang order namin.
Bumalik kami agad sa puno at sa di kalayuan, nakita ko si Travis na hinahaplos ang buhok ni Miel.
"Hoy bakla! Naiinggit ka ba sa buhok ni Miel at may pahawak hawak ka pang nalalaman?" malakas ang pagkakasabi ko upang marinig niya ako.
"Sinong tinatawag mong bakla? Baka gusto mo makatikim ng kutos! Yan ang tinatawag na sweetness, Jason!" Ngumisi lang siya.
"Bumili na rin kayo ng food niyong dalawa." si Bea na naupo na sa may puno.
Tumayo si Travis. "Ako na bibili ng food naming dalawa." Nangiti lang si Travis. Bumaling siya ng atensyon kay Miel. "Anong gusto mong food Miel?"
"Pasta na lang. Carbonara. Thanks." sagot naman nito habang nakatingin kay Travis.
Pumunta na si Travis sa canteen. Sigurado akong matatagalan yun dahil sa mga babae sa paligid. --,
"Anong ginawa mo dun at napaupo mo sa lapag? Hindi ko pa nakikitang umupo yun kung saan e. Alam mo na, mejo OC." tanong ko kay Miel.
Umupo siya at tumingin sa aming apat. "Wala naman. Sinabi ko lang na kung ayaw niya dito,pwede namang sa canteen na lang siya kumaen."
Ngumisi ako at linakasan ko ang loob ko upang matanong si Miel. "May gusto ka ba sa kaniya?"
Natawa si Bea at Dane samantalang nagtaka naman kami ni Jason.
"Pfft. Haha. Wala." mahinhin na sagot niya.
"Sa lahat ng taong ayaw mainlove, si Miel ang nangunguna." sabi naman ni Bea.
"Bakit naman?" takang tanong ni Alex.
"I hate attachments." tipid na sagot nito.
Sampung minuto pa lang ang nakakaraan at nakabalik na si Travis. "B-bakit ang bilis mo?" tanong ko na hindi makapaniwala.
"Kung tunkol ito sa mga babaeng gustong magpakilala, hindi na sila nag-atubiling lapitan pa ako." Ngumisi siya. Inabot ang food ni Miel at umupo sa tabi niya.
"Bakit? E kami ni Alex, halos dumugin na nila nung nandun kami. E kakaunti pa lang ang tao nun a!"
"Narinig ko sa bulungan nila na ayaw nila dahil pagmamayari na daw ako ni Miel. Natatakot sila para kay Miel dahil... Nevermind...Nakita daw nila akong hinahaplos ang buhok niya kanina. Ayun." Bumaling siya ng atensyon kay Miel. "Paano ba yan Miel, pagmamayari mo na daw ako?" sabay kindat.
"Tss. Kung ano anong iniisip nila, mali mali naman." sumubo siya sa carbonara niya.
Halatang nalungkot si Travis. Bumaksak ang balikat niya at nag-iba ang expression ng mukha niya. Ganon pa man, tumingin siya kay Miel at ngumiti.
Determinado talaga si Travis sa isang to. I hope the best for them.