I know masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko rin alam kung bakit sinagot ko siya agad. Paano pala kung mahal niya pa si Bree? Tiwala na lang siguro ang kailangan kong pairalin ngayon.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa mga nangyari kagabi.
Kinabukasan, sinundo na naman ako ni Travis sa bahay. "Good morning, tita! Good morning, manang Faye! Good morning baby!" bati niya agad sa amin at agad na bumeso kay mommy.
"Good morning din, hijo." sabay na ani mommy at manang Faye. Malalaki ang mga ngiti nila na akala mo ay sila ang in love.
Hinila ko ang kamay ni Travis papalabas kaya naman nagpaalam siya agad sa kanila. "Alis na ho kami." Tumungo lang ang dalawa saka kumaway at nagmaneho papalayo.
"Good morning." nginitian ko lamang siya. "Nagbreakfast ka na?"
Ngumiti siya at batid kong nagblush siya dahil naaaninag ko ang pisngi niya dahil sa mga ilaw mula sa mga sasakyan. "I'm done, baby. You?" nakangiti pa rin niyang wika.
Liningon ko siya ng walang reaksyon sa aking mukha. "Not yet. Punta tayong canteen pagdating ha. Tapos deretcho tayo sa puno."
"Sige." kinindatan niya ako. "Are we going to tell them about us?"
"Hindi mo pa sinasabi kina Alex and Jason? Himala ata yon a?" saka pa lamang ako nangiti.
"Baka kasi ayaw mo pa ipaalam e. Alam na ba ng girls?"
Gentleman?
"Bakit naman hindi? Ikaw ang first boyfriend ko, and proud ako doon. Hindi pa rin nila alam. Mamaya natin sabihin kapag kumpleto na sila."
Muli na naman siyang nagblush at tumawa ng napakalakas. "Bwahahahahaha! Sinasabi ko na nga ba eh, in love ka na sa akin!"
Ako naman ang nagblush. Pero hindi ko pinahalata ang pagkahiya ko. "Makapagsalita ka. Sino kaya ang titig na titig sa akin sa bar noong nasa labas pa kami ng VIP room." agad naman akong ngumisi.
"Ayos ah. Nakita mo pa 'yon?"
"Malabo lang ang mata ko pero hindi ako bulag. Hahaha. Ang emo mo nung una pero nung nakita ako, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Akala mo ay may dumaang anghel. Tss." halos pabulong kong wika sa huling linya at ako naman ang tumawa ng malakas na malakas.
"Anghel ka naman kasi talaga. Maganda, mukhang anghel, kaso akala ko, tomboy ka noon e."
"Loko ka." nahampas ko ang braso niya. "Mukha ba akong tomboy? Tss."
"Uhm. Kaunti?" aniya na parang nag-iisip.
Ngumuso ako at saka nanahimik na lang habang nasa byahe. Pagkarating namin, dumeretcho kami agad sa puno at natagpuan namin ang apat na nagkekwentuhan. Hinawakan ni Travis ang kamay ko.
"Hoy! Bakit may paganyan ganyan na kayo ngayon ha? Bawal ang PDA dito!" bungad na pangaasar ni Jason.
"Shh. Huwag ka maingay, ayaw kong masira ang magandang umagang ito." sagot naman ni Travis. "Guys, may sasabihin si Miel sa inyo." Tinignan niya ako nang nakangiti.
Nginitian ko rin siya at nagready nang magsalita.
"Kami ba ni Miel, guys!" Ngumiti lalo siya ng napakalaki na halos mawala na ang mata.
"Ayos talaga siya e no?" ngumisi ako. "Ako raw ang magsasabi pero inunahan ako?"
"Congrats!" malumanay na bati ni Alex habang nagtilian naman ang dalawang babae.