3:20 na kami nakauwi kanina. Pagkahigang pagkahiga ko ay nakatulog ako sa pagod. 1pm na ako nagising.
Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Bumaba ako at nagtimpla ng kape para sa hangover. Naghain naman si yaya Faye ng lunch at sabay kaming kumaen.
"Kamusta naman ang lakad niyo kagabi? Ang late niyo na nakauwi a?" Ngumiti siya habang naghihintay sa sagot ko.
"Ayos naman po. May nakilala kaming mga boys yaya." wala na namang reaksyon sa mukha ko.
Makahulugan ang mga tingin at ngiti niya. Parang nangaasar kaya umiling ako. "Hindi po yun tulad ng iniisip niyo. Alam niyo naman na I'm not into that stuff."
"Sabi mo e." ngingisi ngising sabi niya. "Kumaen ka na at siguradong gutom ka na. "
Sinimulan ko nang kumaen. Hindi ko maiwasang isipin ung kagabi.
*FLASHBACK*
"Goodbye girls. Take care!" ngiting ngting pagpapaalam ni Jason.
"Ba-bye girls. Sana makasama namin kayo ulit." Pilit na ngiti ni Alex.
Lasing na ata ang isang to. Mapungay na ang mata e. Hina naman netong uminom.
Tahimik lang si Travis sa may likod ko. Hindi ko na pinansin kasi nakasandal lang naman siya sa pintuan ng passenger seat.
"Goodbye din sa inyo!" sabi ng dalawa at tumango na lang ako sa kanila.
Bago pa man kami makapaglakad, biglang naramdaman kong lumapit sa likuran ko si Travis at... at... hinalikan niya ko sa pisngi. Pagkatapos noon ay bumalik siya sa sasakyan niya at biglang pinaandar ito.
ako- O.O
sila - O.O na naging --,
Mabilis lang ito pero jusko naman!!! Wala pang nakakahalik sa akin maliban sa mga magulang ko!!! And that was like many years ago!!! Parang sinimento ang paa ko sa kinakatayuan ko. Nakakaasar!!!
Ugh! Sheeeete ka Travis! Ayoko ng ganon!
"Pffft! Bwahahahaha!!!" tawa ng dalawang lalaki habang tulala pa din ako.
"Sige na! Ba-bye na sa inyo. Salamat!" Hinila ako ni Bea papasok ng village habang madaling naglakad. Halos matalisod pa ako sa pagkakahila niya.
"Wag niyo akong iwan!" sigaw ni Dane sa amin. "Sige na, umalis na kayo! Bye! Woi! Teka, hintayin niyo ako!" Nagpapanic na sumisigaw si Dane kahit pa maaga na.
Tulala pa din ako habang walang tigil ang tanong nung dalawa.
"Miel, anong feeling?! Malambot ba ang labi niya?! Kinikilig ka ba?! Masarap ba?! Bakit wala kang reaksyon jan?! Oi! Duh!" pangungulit ni Dane na nakatutok ang tingin sa akin kaya ayun,hindi namalayang may hamps at nadapa.
"Kaya ka ba hindi makagalaw kanina?! Ano bang ginawa mo sa kaniya at parang tinamaan sayo?!" pagtataka naman ni Bea.
Uming na lang ako at naglakad ng tahimik hanggang sa makauwi sa bahay.
*END OF FLASHBACK*
Pagkatapos kong kumaen, nagtungo ako sa gym na katabi ng kwarto ko. Nagpahinga lang ng 30 minutes at nagsimula nang magtreadmill.
Dahil sa kakaisip ko sa nangyari kagabi, lalo akong nafrustrate. Gusto ko siya sapakin. Oo, big deal talaga sakin ang nangyari! Wag kang ano!
Nagtungo ako sa gilid ng gym, linagyan ng bandage ang kamay ko, at sinuot ang boxing gloves.
Sinuntok suntok ko ang pinakamatigas at pinakamabigat na punching bag. Sinipa sipa iyon hanggang sa mailabas ko lahat ng frustrations ko.
Nagabs exercises din ako at nagweights.
Di ko namalayang 4:30 na pala. Naligo lang ako at nagayos ng sarili dahil kinakailangan ko nang mag-ayos ng gamit para bukas.
Kunuha ko ang registration form ko at tiningnan ang schedule. Inilagay ko ng maayos ang mga kailangang notebooks at libro sa bag ko.
At dahil maarte ako, G-tec ang gamit kong pen, yung .3. --,
"Miel! Dinner is ready! Let's eat!" sigaw ni mom galing sa sala sa baba.
"Coming!" bumaba ako at sumunod na sa kitchen. "Kakauwi niyo lang?"
"Yes baby. Medyo nagkakaproblema e." sabi niya na parang stress na stress. May factoy kasi siya ng mga toys sa isang province at ang main office ay located lang dito sa city.
Alam niyo yung vendo for toys? Yung huhulugan ng money tas mahuhulog na ung parang bolang lalagyan. Haha. Bahala na kayo magimagine basta ganon ang ginagawa ng mga tauhan ni mommy.
"Sana maayos niyo po agad yan." ang tanging nasabi ko na lang.
Kumaen kami nila yaya Faye nang biglang magsalita si mommy. "I heard you meet new friends last night." Nakasmile si mommy. "Tampo na ako sayo niyan baby. Kay yaya,nagseshare ka pero sa akin hindi." Biglang pout neto.
Tiningnan ko si yaya. "Alam ko naman po kasing magkekwento siya sayo." sabay ngisi ko.
"Tell me in details, baby."
"Wala po. Nakipagkilala lang sila sa amin. Nakipagsayaw, inuman, at hinatid lang kami sa labas ng village." Tingin ko ng derecho kay mommy not making a big deal out of it.
"Kyaaa! Really baby? Hinatid nila kayo?" Super ang kilig ni mommy dahil first time kong magkwento about boys.
"Mm." tipid na sagot ko.
"Aww. That's so sweet baby. " Namumula mula na ang pisngi niya sa kilig..
Tch. Paano pa kaya pag sinabi kong hinalikan niya ako sa cheeks. Baka magpaparty pa siya sa sobrang tuwa niya. -.-
Tinapos ko lang ang kinakaen ko at umakyat na sa kwarto ko. Nagtoothbrush lang ako, naghilamos, at nahiga na rin.
Half alseep na ako nang biglang.. *toot toot* MAY NAGTEXT!