CHAPTER 9 TRAV'S POV

123 8 4
                                    

Tss. Wrong timing naman ng mga to. Mang-iiwan tapos babalik agad? Buset!

Pinuntahan na ni Dane sila Alex at Jason sa labas. Panigurado magtatanong na naman si Jason sa napagusapan namin.

Tumayo si Miel at inamoy niya si Alex.

Ano bang ginagawa ng babaeng to. Tsk. Nakakainis naman! Ang sakit sa dibdib!

"Akala ko ba nagyosi kayo sa labas? Bakit hindi kayo amoy yosi? Tss." sabi niya ng nakataas ang kilay at nakakrus ang mga kamay.

Naalala ko yung binulong ko sa sarili kong as if nagyoyosi sila.

Narinig niya pa yung sinabi ko, e ang hina na ng pagkakasabi ko nun a. -.-

Tumawa ng pagkalakas lakas si Alex at Jason. "Sorry na. Gusto lang namin kayo magkaayos." Tinulak ni Miel ng bahagya sa braso si Jason.

Tumalikod si Miel na wala na namang reaksyon at naupo na. Sumunod na sila Dane, Alex at Jason sa table namin.

Napapagitnaan namin ni Alex si Miel samantalang sa harap namin, si Bea naman ang nasa gitna. Kaharap ko si Dane at kaharap naman ni Jay si Alex.

"Miel, paano kapag sinabi kong gusto kita, magagalit ka ba?" tanong ni Alex sabay akbay sa kaniya.

"Ayiii! Ikaw na ang maganda Miel!" sabi ni Bea. Nakita kong umirap si Dane nang nakangiti.

Bakit kaya ganon ang reaksyon ni Dane? Haha.

"Bakit naman ako magagalit, e gusto lang naman?" walang interes na sambit ni Miel Tinanggal niya dahan dahan ang pagkakaakbay ni Alex. Natawa na naman ako ng bahagya. Pero teka, tama ba ako ng pagkakarinig? Gusto ni Alex si Miel? HINDI MAAARI!!! Tsk!

Ngumisi si Alex at tumingin na lang sa baso sa harap niya.

Himarap ako ng dahan dahan kay Miel, linapit ko ang mukha ko sa tenga niya, at binulungan ko siya. "Ang ikli ng shorts mo. Wag ka maggaganyan next time ha. Mas gusto ko pang mukha kang tomboy kesa ganyang pinagtitinginan ka ng mga tao."

Inilayo niya ang ulo niya sa mukha ko at... "Tomboy mo mukha mo. Kalokohan mo a." sabi niya na wala na namang reaksyon sa mukha. Tss. Walang kwentang kausap.

"Tch. Kala mo nagloloko ako? Seryoso yun." sabi ko na nakakunot ang noo. Hindi ko namalayang napalakas ang pagkakasabi ko.

"Anong seryoso, Travis? Kayo a. Baka kung ano na yan." Tumawa si Bea pagkatapos sabihin yun.

Ngumisi lang si Jason, nakahalf smile si Dane, at wala namang reaksyon si Alex.

Gusto niya ba talaga si Miel? Tch. Saka ko na nga lang siya kakausapin tungkol dito.

10:30 pm na nang ihatid namin ang mga girls sa tapat ng village nila. Syempre, naglakad lang kami dahil walking distance lang naman sila.

Nagpaalam na kaming mga boys sa girls at nagtungo na din sa sasakyan ni Jason.

Inistart niya na ang makina ng sasakyan. "Pre, kamusta naman ang paguusap niyo? Mukhang ang bilis a?" ngumisi si Jason at bumaling ng tingin sa akin.

"Mukha namang walang paki sa nangyari e. Wala man lang kareareaksyon ang mukha. Tss. Hirap niya kilalanin." sagot ko sakaniya.

"Sa tingin mo, magwo-walk out ba yun nung nakita ka niya kanina kung wala siyang paki?" Lumingon sa akin si Alex at naghalf smile. Siya kasi ang nasa passenger seat.

"Oo nga no. Bwahahaha! So affected pala talaga siya sa halik ko? Hahahaha! Siyeeeets! Kinikilig ako! Anak ng... Bwahahaha!" Sa sobrang tuwa ko, napuno ng tawa ko ang buong sasakyan.

Ngumisi lang si Alex samantalang tumatawang nagda-drive si Jason. "Hahaha! Lakas na talaga ng tama mo sa kaniya. Kung bala lang yang nararamdaman mo, malamang, matagal nang patay si Miel." ani Jason.

Sumilip na lang ako sa labas ng sasakyan nang nakangiti sa buong byahe namin.

Mama maya pa, nagmaneho na ako pauwi ng bahay. Binuksan ko ang radio dahil masyadong tahimik.

-- And I don't know why I can't keep my eyes off of you

Something about you now

I can't quite figure out

Everything she does is beautiful

Everything she does is right--

Yeah right. I really cant take my eyes off of her. Lalo kanina! Hayup! Ang ganda niya! Babaeng babae sa suot niya. Pero bakit ganon? Ayokong may ibang makakakita sa kaniya na nakaganon?

Pagkauwi ko, nagayos ako ng sarili at natulog na rin agad nang may ngiti sa aking mga labi.

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon