CHAPTER 15 MIEL'S POV

123 6 3
                                    

Nakakabore tong araw na to. Hindi naman makaabsent dahil sayang ang additional points sa perfect attendance. --,

Maaga nagpalabas ang teacher namin kaya nandito na naman kami sa puno. Umupo ako nang nakaindian sit. Tumabi si Travis sa akin. Sa kabila ko naman ay si Dane at ang tatlo ay nakaupo sa harang ng lupa.

Napalaki ng BONGGA ang mata ko nang humiga si Travis sa kanang hita ko. Natigilan ako. Napaawang ang bibig ko't napatingin sa kaniya. Ngumiti siya ng napakatamis. Uminit ng sobra ang pisngi ko. Pero imbis na hayaan siya na mahiga na lang sa hita ko, itinulak ko ang ulo at likod niya pataas.

"Aray ko! Yung likod ko!" Napalakas ang boses ni Travis. Nakita kong nagasgasan ang likod niya dahil sa simento.

"Hala! Sorry! Di ko naman kasi alam na..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nahiya ako.

Pinaghahahampas ako ni Dane sa sobrang kilig. Sobrang kilig niya, na siya yung namumula dahil nagpipigil ng tili. Si Bea naman ay todo ngiti at ang dalawang lalaki ay ngumisi at nagapir pa.

"Di alam na ano?" Malakas ang boses niya at halatang nainis.

"N-na n-nakataas yung uniform mo sa likod." Pahina ng pahina ang boses ko nung sabihin ko iyon. Naramdaman kong unimit ang pisngi ko. Ngumisi siya at hinampas ko ang balikat niya. "Woi, teka, may kukunin lang ako sa classroom." Tumayo ako at tumakbo papuntang classroom. Pagkabalik ko sa puno, umupo ako sa pwesto ko kanina at binato ang wipes kay Travis.

"Anong gagawin ko dito?" Tinignan niya ang wipes saka tumingin sa akin nang hindi ginagalaw ang ulo.

"Linisin mo yung sugat mo. Nasaan na sila?" Walang reaksyon sa mukha ko.

"Wag na. Hindi ko rin naman kita. Bumili na sila ng lunch. Nagpabili na din ako para sa atin." Inabot niya ang wipes sakin.

"Mm, salamat a. Tumalikod ka. Ako ang maglilinis."

Tumalikod siya at inangat ng kaunti ang uniform niya. Lininis ko ang sugat niya. Medyo nalalayo niya ang katawan niya, siguro dahil sa hapdi.

"Ayan, ayos na."

Tumalikod na ulit siya at tumingin sa akin.

"Miel, nabanggit mo sa amin na ayaw mo ng attachments. Bakit?" Lumingon siya sa akin. Ang intense ng tingin niya kaya ibinaba ko ang tingin ko sa aking kamay. "Kung hindi ka pa ready, ayos lang. Pero sana mashare mo sakin when the time comes na ready and comfortable ka na." Naging malungkot ang boses niya.

Naguilty ako kaya naman tinignan ko siya direkta sa mga mata niya't ngumiti ng pilit.

Dumating na sila dala ang aming food. Inabot nila ito sa amin saka kami kumaen.

"Ano pala yung kinuha mo Miel?" pagtataka ni Jason.

"Yung wipes niya. Nakunsensya, lininisan yung sugat ko. Hindi ko abot e." sabat ni Travis ng nakangisi.

Nagapir ang dalawa. Tumingin sa akin si Jason ng nangaasar. Tinaas baba pa ang mga kilay. Inirapan ko siya kasi wala namang malisya sakin yun.

"Wag niyong bigyan ng malisya yun. Kasalanan ko kung bakit siya nasugatan kaya lininis ko. Mas mahirap kapag nainfect yan." walang reaksyon kong ani.

Natahimik si Travis samantalang tuloy pa din ang nakakaasar na tingin ni Jason.

Tss. Ayos ng trip neto. Sarap dukutin ng mata.

Inabot ko ang bayad kay Travis para sa pinanglunch namin.

"Ano yan?" Nakakunot ang noo niya habang nakataas ang isang kilay.

"Ano ba sa tingin mo? E di pera." Inis kong sabi sa kaniya.

"Malamang. I mean para saan?"

"Para sa pinanglunch ko." Wala na namang reaksyon sa mukha ko. Naiinis kasi ako sa kaengotan ng isang to.

"Wag na. Hindi naman kita sinisingil diba?" Ibinalik ko ang pera sa wallet ko at kumaen na ulit.

Nang magbell na, nagpunta na kami sa classroom. Wala na namang katapusang pagpapakilala. Sa last subject namin, itinabi ang lahat ng arm chairs. Bumilog kami saka magpapakilala sa gitna. Etong magaling namin teacher, gusto pa, may gesture ng talent or hobby. Tss. Kalokohan.

Merong sumayaw, kumanta, nagpakita ng taekwondo, volleyball, gesture ng swimming, gesture ng cooking, at kung ano ano pa.

"I am Miel Audrey Francisco." Nagbaby freeze ako sa gitna saka bumalik sa pwesto ko. Nagpalakpakan ang mga kaklase namin, pati narin ang teacher namin. Sina Jason, Alex, at Travis naman ay napanganga at napalaki ang mata.

Nang matapos ang lahat, naglapitan ang mga kaklase ko sa akin, karamihan ng lumapit ay boys.

"Miel, ang galing mo! Marami ka pa bang alam na street dance moves?" tanong sa akin ni Nathan.

"Miel, Miel, Miel! Punta tayo sa dance studio sa bahay! Turuan mo akong sumayaw!" sabi naman ni Aldrin.

"Miel, ang tagal mo na dito pero ngayon lang namin nalaman na nagsasayaw ka pala." sabi ni Leera.

"Omooo! Ang galing ng ginawa mo kanina Miel!" si Bernice na hinawakan pa ang balikat ko. Tinignan ko ito kaya inalis niya agad ang kamay niya.

"Miel, tara sa tent, sayaw tayo. Mamaya ka na umuwi." sabi naman ni Bryan.

Hinila ako ni Travis sa kamay. "Sorry, kailangan na naming umalis."

"Woi! Teka lang naman! Saan ba tayo pupunta?!" Nadadarag ako kaya naman napapalakas ang boses ko. Hinila niya lang ako papuntang parking lot. "Ano bang problema mo?!"

Kumunot ang noo niya. Galit siya ngayon, for sure. "Ayokong maraming lalaki ang nakapalibot sayo! Ayokong marami ang nakakaagaw ng atensyon mo!"

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang masama sa ginagawa nila?" Tinanong ko siya nang wala na namang reaksyon sa mukha ko.

"Nagseselos ako, Miel! H'wag ka namang manhid!" Napatalikod siya at napahilamos ang isang kamay sa mukha.

"Ang drama mo." Inakbayan ko siya saka yinaya siyang hanapin ang apat. "Tara, hanapin natin sila."

Nang makalayo sa car park, inalis ko ang pagkakaakbay dahil panigurado, bibigyan ng mga tao ng malisya ang pagakbay ko.

Maya maya pa, may umakbay sa akin. "Kayo a. Ang sweet niyong dalawa. Naglalakad lakad ng kayo lang. Hindi niyo man lang kami hinintay." sabi ni Bea.

"Kaloka! Saan kayo nanggaling? Kanina pa namin kayo hinahanap." sabi naman ni Dane.

"Nagdate lang yang mga yan." Ngumisi si Jason. Hinampas ko ang braso ni Jason. "Bakit ang tahimik mo Alex? Nagseselos ka ba kay Travis? Bwahahaha!"

Ngumiti lang ng pilit si Alex at naglakad na. Sinundan namin siya. "Tara, umuwi na nga tayo." sabi niya.

Pumunta na kami sa kanya kanyang sasakyan. Sunod sunod kaming umalis ng parking lot at napahiwalay lang ang boys sa tapat ng village. Nagbusina ako sa dalawa nang makarating ako sa tapat ng bahay namin. Nagpark ako saka nagpahinga at naligo.

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon